CO-ACCUSED NI PASTOR QUIBOLOY ARESTADO SA MILITAR AT PULIS

SA tulong ng Philippine Army, nadakip sa isinagawang law enforcement operation ng Philippine National Police ang isa sa mga kasama at kapwa akusado ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy, na may patong sa kanyang ulo. “Lumiliit na ho ang mga pinagtataguan ninyo… Hindi ho titigil ang kapulisan, ang military, ang buong puwersa ng gobyerno para kayo ay dakipin” ito ang inihayag kahapon ni Secretary of the Interior and Local Government Benhur Abalos, nang iharap sa media ang nadakip na si Paulene Canada. Si Paulene Canada na co-accused…

Read More

NAGGAGANDAHANG MGA BANGKA, IPINARADA SA KARAKOL SA TAAL, BATANGAS

BATANGAS – Ipinarada at nagpaligsahan sa dekorasyon ang mga bangka na may naggagandahang disenyo sa prusisyon sa dagat sa isang barangay sa bayan ng Taal sa lalawigan, kaugnay ng pagdiriwang ng kapistahan ng kanilang Patron na si Apostol San Pedro. Ang prusisyon na tinawag na Karakol sa Butong ay isinagawa sa karagatan ng Balayan Bay sakop ng Barangay Butong, Taal na siyang nagdiriwang ng kapistahan. Ang “karakol” sa Brgy. Butong ay isang makulay na selebrasyon kung saan ang mga bangka na may naggagandahang disenyo ay ipinaparada. Ito ay isinagawa noong…

Read More

BANGKAY NATAGPUAN SA LOOB NG TAXI

CAVITE – Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Cavite Police hinggil sa natagpuang bangkay sa loob ng abandonadong taxi sa Bacoor City noong Huwebes ng gabi. Pinaniniwalaang ilang minuto nang patay ang ‘di pa nakikilalang biktima. Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang Bacoor Component City Police Station mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang abandonadong taxi sa Aguinaldo Highway sakop ng Brgy. Habay 2, Bacoor City, Cavite, na namataan bandang alas-10:45 ng gabi. Ayon pa sa saksi, ilang minuto na umanong nakatigil ang nasabing sasakyan sa nasabing lugar dahilan…

Read More

MAG-IINA, ‘KINIDNAP’ SA LAGUNA

LAGUNA – Isang babae at dalawang menor de edad na anak nito ang kinidnap umano sa Sta. Rosa City sa lalawigan at humihingi ang mga “kidnaper” ng halagang P1,500,000 ransom money sa dating biyenan ng ginang, na lola ang mga bata. Ayon sa unang report ng Santa Rosa City Police Station, alas-12:36 ng tanghali noong Huwebes nang kidnapin umano ang ginang na si Mariedon at dalawa nitong anak na may edad 7 at 9, sa Brgy. Aplaya. Agad nagsumbong sa pulisya ang dating biyenan ng ginang na si Milagros Vallejo…

Read More

2 LALAKI PATAY, 4 PULIS SUGATAN SA SHOOTOUT SA TONDO

PATAY ang dalawang lalaki habang sugatan ang apat na pulis sa nangyaring engkwentro sa Tondo, Maynila noong Huwebes ng gabi. Ito’y matapos umano manlaban ng mga suspek sa mga awtoridad na magsisilbi ng warrant of arrest. Ayon sa Manila Police District (MPD), pinuntahan ng mga awtoridad ang isang bahay sa Balut, Tondo para sa target na si alyas “RJ” na nahaharap sa kasong murder. Ngunit imbes na sumuko sa mga pulis, mabilis itong tumakbo paakyat ng bahay at tumalon sa bubong ng kapitbahay. Sa puntong ito, nagsimulang magpaputok ng baril…

Read More

FREEZE ORDER SA ARI-ARIAN NI SUSPENDED MAYOR GUO INIUTOS NG CA

SA layuning maharang ang pagwawaldas sa mga ari-arian habang nagpapatuloy ang legal na paglilitis sa mga kasong kriminal, ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) na i-freeze ang lahat ng ari-arian ng nasuspindeng si Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac. Nauna rito, naghain ng petisyon para sa freeze order noong July 8, 2024 ang Anti-Money Laundering Council (AMLC), kinumpirma mismo ito ni Senator Sherwin Gatchalian. Bukod kay Guo, kasama rin sa petisyon ng AMLC ang mga ari-arian nina Zhiyang Huang, at Baoying Lin, na pinaghihinalaang sangkot sa human trafficking at mga…

Read More

PILIPINAS MANININDIGAN SA SOUTH CHINA SEA DISPUTE

ITO ang pagtiyak kahapon ni Defense Secretary Gilberto Gibo Teodoro sa ika-walong taon ng pagwawagi ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration (PCA) para sa kapakanan ng sambayanang Filipino at ng susunod pang mga henerasyon. Sa ika-8 anibersaryo ng 2016 arbitral award na iginawad ng Permanent Court of Arbitration pabor sa Pilipinas laban sa China, inihayag ni National Defense Secretary Gilberto Teodoro na patuloy ang kanilang pagsisikap para maprotektahan ang teritoryo at soberanya ng Pilipinas. “Philippines to ‘stand our ground’ in South China Sea dispute,” pahayag ng kalihim para matiyak…

Read More

AkoOFW Partylist Aligns with Sulu Governor Sakur Tan on BARMM’s Key Solutions

Recently, Sulu Governor Sakur Tan highlighted that addressing livelihood, education, and health concerns are crucial steps towards improving the lives of the Bangsamoro people. In agreement with Governor Tan’s perspective, Akoofw Partylist has expressed solidarity with the notion that focusing on livelihood opportunities, enhancing access to education, and improving healthcare services are pivotal for sustainable development within the region. Dr. Chie Umandap , chairman and first nominee said, once it secured a seat in Congress comes 2025 elections, the partylist pledged to provide a generous grant worth 100 million pesos,…

Read More

PROGRAMANG PARA SA PAGPAPAHUSAY NG OPEN SPACES INILUNSAD

INILUNSAD ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Local Government Support Fund (LGSF) – Green Green Green Program kasama ang Department of Budget and Management, gayundin ang inagurasyon at groundbreaking ng mga segment ng proyekto para sa Roxas Boulevard Promenade. Ang dalawang programa, na parehong naglalayong pahusayin ang mga pampublikong bukas na espasyo, ay tugon at suporta ng MMDA sa pangako ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagpapahusay ng mga pampublikong bukas na espasyo at pagpapaunlad ng berdeng imprastraktura. “Ang MMDA ay nagpapahayag ng kanilang buong suporta…

Read More