4 DRUG PUSHERS ARESTADO SA P.3-M SHABU

CAVITE – Apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang inaresto at nasamsam ang tinatayang P.3 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) noong Linggo ng gabi.

Nasa kustodiya na ng GMA Municipal Police Station ang suspek na sina alyas “Greg”, 36, construction worker; “Bong”, 52; “Ace”, 21, at “Cyrine”, 24-anyos.

Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Jervie San Pascual ng GMA Police Station, dakong alas-7:10 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Team (DET) sa Brgy. F. Reyes, GMA, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang gray pouch, violet coin purse, buy-bust money at ang tinatayang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P340,000.

(SIGFRED ADSUARA)

27

Related posts

Leave a Comment