DILG NAG-ALOK NG P10-M SA ULO NI QUIBOLOY

INIHAYAG kahapon ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na may mga kaibigan at tagasuporta ng Philippine National Police ang nag-alok ng P10 milyong pabuya sa sinumang makakapagturo tungo sa ikadarakip ng puganteng lider ng Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy. Sa ginanap na pulong balitaan kahapon sa Camp Crame, inanunsyo ni Abalos ang pabuya kapalit sa impormasyong magreresulta sa pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy. Bukod dito, may alok din na reward na P1 milyon sa impormasyon na makatutulong sa pagtunton sa iba pang mga kapwa akusado sa…

Read More

JAPAN MAGDEDEPLOY NG SUNDALO SA PINAS

MAAARI nang magdeploy ng kanilang pwersa sa Pilipinas ang Japan sa ilalim ng Japan-Philippines Reciprocal Access Agreement (RAA) na tinalakay ng mga defense at foreign affairs ministers ng dalawang bansa kahapon, July 8. Ito ang pinangangambahan ni dating representative Antonio Tinio, spokesperson ng P1NAS na posibleng magpalala pa sa sitwasyon at kakaladkad sa Pilipinas sa isang giyera laban sa kanilang parehong kaaway na China. “This agreement would permit Japanese military forces to be stationed in the Philippines for the first time since World War II,” ani Tinio bukod sa bahagi…

Read More

Sagot sa problema sa BARMM – Gov. Tan LIVELIHOOD, MEDICAL AT EDUKASYON

“SIMPLE lang naman ang kahilingan ng mga taga-BARMM…pangkabuhayan, medikal, at edukasyon ng mga bata para tuluyan nang umusad ang buhay ng mga tao dito”. Ito ang sinabi ni Sulu Gov. Abdusakur Tan sa isang panayam sa isang local radio sa Mindanao. Ayon kay Gov. Tan, “siyempre, pag may trabaho o pinagkakakitaan ang isang tao, busy na ito sa kanyang pamilya at hindi na nakakapag-isip ng kung ano-ano pa”. “Tapos samahan mo pa ng mga libreng gamutan o hospitalization, nababawasan ang problema ng pamilya,” dagdag ng gobernador na nagpahayag na tatakbo…

Read More

7 SUSPEK SA LOPEZ-COHEN DOUBLE MURDER CASE, SASAMPAHAN NA NG KASO

TIWALA si Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group Director, Lt. General Leo Francisco na pormal na nilang maihahain sa piskalya ngayong linggo ang kaso laban sa pitong akusado sa pagpatay sa magkasintahang Kapamapangan beauty queen na si Geneva Lopez at sa Israeli fiancé nitong si Yitzhak Cohen. Ito ay oras na matapos nila ang karagdagang imbestigasyon at case conference sa kanilang counterpart sa National Bureau of Investigation, ani Lt. Gen. Francisco. Iniharap kahapon nina DILG Secretary Benhur Abalos at PNP chief Police General Rommel Francisco Marbil ang dalawang dating…

Read More

VEGETABLE TRADER PATAY SA AMBUSH

BATANGAS – Patay ang isang negosyante ng gulay na taga Nueva Ecija na dumadayo pa ng pamimili sa Tanauan City, matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang si Elmar Fabroa, 39, tubong Banay-Banay, Davao Oriental, at residente ng Gapan, Nueva Ecija. Batay sa report ng Tanauan City Police, mag-aala-una ng hapon, nakaupo ang biktima sa driver seat ng kanyang sasakyan na kinakargahan ng mga gulay, nang malapitan itong pagbabarilin ng suspek sa Brgy. Luyos, Tanauan City. Mabilis namang tumakas ang suspek na sumakay…

Read More

GOV. TAN: LIVELIHOOD, MEDICAL AT EDUKASYON SAGOT SA PROBLEMA SA BARMM

“SIMPLE lang naman ang kahilingan ng mga taga-BARMM…pangkabuhayan, medikal, at edukasyon ng mga bata para tuluyan nang umusad ang buhay ng mga tao dito”. Ito ang sinabi ni Sulu Gov. Abdusakur Tan sa isang panayam sa isang local radio sa Mindanao. Ayon kay Gov. Tan, “siyempre, pag may trabaho o pinagkakakitaan ang isang tao, busy na ito sa kanyang pamilya at hindi na nakakapag-isip ng kung ano-ano pa”. “Tapos samahan mo pa ng mga libreng gamutan o hospitalization, nababawasan ang problema ng pamilya,” dagdag ng gobernador na nagpahayag na tatakbo…

Read More

2 CUSTOMER NG RESTOBAR, SINAKSAK SA MASAMANG TINGIN

CAVITE – Hinihinalang dahil lamang sa masamang tingin kaya sinaksak ang dalawang customer ng isang lalaki sa isang restobar sa Cavite City noong Linggo ng madaling araw. Nasa kustodiya na ng Cavite Component City Police Station ang suspek na si alyas “Ian”, nahaharap sa kasong frustrated homicide. Ayon sa ulat, nag-iinuman ang suspek at mga biktima sa magkahiwalay na mesa sa Jazen Restobar sa Molino St., Brgy. 41, Cavite City nang mapatingin ang biktima na si alyas “Dan” sa mesa ng grupo ng suspek bandang alas-4:30 g madaling araw. Hindi…

Read More

BINATA BINARIL SA ULO NG LIVE-IN PARTNER NG GF

QUEZON – Patay ang isang 24-anyos na binata matapos barilin ng live-in partner ng babaeng kanya ring karelasyon sa Barangay Kulapi, sa bayan ng Lucban sa lalawigan noong Linggo ng hapon. Kinilala ng biktimang si Reggie Nagar, residente ng Brgy. Malupak, Lucban. Ayon sa report, dumating ang biktima sakay ng motorsiklo at bibili ng sigarilyo sa tindahan nang barilin ng dalawang beses sa ulo ng nag-aabang na suspek na kinilala sa pangalang “Mark”, 29-anyos. Agad ding tumakas ang suspek matapos ang pamamaril habang isinugod naman ng mga kaanak ang biktima…

Read More