NAT’L MAC AND CHEESE DAY IPINAGDIWANG SA CAVITE CITY

KASABAY ng pagdiriwang ng National Mac and Cheese Day, tinatayang 300 residente ng Cavite City ang sumabay sa okasyon at kumain ng Caviteño cheese macaroni na inihanda para sa kanilang barangay nitong Linggo ng umaga, Hulyo 14. Ang libreng agahan sa Brgy. 58M Patola, Cavite City ay handog ni Brgy. Captain Rizaldy Consigo sa kanyang constituents na isinabay sa pagdiriwang ng National Mac and Cheese day. Bukod sa pambatong Caviteño cheese macaroni, isinabay rin sa agahan ang mainit na kape na may kasamang pandesal na may iba’t ibang palaman, sinangag,…

Read More

CARGO VESSEL SUMADSAD, 19 CREW MEMBERS NASAGIP

NAGLUNSAD ng rescue mission ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) para masagip ang 19 tripulante ng isang passenger-cargo vessel na sumadsad sa malapit sa Rio Hondo. Ayon sa PCG, nakatangap sila ng distress call mula sa sumadsad na Ciara Joie 1 kaya agad na inatasan ang PCG-Special Operation Group Team 1 (SWM), kasama ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station Rio Hondo, Coast Guard Provost Marshal Unit-SWM at Coast Guard Weapons Communications and Electronics Information System-SWM para magsagawa ng rescue operation. Agad namang natunton at nailigtas ang crew…

Read More

Marcos ginising sa ‘pantasya’ P32-B STADIUM PROJECT INSULTO SA MGA NAGUGUTOM

(BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T lugmok sa kahirapan ang mga Pilipino dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, mas inuuna pa ng gobyerno ang pagtatayo ng stadium na nagkakahalaga ng P32 bilyon sa Clark, Pampanga. Tinawag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na ‘misplacement of priorities’ ang proyektong ito na itatayo umano malapit sa Clark International Airport sa nasabing lalawigan dahil mas inuuna ito kesa sa pangangailangan ng mamamayan. “How many public hospitals, schools, or housing projects could be built with P32 billion? It’s like the government is living in…

Read More

ABALOS BINIRA SA PAGTANGGAP NG PABUYA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KINUWESTYON ng kampo ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang pagtanggap ng pabuya ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos laban kay Pastor Apollo Quiboloy. Ayon kay KOJC legal counsel Atty. Israelito Torreon, malinaw na paglabag sa batas ang pagtanggap ni Abalos ng pera mula sa pribadong sektor dahil gobyerno ang dapat naglalaan ng pabuya. “Unwittingly, he admitted a commission of a crime because indeed if you put up a reward, the reward should be coming from the coffers of the…

Read More

Maisug speakers iikot sa mga barangay TUNAY NA ESTADO NG PILIPINAS ILALANTAD

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SA layuning maipaalam sa taumbayan ang tunay na estado ng Pilipinas, sinimulan ang pagdaraos ng barangay forum ng mga sectoral leader ng grupong Maisug. Nitong Biyernes ay nagdaos ng forum sa Brgy. Bambang, Bocaue, Bulacan na dinaluhan ng Maisug Speakers na sina former Executive Secretary Vic Rodriguez, Atty. Trixie Cruz-Angeles, Atty. Harry Roque, at Atty. Glen Chong. Sa kanyang pananalita, binigyang boses ni Atty. Rodriguez ang alalahanin ng marami kaugnay ng lumalalang sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China. Pinuna ni Rodriguez ang pagdagsa sa Pilipinas…

Read More

P200-B KADA TAON PARA MATIYAK FOOD SECURITY NG BANSA

GAGASTOS ng tinatayang P200 bilyon kada taon ang National Irrigation Administration para matiyak ang food security ng Pilipinas ayon sa National Irrigation Administration (NIA) sa ginanap na pulong balitaan. “My estimate for us to be food secure… we need P200 billion [budget] yearly for the next 10 years,” ayon kay NIA Administrator Eddie Guillen. Inihayag ni Eng.Guillen na kailangang mabigyan ang ahensya ng tinatayang P200 billion na pondo kada taon para sa susunod na 10 taon para matustusan ang kanilang irrigation projects na layuning mapatubigan ang mga irrigable land. Paliwanag…

Read More

Speaker Romualdez inilatag agenda ng Kamara 2025 BUDGET TOP PRIORITY NG MARCOS ADMIN

ISANG linggo bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at ang muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso, tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pag-apruba ng Kamara de Representantes sa panukalang 2025 national budget at ang nalalabing panukala na prayoridad na maaprubahan ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) at dagdag na panukalang mailalahad sa SONA. “The House is ready to take swift and decisive action to ensure these legislative priorities are met, paving the way for sustained development and progress under…

Read More

PARUSA SA MANG-I-SCAM NG SENIORS, PWDs BIBIGATAN

IHAHAIN ngayon ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo kasama sina ACT-CIS Rep. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd Dist. Ralph Tulfo ang isang panukalang batas na layong protektahan ang mga senior citizen at persons with disability (PWD) laban sa panloloko o scam ng ilang indibidwal at mga sindikato. Ayon kay Cong. Tulfo, “ilang reklamo na kasi ang natatanggap ng aking tanggapan ukol dito sa panggogoyo sa mga senior citizens ng ilang walang pusong indibidwal”. “Sa kanilang pension o konting ipon lang umaasa ang mga…

Read More

NUCLEAR ENERGY PARA SA KINABUKASAN

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO MATAGAL nang usapin ang paggamit ng nuclear energy para matugunan ang patuloy na lumalaking pangangailangan ng suplay ng kuryente sa bansa. At kamakailan nga, naging matunog ang ilang mga development na may kinalaman sa posibleng adoption nito. Isa na rito ang pagpapatupad ng 123 agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na pinirmahan noong nakaraang taon. Inilalatag ng kasunduang ito ang legal na framework na makatutulong na mapabilis ang pagdating ng nuclear energy technologies sa bansa. Inaasahang makatutulong ang humigit-kumulang 40 kumpanya mula sa…

Read More