Sa pag-iimbestiga sa pagpatay sa PCSO exec na kanilang mistah QUAD COMM PINASALAMATAN NG MATIKAS CLASS 1983

LABIS ang pasasalamat ng mga ‘mistah’ o kaklase ng napaslang na dating senior official ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Wesley Barayuga, sa liderato ng Kongreso, partikular sa Quad Committee, dahil posibleng makamit na nila ang hustisya matapos ang mahigit apat na taon. Sa isang pahayag ng mga miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Matikas Class 1983, nagpaabot sila ng labis na pasasalamat kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at sa Quad Committee, sa isinagawa nitong imbestigasyon na tila nagbibigay-linaw sa pagkamatay ni Barayuga. “The Philippine Military Academy…

Read More

PAGPAPALAWIG SA PAMAMAHAGI NG PONDONG PANGKABUHAYAN ISINUSULONG NI REP. TULFO

ISINUSULONG ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ang pagpapalawig pa ng pamahalaan sa pamamahagi ng libreng pondo pang hanapbuhay ng mahihirap at walang kinikita sa bansa. Sa kanyang pahayag sa founding anniversary ng Market Vendors Cooperative ng Puerto Princesa City nitong Linggo, ipinaalala ni Tulfo na may libreng pondo na ipinamamahagi ang DSWD sa mga walang hanapbuhay at kinikita na P15,000 bawat tao. “Ito ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng ahensya para matulungan ang mga pamilya na kapos o walang kinikita,” aniya. Nabatid na ang SLP ay tulong…

Read More

DOBLE KARA NASA MARIKINA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAY pahabol na kalabit ang pinagmulan ng bulong sa atin tungkol sa kumalas sa isang kilalang politiko sa Lungsod ng Marikina. Una, ipinaabot ng reliable source na tumiwalag na itong misis ni Sen. Koko na si Kat Pimentel sa kampo ng mga Teodoro. Ang dahilan daw: May nasagap itong chit-chat as in tsismis tungkol sa mga Teodoro na hindi niya matanggap. Sinangkalan ang tsismis, pero ang siste, base sa impormasyong natisod ng ating source, matagal nang plano ni Pimentel na kumalas sa mga taong dahilan kaya…

Read More

PANGARAP NI GOV. OAMINAL PARA SA PANGUIL BAY BRIDGE

TARGET NI KA REX CAYANONG SA bawat pagsilip ni Misamis Occidental Governor Henry Oaminal sa malawak at kahanga-hangang tanawin ng Panguil Bay, hindi maiwasang balutin ang kanyang puso ng pagmamalaki habang pinagmamasdan ang Panguil Bay Bridge na matatag na nakatindig sa ibabaw ng kumikislap na tubig. Para sa kanya, ang tulay na ito ay hindi lamang binubuo ng bakal at kongkreto. Ito ay buhay na simbolo ng pag-asa, pagkakaisa, at pag-unlad para sa mga komunidad na matagal nang pinaghiwalay ng kalikasan. Isa itong patunay na ang pangarap ng pagbabago ay maaaring…

Read More

DESERVE NG MGA GURO ANG KARAGDAGANG LEAVE CREDITS

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO  HINDI natatapos ang usapin tungkol sa sahod at benepisyo ng mga manggagawang Pilipino. Ultimo ang minimum wage sa bansa ay napakainit na usapin. Bukod naman kasi sa talagang malaki ang binabayarang tax ng mga manggagawa, ang mahal na talaga mabuhay sa Pilipinas. Anomang karagdagang benepisyo para sa mga manggagawa, talaga namang malaki ang naidudulot na tulong. Kaya naman magandang balita itong desisyon ng Department of Education o DepEd na doblehin ang vacation service credits o ng mga guro sa pampublikong paaralan. Sa ilalim ng kautusan…

Read More

DUMARAMI PINOY NA RUMARAKET PARA MAKARAOS SA ARAW-ARAW

DUMARAMI ang mga Pilipino na rumaraket para may dagdag kita. Batay sa survey ng research firm Kantar, 7 sa 10 Pilipino ang nakakita ng mga paraan para sa pangangailangan ng kanilang pamilya at karamihan sa kanila ay rumaraket para kumita. Base sa pag-aaral ng Kantar, na kumapanayam sa 2,000 pamilya sa bansa, lumabas na 73 porsyento ng mga Pilipino ay nagsabing nagagawa nilang pagkasyahin ang kinikita ngunit kakailanganin nilang maghanap ng dagdag na pagkakakitaan, dahilan upang isakripisyo nila ang oras at ilaan sa ibang trabaho, personal na interes at mga…

Read More