WALANG SILBI ANG SIM CARD LAW

DPA ni BERNARD TAGUINOD ISA pang batas na walang silbi sa ating bansa ang Republic Act No. 11934, o ang SIM Registration Act dahil kung iniimplementa ito, hindi makapag-ooperate ang scammers sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Napirmahan ang batas na ito noong October 2022 at inobliga lahat ng Pinoy na irehistro ang kanilang mga SIM card dahil kung hindi ay puputulin ito ng kanilang Public Telecommunication Entities (PTEs). Nagkumahog noon ang prepaid SIM card users na magrehistro para hindi maputol ang kanilang linya pero sa ni-raid na mga POGOhan…

Read More

KABIT PINABORAN NG NGC KAYSA ORIG NA ASAWA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAKATANGGAP ng reklamo ang PUNA mula sa isang pamilya ng Brgy. Batasan Hills sa Quezon City na pinaaalis sa kanilang bahay na in-award sa kanilang ama ng National Government Center (NGC) at National Housing Authority (NHA), dahil hindi na raw nila ito pag-aari. Ayon sa reklamo ni Amadito Germano, noong Abril 9, 2015, namatay ang kanyang tatay na si Amado Germano, 89-anyos, benepisyaryo ng 60 square meters na lote sa government project sa ilalim ng NGCHDP Eastside na matatagpuan sa nabanggit na barangay. Kumpleto umano…

Read More

FATHER’S DAY SPECIAL

At Your Service ni KA FRANCIS ARAW ng mga tatay, daddy, papa at iba pang katawagan sa mga ama ng tahanan (Father’s Day). Noong nakaraang Linggo, Hunyo 16, 2024, ipinagdiwang sa buong bansa ang Father’s Day o Araw ng mga Tatay. Ang mga Pilipino ay pinaka-ipinagdiriwang ang Mother’s Day at Father’s Day tuwing ikalawang Linggo ng buwan ng Mayo at ikatlong Linggo ng Hunyo ng kada taon. Itinakda ni dating president Cory Aquino ang petsa ng ikatlong Linggo ng Hunyo noong Hunyo 1988 sa pamamagitan ng Presidential Proclamation. Binago naman…

Read More

PAGLIPAT NG KAMARA SA BGC KOKONTRAHIN NG MINORYA

MAYORYA sa mga empleyado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang tutol na ilipat ang kapulungan sa Bonifacio Global City sa Taguig. Ito ang napag-alaman kay House Deputy Minority Leader France Castro base umano sa kanilang isinagawang pag-aaral kaya tututulan umano ng kanilang grupo ang isinusulong ng liderato ng Kamara na lumipat mula sa kasalukuyang tanggapan ng mga Batasan Pambansa Complex sa Batasan Hills, Quezon City. “We firmly reject plans to transfer the House of Representatives to BGC. Based on studies, an overwhelming majority of Congress employees themselves are against this…

Read More

Pinaboran ng DOH IMBESTIGASYON SA ‘SECRET CAMPAIGN’ NG US VS CHINA

SANG-AYON ang Department of Health (DOH) na imbestigahan at mapakinggan ng mga awtoridad ng mga sangkot na bansa ang sinasabing sekretong kampanya na inilunsad ng US Defense Department o Pentagon para siraan ang Sinovac vaccine ng China sa Pilipinas sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Sa ulat ng international news agency na Reuters, nagpakalat umano ng COVID-19 misinformation ang US military sa pamamagitan ng online platform na X, dating Twitter. Tinukoy nito ang hindi bababa sa 300 accounts na halos lahat ay ginawa noong summer ng 2020 at nakasentro sa slogan…

Read More

BARKO NG PILIPINAS AT CHINA NAGSALPUKAN SA AYUNGIN SHOAL

(JESSE KABEL RUIZ/BERNARD TAGUINOD) HINDI agad kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagkabaggaan ang ipinadala nilang resupply boat at China Coast nitong Lunes sa Ayungin shoal. Subalit ibinasura ng AFP ang inilabas na narrative ng China na sinisisi sa Pilipinas ang nangyaring sea collision. “The main issue remains to be the illegal presence and actions of Chinese vessels within the Philippines’ EEZ, which infringes on our sovereignty and sovereign rights. The continued aggressive actions of the CCG are escalating tensions in the region,” ayon pa AFP. Iniulat…

Read More

PAGLUSAW SA POGO IPINORMA SA KAMARA

KAKANSELAHIN ang lahat ng lisensya na ibinigay sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) kapag naipasa ang panukalang batas na inihain ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Dahil dito, umapela si Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa Malacañang na sertipikahan bilang urgent bill ang kanilang House Bill (HB) 10525 kung nais umano ng gobyerno na tuluyang mapatalsik sa bansa ang mga POGO. “House Bill 10525 seeks to cancel all the existing licenses of these operations and treat them as serious crimes,” ani Brosas. Sa panukala, papatawan ng parusang hanggang…

Read More

ISSUANCE NG RETIREMENT, INVESTOR’S VISA PINASISIYASAT SA PAGDAGSA NG CHINESE SA PINAS

MAGHAHAIN ngayong Martes (Hunyo 18) si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ng resolusyon para paimbestigahan sa Kongreso ang pag-isyu ng Special Resident Retiree’s Visas (SRRV), Special Investor’s Resident Visa (SIRV), at ang late registration of birth na siya umanong posibleng ginagamit sa pagdagsa ng Chinese nationals sa Pilipinas. “Nakababahala ang patuloy na pagdagsa ng mga Chinese nationals sa ating bansa at ang mas nakababahala ay kung paano sila nakapasok sa atin? Ano ang mga pinanghahawakan nilang dokumento bakit sila nakapagtrabaho ng legal sa ating bansa,”…

Read More

MANGINGISDA SA WPS PINAPOPROTEKTAHAN

MULING nanawagan si House Speaker Martin Romualdez sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard na siguruhin ang seguridad at kalayaang mangisda sa West Philippine Sea ng Filipino fishermen. Ginawa ng lider ng Kongreso ang panawagan sa Navy at Coast Guard noong Sabado matapos sabihin ng China na huhulihin na nila ang papasok sa kanilang teritoryo simula Hunyo 15. Ayon kay Speaker Romualdez, “gawin sana ng ating Navy at Coast Guard ang lahat to make sure na walang mangingisda natin ang mahuhuli nila sa mismong teritoryo natin.” Inaangkin ng China ang…

Read More