AYUDA GAMIT NA GAMIT NG MARCOS, ROMUALDEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PINUNA ng isang political strategist ang paggamit ng administrasyong Marcos sa ayuda bilang propaganda. Hindi lamang ang political strategist na si Malou Tiquia ang pumuna sa paggamit umano ng magpinsang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez sa ayuda. Nauna nang naghayag ng kanyang pagkadismaya rito ang nakababatang anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Tiquia, gamit na gamit ng administrasyon ang ayuda sa propaganda upang ipakita ang kanilang lakas. “Nagkamali ang administrasyong ito na gamitin ang ayuda bilang propaganda para sa pagpapakita…

Read More

COVID-19 TEST KIT PAREHONG BRAND MAGKAIBA PRESYO

PINUNA sa Kamara ang magkaibang presyo ng biniling COVID-19 test kit ng nakaraang administrasyon bagaman pareho ang brand. Sa pagpapatuloy ito ng imbestigasyon ng House committee on appropriations sa performance ng Department of Health (DOH) at sa P47.6 billion na inilipat ng ahensya sa Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. “Napansin ko po may mga pagkakataon na pare-pareho ang test type, pare-pareho ang brand, pero iba-iba ang naging presyo, and the price difference was as high as about P500. For example,…

Read More

ETHICS COMPLAINT LABAN KAY CAYETANO INIHAIN NI BINAY

KABUUANG 15 pahina ang ethics complaint na inihain ni Senador Nancy Binay laban kay Senador Alan Peter Cayetano matapos ang naging sagutan nila sa pagdinig ng Senate Committee on Accounts kaugnay sa itinatayong bagong Senate Building sa Taguig City. Pangunahing laman ng reklamo ni Binay ang pagtawag sa kanya ni Cayetano ng buwang, Marites at maging ang akusasyon na tila nagpi-feed siya ng tanong sa mga media na nag-interview sa kanya. Binigyang-diin ni Binay na ginawa niya ang paghahain ng reklamo hindi lamang bilang isang senador kundi bilang isang ina…

Read More

JULY 19 ‘NATIONAL HOPIA DAY’

ANG kauna-unahang “National Hopia Day” sa Pilipinas ay gaganapin sa July 19, kung saan ang Eng Bee Tin ang ang napiling manguna sa selebrasyon. Sa July 19 hanggang 21, 2024, ang pagdiriwang ay gaganapin sa Mall of Asia Music Hall bilang pagbibigay ng karangalan sa Filipino-Chinese heritage, kung saan malaking bahagi ang ‘hopia’, ayon kay Gerik Chua, Eng Bee Tin’s chief operating officer, at kapatid nitong si Roche Chua na siya namang finance manager ng kumpanya. Ang nasabing event ayon pa sa kanila, ay magiging puno ng kasiyahan at sorpresa,…

Read More

SINASAYANG NG LP ANG PAGKAKATAON

DPA ni BERNARD TAGUINOD PAGKAKATAON na sana ng Liberal Party (LP) na makabalik sa kapangyarihan dahil ang daming sablay sa Marcos administration pero hindi nila sinasamantala dahil ang hina ng kanilang partido. Gusto ko talagang isipin na tsamba lang ‘yung pagkakaupo nila noong 2010 at sympathy vote ang nagluklok kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III dahil namatay ang kanyang inang si dating Pangulong Corazon Aquino na nanguna sa pagpapatalsik sa diktador na si Ferdinand Marcos Sr. Noong 2022 election, nawasak ang LP dahil walang nagbigayan kina Sens. Mar Roxas…

Read More

ATTY. VIC RODRIGUEZ NAGSALITA NA SA PANINIRA LABAN SA KANYA

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAGSALITA na si Atty. Vic Rodriguez matapos ang ilang taon na kanyang pananahimik, hinggil sa ipinupukol na mga paninira laban sa kanya. Noong nakaraang Hulyo 5, 2024 ay nagsagawa ng book launching ng “Victor D. Rodriguez KINGMAKER, The Hard Copy” na ginanap sa Joy Nostalg Hotel and Suites sa Ortigas, Pasig City. Ang librong ito ay naglalaman ng mga detalye kung ano ang naging papel ni Atty. Vic Rodriguez sa pagkakapanalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., noong 2022 Presidential Elections. Nakapaloob din dito na…

Read More

ANG FAMILY-ORIENTED NA LAHING PINOY

At Your Service ni Ka Francis ANG mga Pilipino ay isa sa mga lahi sa buong mundo na tinatawag na family-oriented o nakatuon sa kanilang pamilya. Bilang tinaguriang family-oriented ang mga Pilipino, malapit sila sa isa’t isa, at ang mga magulang sa kanilang mga anak. Mahalaga sa pamilyang Pilipino ang pagiging haligi ng tahanan ng kanilang padre de pamilya o tatay, ilaw naman o ina ng tahanan ang nanay. Naniniwala ang pamilyang Pilipino na sa pamamagitan ng kanilang pagiging malapit sa isa’t isa ay ito ang magdadala sa kanila sa…

Read More