ECO CHA-CHA WALANG ATRASAN SA KAMARA

IKINATUWA ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpihit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng economic Charter change na wala nang atrasan dahil sinimulan na ang pagdinig sa Resolution of Both Houses (RBH) No.7. Sa press conference ng majority bloc ng Kamara kahapon, sinabi ni Deputy Speaker David Suarez na welcome development ang pahayag ni Duterte sa kanyang inorganisang rally sa Cebu noong Linggo na sinusuportahan niya ang Cha-cha sa kondisyong tanging ang economic provisions ang aamyendahan at hindi makikinabang ang incumbent officials. Gayunpaman, sinabi ng…

Read More

PAG-IISYU NG NAT’L ID PINABIBILISAN

NGAYONG nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Republic Act (RA) 11982 na magbibigay ng cash benefit sa octogenarians at nonagenarians, kailangang bilisan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pag-isyu ng national IDs, ayon sa isang mambabatas. Sa ilalim ng nasabing batas, makatatanggap ng P10,000 ang mga Pilipinong sasapit sa kanilang ika-80, 85, 90 at 95 kaarawan at panibagong P100,000 sa kanilang ika-100 taon bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa lipunan. Ayon kay House deputy minority leader Bernadette Herrera, upang masiguro na hindi mahihirapan ang beneficiaries ng nasabing…

Read More

4 DRUG PUSHERS ARESTADO SA P.3-M SHABU

CAVITE – Apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang inaresto at nasamsam ang tinatayang P.3 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) noong Linggo ng gabi. Nasa kustodiya na ng GMA Municipal Police Station ang suspek na sina alyas “Greg”, 36, construction worker; “Bong”, 52; “Ace”, 21, at “Cyrine”, 24-anyos. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Jervie San Pascual ng GMA Police Station, dakong alas-7:10 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Team…

Read More

BUNDOK SA MULANAY NILAMON NG GRASS FIRE

QUEZON – Tinatayang nasa 20 hanggang 30 ektarya ng kagubatan at damuhan ang nasunog sa kabundukan sa dalawang barangay sa bayan ng Mulanay sa lalawigan. Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection – Mulanay, nagsimula ang sunog sa bulubunduking bahagi ng Brgy. F. Nanadiego dakong ala-1:00 ng hapon noong Linggo at mabilis na kumalat ang apoy patungo sa katabing lugar sakop ng Barangay Matataja. Malayo naman sa residential area ang sunog kaya walang naapektuhan o nadamay na mga kabahayan. Pero ayon sa barangay officials at mga residente, mabilis ang…

Read More

ABC PREXY PATAY SA PAMAMARIL SA HOTEL

PATAY ang ABC president ng Isabela City sa Basilan matapos pasukin at pagbabarilin sa hotel ng hindi kilalang mga suspek sa Zamboanga City noong Linggo ng gabi. Kinilala ng Zamboanga City Police ang biktimang si Franklyn Galos Tan, chairman ng Barangay Seaside, at ABC president ng Isabela City, Basilan. Sugatan naman ang isa pang kapitan na si Jaider Jundam, Punong Barangay ng Kaumpurnah, Zone 1, habang hindi naman tinamaan ang kasama nilang isa pang kapitan na si Daryl Jalani, Punong Barangay ng Kaumpurnah, Zone 3. Ayon sa initial report ng…

Read More

PAGSISIYASAT SA DRILLING OPS SA MASUNGI KASADO NA

NAGKASA na ng imbestigasyon ang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa drilling operation ng Rizal Wind Energy Corporation (REWC) sa Masungi Georeserve sa lalawigan ng Rizal. Sa House Resolution (HR) 1598, hiniling ng mga miyembro ng Makabayan bloc na kinabibilangan nina Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at ACT party-list Rep. France Castro sa mga kinauukulang komite sa Kamara na magsagawa ng imbestigasyon sa operasyon ng REWC sa Masungi Georeserve. “The investigation was prompted by RWEC’s apparent disregard for environmental regulations, including Department of…

Read More

CHINA’S FRIENDS FOR HIRE, TROLLS DARAMI SA TRANSPARENCY STRATEGY NG PH

NANINIWALA ang pamahalaan na magsisimula nang magsulputan ang pro-China Trolls at media influencers at mga friend for hire ng China dahil napatunayang epektibo ang transparency strategy ng administrasyon Marcos. Ayon sa Philippine Coast Guard, at National Task Force-West Philippine Sea, inaasahan na ang biglang pagdami ng tinaguriang pro-China trolls at kilalang influencers sa social media dahil sa epektibong paglalahad ng gobyerno ng Pilipinas sa ginagawang illegal actions ng China sa West Philippine Sea at pangha-harass kahit sa maliliit na mga mangingisda. Inihayag ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea…

Read More

MENSAHE NG PAGKAKAISA, PAGSASAMA-SAMA HATID NG ‘PAGKAKAISA CONCERT’ SA BPSF SA SULTAN KUDARAT

DALA ng ‘Pagkakaisa concert’ ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Sultan Kudarat ang mensahe ng pagkakaisa at pagsasama-sama hindi lamang para sa Mindanao kundi para sa buong bansa. Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, isa sa mga nagtaguyod ng BPSF, pinalitan ng Pagkakaisa Concert ang nakagawiang “Pasasalamat Concert” upang mabigyan-diin ang pagkakaisa ng mga taga-Mindanao laban sa panukala na ihiwalay ito sa Pilipinas. “Nakakatuwa ang nakita nating pagkakaisa dito sa Sultan Kudarat. May 45 tayong kasama sa Kamara na nakadalo, lagpas 150,000 beneficiaries ang ating nabigyan ng ayuda…

Read More

Panagbenga Feels at SM: Blooms and Cultural Spectacles Take Centerstage at SM City Baguio

SM City Baguio Sky Terrace transforms at night with colorful light installations in the month-long celebration of Panagbenga. This year’s Panagbenga celebration has been truly remarkable, offering a diverse range of experiences and activities, reflecting a continued commitment to supporting culture and the arts in the city. The local MSMEs join the month-long Cordillera Food and Crafts Fair that showcases local products from souvenirs to artisanal coffee, and more. Offering of culinary delights from the Food Truck Fest at The Drive satisfied the Panagbenga gastronomic cravings of both tourists and…

Read More