LALAKI NILAPA NG MGA ASO, PATAY

CEBU – Isang lalaki na pinaniniwalaang sinalakay ng grupo ng mga aso ang natagpuang patay sa Sitio Molila, Barangay Lawaan 1, Talisay City, noong Huwebes ng umaga. Kinilala ng Talisay City police ang biktimang si George Mayol, 68-anyos, residente ng Cebu City. Natagpuan ito sa loob ng isang maliit na banyo na may mga sugat sa katawan na pinaniniwalaang marka ng mga kagat ng aso, at punit-punit ang suot nitong damit. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, huli itong nakitang buhay, tatlong araw na ang nakalilipas nang bumili ng pagkain para…

Read More

P3.6-B SHABU NAKUMPISKA SA PAMPANGA

TINATAYANG 530 kilo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng mahigit P3 bilyon, ang nakumpiska ng law enforcement agency sa lalawigan ng Pampanga Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasabing shabu sa Gate 1 ng Empire 999 Realty Corporation sa Purok 5, San Jose Malino, Mexico City, Pampanga. Sa isinagawang press briefing, sinabi ni Remulla na ang nakumpiskang ilegal na droga ay tinatayang P3.6 bilyon ng halaga. Nabatid pa sa kalihim, dumating sa bansa ang ilegal na droga sa Subic Port mula sa Thailand nitong Setyembre 18. Nakasilid aniya ito sa 59…

Read More

3 NPA PATAY SA SAGUPAAN SA ILOILO

ISA na namang madugong sagupaan ang naganap sa pagitan ng Armed Forces of the Philippine at Communist Party of the Philippines armed wing na New People’s Army na ikinamatay ng tatlo nilang kadre at nabawi ang dalawang high powered firearms sa lalawigan ng Iloilo. Ayon sa Philippine Army 3rd Infantry Division, nakasagupa ng kanilang 61st Infantry Battalion ang grupo ng Communist Terrorist Group (CTG) sa hangganan ng Barangay Cagay at Danao sa Leon, Iloilo. Kahapon bandang alas-10:20 ng umaga ay nagsumbong ang mga residente hinggil sa presensya ng armadong CTG’s…

Read More

RIDER PATAY SA TUMAWID NA BAKA SA CAVITE

CAVITE – Patay ang isang rider nang bumangga sa isang baka na tumatawid sa kalsada sa Gen. Trias City sa lungsod na ito, nitong Biyernes ng madaling araw. Naisugod pa sa Gen. Trias Medicare Hospital ang biktimang si Arsenio Aceres Jr., nasa hustong edad, isang mekaniko ng Paniqui, Tarlac subalit idineklarang dead on arrival dahil sa matinding sugat sa katawan. Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Arnaldo Highway, sakop ng Brgy. Santiago, Gen. Trias City. Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo na Suzuki…

Read More