7 patay sa drug operations DAVAO CITY POLICE CHIEF SINIBAK SA PWESTO

SINIBAK sa pwestop at isinailalim sa administrative relieved bilang Davao City Police Office director si Police Colonel Richard Bad-ang, ayon sa rekomendasyon ng Regional Internal Affairs Service (RIAS) XI.

Ayon kay Police Regional Office XI spokesperson, Police Major Catherine Dela Rey, ang desisyon ay inilabas matapos ang paunang imbestigasyon sa pagkamatay ng pitong indibidwal sa anti-illegal drugs operations sa lungsod mula Marso 23-26, 2024.

Ayon kay Dela Rey, ginawa ang pagsibak para matiyak na hindi magiging kaduda-duda, magiging independent at credible ang isinasagawang imbestigasyon.

Sinabi pa ni Del Rey, ang desisyon na tanggalin sa puwesto si Bad-ang ay hindi ginawa dahil sa personal na intensyon, sa halip ay upang maging patas ang imbestigasyon sa muli ay naging madugong mga operasyon laban sa ng ilegal na droga.

Natalaga si Bad-ang sa kanyang posisyon bilang direktor ng DCPO noong Marso 22 o isang araw bago nangyari ang madugong operasyon sa ilegal na droga o sa ikalawang araw pa lamang sa puwesto ng naturang hepe.

Matatandaan na sa ‘turnover of command ceremony’ para sa bagong DCPO director noong araw na iyon, nagbigay ng pahayag at babala si Mayor Sebastian “Baste” Duterte laban sa mga sangkot sa ilegal na droga.

Muling binanggit ni Mayor Duterte na kapag hindi umalis sa lungsod at kapag hindi tumigil sa illegal drug trade ang mga drug personality ay may kalalagyan ang mga ito na posibleng humantong sa kamatayan.

Sinabi ni Duterte na ang mas malakas na kampanya laban sa ilegal na droga ay isinagawa matapos sabihin ng mga opisyal ng barangay mula sa mga komunidad na malaki ang populasyon, na ilegal na droga pa rin ang kanilang pangunahing problema.

Sinabi ni DCPO spokesperson Police Captain Hazel Tuazon, ang nasabing mga namatay sa anti -illegal drug campaign ay pawang nalaban umano sa mga operatiba habang isinasagawa ang operasyon na naging dahilan ng kanilang pagkamatay.

Ayon pa rito, marami rin naman silang nahuling buhay na mga drug suspect sa kanilang drug bust operation.

Si PRO XI Deputy Regional Director for Operations Police Colonel Rolindo Suguilon ay tumatayo ngayon na officer-in-charge o caretaker ng Davao City Police Office. (NILOU DEL CARMEN)

72

Related posts

Leave a Comment