FPRRD KAY BBM: PAKINGGAN BOSES NG TAUMBAYAN

NILINAW ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi layunin ng Hakbang ng Maisug rally na patalsikin ang gobyerno kundi para ilabas ang saloobin ng publiko. Kasabay nito ay pinaalalahanan ni Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pakinggan ang taumbayan. Bagaman hindi personal na nakadalo ay nagpadala ng mensahe si Duterte sa idinaos na Hakbang ng Maisug: Defend the Flag, Freedom Concert and Peace Rally sa Pampanga kahapon. Wala namang naitalang aberya sa pagtitipon na dinaluhan ng national speakers ng movement tulad nina dating Executive Secretary Vic Rodriguez, Atty. Glenn…

Read More

AFP PIPIGILAN ‘RECKLESS’ BEHAVIOR NG CHINA

KAYANG tutulan at pigilan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mapanganib at ‘reckless behavior’ ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS). Inihayag ito ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. matapos sabihin ng China Coast Guard (CCG) na ilegal na pumasok ang Philippine replenishment ship sa Ren’ ai Reef (Ayungin Shoal), araw ng Lunes, dahilan para mapilitan ang kanilang mga opisyal na gumawa ng kaukulang hakbang. “Their behavior contravenes their statements of good faith and decency. We will exert our utmost in order to fulfill our sworn mandate to…

Read More

Pinapasok na Chinese walang bitbit na negosyo PRA, BOI GIGISAHIN SA INVESTOR VISA

(BERNARD TAGUINOD) MARAMING Chinese nationals ang binigyan ng investors visa subalit walang negosyong itinayo sa Pilipinas kundi nagtrabaho lamang ang mga ito sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Ito ang isiniwalat ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo matapos ihain ang House Resolution (HR) 1771 para imbestigahan ang pag-iisyu ng Philippine Retirement Authority (PRA) at Board of Investors (BOI) ng mga visa sa mga dayuhan na karamihan ay Chinese nationals. “Wala namang milyung-milyong ininvest dito pero may investor’s visa. Yung iba mga trabahante lamang ng POGO pero naka-investor’s visa.…

Read More

Sa imbestigasyon sa Bamban POGO PAOCC HINILING MAGING PATAS

UMAPELA ng patas na imbestigasyon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo kaugnay na rin sa mga bintang laban sa kanya na pagkakasangkot sa POGO operations, money laundering, human trafficking, kidnapping at iba pang krimen na kinasasangkutan ng Baofu Land Development Inc. Sa 7 pahinang liham na ipinadala ni Guo kay PAOCC Chairman at Executive Secretary Lucas Bersamin sa pamamagitan ng kanyang mga abogado na sina Atty. Yvette Gianan at Atty. Lorelie Santos ay ipinahayag nito ang kanyang kahandaan na makipagtulungan sa imbestigasyon subalit umapela…

Read More

PCG NAG-DEPLOY NG 2 BARKO SA WPS

IPINAG-UTOS ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Javan ang deployment ng BRP Malapascua (MRRV-4403) at BRP Sindangan (MRRV-4407) sa Scarborough Shoal, o Panatag Shoal o Bajo de Masinloc. Nitong Lunes, sinabi ni PCG spokesman Rear Admiral Armando Balilo, ang deployment ay upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mangingisdang Pilipino sa lugar. Sinabi ni Balilo, nakausap ng PCG personnel ang dalawang lokal na mangingisda sa bisinidad ng shoal, at sinuri ang kalusugan at fishing operations ng FBCA Princess Yhan Yhan, sakay ang 12 crew, at FBCA Rundel -1 na…

Read More

AFP, US, JAPAN AT CANADA MULING NAGSAGAWA NG MARITIME ACTIVITY

MULING nagsagawa ng Multilateral Maritime Cooperative Activity ang Armed Forces of the Philippines kasama ang United States, Japan at Canada, isang araw bago naganap ang pagbangga ng barko ng China Coast Guard sa isang resupply ship ng Philippine Navy. Sa inilabas na pahayag ni Col. Xerxes Trinidad, ang AFP Public Information Office chief, ang Hukbong Sandatahan sa pamamagitan ng Philippine Navy at pakikipag-ugnayan sa U.S. Navy, Japan Maritime Self-Defense Force, at Royal Canadian Navy, ay nagsagawa ng 2nd multilateral maritime cooperative activity sa West Philippine in the West Philippine Sea…

Read More

MILYONES NA BIRTHDAY BASH NI MALAPITAN PINUNA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO GUMASTOS daw si Caloocan 1st District Rep. Oca Malapitan ng milyon-milyon para sa bonggang birthday celebration nito noong Hunyo 14 sa marangyang hotel sa Parañaque City. Akusasyon ‘yan ni dating Caloocan Mayor Rey Malonzo. Ayon kay Malonzo, hindi problema ang paggastos para sa magarbong party kung ang mga Malapitan ay private citizen. Si Oca Malapitan kasi ay congressman, samantalang si Along Malapitan na kanyang anak ay ang mayor ng Caloocan, at sa sitwasyong marami ang naghihirap, ang magarbong party ay labag sa ethical standards ng public…

Read More

PAGSISIYASAT SA PAGDAGSA NG MGA TSINO SA BANSA IPINANAWAGAN NI CONG. ERWIN TULFO

TARGET NI KA REX CAYANONG SA harap ng kontrobersyal na isyu ng pagdagsa ng Chinese nationals sa Pilipinas, isang mahalagang hakbang ang isinulong ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo. Ipinanawagan niya ang masusing pagsisiyasat sa pag-isyu ng Special Resident Retiree’s Visas (SRRV), Special Investor’s Resident Visa (SIRV), at ang proseso ng late registration of birth na maaaring ginagamit daw sa ilegal na pamamaraan ng mga dayuhang mamamayan. Isa sa mga pangunahing alalahanin ni Rep. Tulfo ay ang datos mula sa Philippine Retirement Authority (PRA) na nagpapakita…

Read More

PNP COLONEL SA BATANGAS MAY SARILING BOOKIES NG MGA ILEGAL NA SUGAL

PINAIIMBESTIGAHAN ngayon sa himpilan ng pulisya sa Kampo Crame ang isang kernel sa lalawigan ng Batangas dahil umano sa pagiging pasimuno nito sa ilegal na sugal sa halos buong Calabarzon. Sa sumbong na ipinarating sa punong himpilan ng kapulisan sa Quezon City ay sinabing hindi lang umano protektor ng mga ilegalista ang naturang police colonel kundi siya mismo ay may sariling bookies ng mga ipinagbabawal na sugal kagaya ng jueteng. “Ang paglaganap ng ilegal na sugal sa halos buong rehiyon ng Calabarzon, katulad ng jueteng, lotto at small town lottery…

Read More