ACOP KAY BATO: ‘WAG KANG MAGTAGO SA SAYA NI VP SARA

HINAMON ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na huwag magtago sa ilalim ng saya ni Vice President Sara Duterte at sa halip ay harapin ang mga akusasyon laban sa kanya kaugnay sa madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Si Dela Rosa ang hepe ng Philippine National Police (PNP) nang ipatupad ang “anti-drug war” ni Duterte kung saan libo-libong Pilipino ang pinaslang. Sinabi ni Acop na walang basehan ang iginigiit ni Dela Rosa na ang testimonya ni dating Iloilo…

Read More

DENR NAMAHAGI NG PADDLE BOATS SA VILLAR FOUNDATION

SA pagdiriwang ng International Coastal Clean-up na idinaos sa Las Piñas Wetland Park kamakalawa ay isinabay ang pagbibigay ng dalawang paddle boats (inset) mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ang mga bangka ay para sa Villar Sipag Foundation na tinanggap ni Senator Cynthia Villar. Ani Villar, na chairperson ng Senate Environment Committee, ang taunang selebrasyon ay mahalagang hakbang tungo sa pagsulong ng adhikain para protektahan ang kalikasan. (Danny Bacolod) 109

Read More

MGA PUERTO INIHAHANDA NA SA BER MONTHS

PINAGHAHANDAAN na ng Philippine Ports Authority ang pagdagsa ng bulto-bultong shipment at maging mga biyahero sa malalaking puerto sa bansa sa pagpasok ng yuletide season. Inihayag ni PPA General Manager Jay Santiago, simula sa susunod na buwan ng Oktubre ay inaasahan na tataas na naman ang utilization rate o paggamit sa mga pantalan, lalo na sa National Capital Region (NCR). Mula Oktubre hanggang bago mag-Chinese New Year sa susunod na taon, ay tumataas mula 91% hanggang 92% ang utilization ng mga importer. Kaya pinapayuhan ni GM Santiago ang suppliers na…

Read More

MANGINGISDA NA DE BARIL NAHULI

NAHULIHAN ng mataas na kalibreng baril ang isang mangingisda sa operasyon ng pulisya sa Navotas. Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang Station Intelligence Section (SIS) tungkol sa pag-iingat umano ng hindi lisensyadong baril ng isang nagngangalang alyas Glen, 30. Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Presiding Judge Pedro T. Dabu Jr. ng Regional Trial Court (RTC) Branch 286, Navotas City, malaya nilang nagawa ang paghahalughog sa bahay ng suspek at doon nila nakita ang kalibre .45 baril at tatlong bala nito. Katuwang…

Read More

BOC NAGPALIWANAG SA DELAY SA RELEASE NG RICE SHIPMENT

NAGSAGAWA ng paglilinaw kahapon ang Bureau of Customs (BOC) hinggil sa isinisisi sa kanilang pagkaantala sa rice shipment dahil sa port congestion sa Manila ports na posibleng pag-ugatan umano ng price hike sa presyo ng bigas. “The Bureau of Customs (BOC) would like to address recent reports about rice shipments accumulating at Manila ports, raising concerns over potential delays and their effect on rice prices. The BOC clarifies that the situation is not related to port congestion but stems from pending actions required by consignees for the release of these…

Read More

HAMON AT OPORTUNIDAD NG MULTIGENERATIONAL WORKFORCE

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO ISA sa pinakamatinding hamon na kinakaharap ng mga business executive at leader ang limang henerasyong sabay-sabay na bahagi ng workforce sa kasalukuyan. Sa isang pag-aaral ng PwC, positibo ang pananaw ng mga Chief Executive Officer (CEO) sa Pilipinas kung usapin ng mga posibilidad sa industriya at paglago ng negosyo ang pag-uusapan. Pero kritikal na aspeto ngayon ng pagpapatakbo ng negosyo ang pamamahala sa manggagawa at empleyado na mula sa iba’t ibang henerasyon dahil sa matinding pagkakaiba-iba ng mga ito. Nasa 76% ng mga CEO ang…

Read More

RAKET NG BI SA NAIA, HALA BIRA!!

BISTADOR ni RUDY SIM HABANG ang buong sambayanan ay nakatutok sa mala-teleseryeng buhay at imbestigasyon ng Senado at Kamara tungkol sa isyu ng nakauumay nang kwento ni Alice Guo na nagresulta ng pagkakasibak kay Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco, sinasamantala naman ngayon ang pagkakataon ng tiwaling mga empleyado ng ahensya sa lahat ng airports partikular diyan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Aware kaya si BI Officer-In-Charge Joel Viado na sinasamantala ng mga tiwaling IOs at BCIU personnel ang paspasan na pamamasahero ngayon sa NAIA? Ayon sa ating nakalap…

Read More

PAGKAKAISA AT PAKIKIBAKA NG SIAP PARTY PARA KAY REP. LEE AT SA PAG-USAD NG COTABATO CITY

TARGET NI KA REX CAYANONG ANG pag-anunsyo ng SIAP Party sa kanilang buong suporta sa kandidatura ni Rep. Wilbert Lee para sa Senado ay isang malinaw na pahiwatig ng matatag na pagkakaisa at malasakit sa hinaharap ng Cotabato City. Sa press conference na dinaluhan ng mga lider ng SIAP Party tulad nina Atty. Naguib Sinarimbo, Cotabato City Vice Mayor Johari Butch Abu, at Datu Bimbo Pasawiran Ayunan, ipinakita ang kanilang determinasyon na maglingkod sa kanilang nasasakupan at isulong ang mga adhikaing makabubuti sa buong rehiyon. Isa sa mga mahalagang mensahe sa…

Read More

MARCOS ADMIN BIGO SA PROYEKTONG PABAHAY

TINAWAG ng isang mambabatas na kabiguan ang flagship housing program ng gobyerno matapos na hindi maisakatuparan ng Department of Human Settlements and Urban Development ang target nitong isang milyong pabahay kada taon sa unang dalawang taon ng administrasyong Marcos Jr. Ayon kay ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, pinaniniwalaan ng mamamayan ang mga sinasabi ng matataas na opisyal ng gobyerno kaya bigo at nagkamali ito sa isang milyon kada taon. Gayunman, umaasa ang mambabatas na sa pangatlong taon ay maitayo ang isang milyon. Paliwanag ni Rep. Toby Tiangco, ang sponsor…

Read More