P3-M SHABU NASABAT SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P3 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam matapos maaresto ang isang hinihinalang tulak sa isinagawang buy-bust operation sa isang kilalang mall sa Bacoor City noong Huwebes ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 ang suspek na si alyas “Jalani”, 38, ng Brgy. 3, Nasugbu, Batangas. Ayon sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang puwersa ng Provincial Drug Enforcement Agency, Cavite Police Provincial Office (PPO), PDEA 41 RSET 1, at Bacoor City…

Read More

CONVENIENCE STORE SA CAVITE HINOLDAP

CAVITE – Tinutugis ng mga awtoridad ang isang motorcycle rider na tumangay ng P45,000 halaga ng kita ng isang kilalang convenience store sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Huwebes ng madaling araw. Inilarawan ang suspek na naka-motorsiklo, nakasuot ng itim na hood jacket, maong short pants, katamtaman ang pangangatawan, at tinatayang may edad na 35-anyos. Ayon sa salaysay ni Joemar Domalaon, store crew, pumasok ang suspek sa convenience store sa Brgy. Biga, Tanza, Cavite bandang alas-2:30 ng madaling araw at nagpanggap na customer. Nilapitan ng suspek si Joemar, tinutukan…

Read More

7 patay sa drug operations DAVAO CITY POLICE CHIEF SINIBAK SA PWESTO

SINIBAK sa pwestop at isinailalim sa administrative relieved bilang Davao City Police Office director si Police Colonel Richard Bad-ang, ayon sa rekomendasyon ng Regional Internal Affairs Service (RIAS) XI. Ayon kay Police Regional Office XI spokesperson, Police Major Catherine Dela Rey, ang desisyon ay inilabas matapos ang paunang imbestigasyon sa pagkamatay ng pitong indibidwal sa anti-illegal drugs operations sa lungsod mula Marso 23-26, 2024. Ayon kay Dela Rey, ginawa ang pagsibak para matiyak na hindi magiging kaduda-duda, magiging independent at credible ang isinasagawang imbestigasyon. Sinabi pa ni Del Rey, ang…

Read More