ANG FAMILY-ORIENTED NA LAHING PINOY

At Your Service ni Ka Francis

ANG mga Pilipino ay isa sa mga lahi sa buong mundo na tinatawag na family-oriented o nakatuon sa kanilang pamilya.

Bilang tinaguriang family-oriented ang mga Pilipino, malapit sila sa isa’t isa, at ang mga magulang sa kanilang mga anak.

Mahalaga sa pamilyang Pilipino ang pagiging haligi ng tahanan ng kanilang padre de pamilya o tatay, ilaw naman o ina ng tahanan ang nanay.

Naniniwala ang pamilyang Pilipino na sa pamamagitan ng kanilang pagiging malapit sa isa’t isa ay ito ang magdadala sa kanila sa tagumpay sa darating na mga panahon.

Ang pagiging malapit din nila sa isa’t isa ang nagbibigkis sa kanila na kahit matatanda na ang kanilang mga magulang ay inaalagaan pa rin sila.

Hindi nila kayang ihiwalay o pabayaan ang mga magulang sa panahon ng kanilang pagtanda hindi katulad ng ibang lahi sa ibang bansa na inilalagay na lang nila ang kanilang mga nakatatanda sa mga bahay ampunan.

Nagpapatunay lamang ito na ang mga Pilipino ay maawain at family-oriented o nakatuon sa kanilang mga pamilya.

Isa ang pagiging family-oriented ng mga Pilipino sa mga hinahanap ng iba’t ibang lahing employers sa abroad kung kaya’t madaling tayong natatanggap bilang overseas Filipino workers (OFWs) partikular sa mga trabaho na katulad ng domestic helpers, caregivers at medical professions.

Dahil sa pagiging family-oriented ng mga Pilipino ay madali tayong nagkakaroon ng mga kaibigan kahit saang bansa man tayo magtrabaho sa buong mundo.

Madali rin tayong napamamahal sa ating inaalagaang matatanda at bata sa pinapasukan nating mga trabaho o employer sa ibang bansa.

Ang pitong (7) palatandaan ng pagiging family-oriented ng isang tao ay ang mga sumusunod: 1) pinahahalagahan ang quality time kasama ang mga mahal sa buhay, 2) pinahahalagahan ang relasyon, 3) ang pagiging mabuti sa mga bata, 4) sinisiguradong maramdaman ng mga mahal sa buhay na sila ay pinahahalagahan, 5) kumukuha ng lakas mula sa pamilya, 6) ipinakikita ang pangangalaga sa sarili, at 7) mabuting tagapakinig.

Ang mga kalidad na ito ng pagkatao ay sa mga Pilipino lamang makikita na nagpapatunay ng pagiging family-oriented natin o nakatuon tayo sa ating mga pamilya.

Dahil sa pagiging family-oriented ng mga Pilipino, kahit may pamilya na ang mga anak ay nakapisan pa rin sila sa kanilang mga magulang.

Naging kaugalian din ng mga Pilipino na pagdating ng panahon ng pagsalubong sa bagong taon ay kailangang buo ang pamilya natin dahil mas mahalaga sa atin na magkakasama tayo sa pagpasok ng bagong taon.

oOo

Binabati po natin ang isa pang branch ng FCJ Chicken sa Que Grande Road, Ugong, Valenzuela City na binuksan kahapon ng tanghali.

Ito ay pang-apat na branch na po ng FCJ Chicken, na sa halagang P79 lang ay may 2 pcs. chicken na, unli-java rice at unli-sauce pa. Saan ka pa? Tara na, kain na tayo!

432

Related posts

Leave a Comment