MAY nakalaang aabot sa halos P800 milyon na budget sa tanggapan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro para sa susunod na taon na kinukwestyon ngayon ng mga taga-lungsod. Ang naturang pondo ay pinangangambahan ng mga kritiko na mauwi bilang pork barrel dahil nasa buong kontrol ng Office of the Mayor kung paano ito gugugulin. Malaking bahagi ang halagang ito sa kabuuang P3.4 bilyon na iminumungkahing pondo ng lungsod para sa 2025. Kasalukuyan pang isinasagawa ang deliberasyon ukol sa 2025 Marikina City budget. Base sa numero, lumilitaw rin na ang P800…
Read MoreDay: November 16, 2024
AGAW-ARMAS TIKLO SA FOLLOW-UP OPS
ARESTADO sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Manila Police District – Del Pan Police Station 12 ang isa sa tatlong hinihinalang agaw-armas na nang-agaw ng baril sa isang security guard sa Tondo, Manila. Kinilala ang natimbog na suspek na si John Jonard Pacho, 25, binata, helper, residente ng Tondo, Manila habang tinutugis pa ang dalawang kasama nito na sina Shane Burlas at Taniel Blton, kapwa nasa hustong gulang. Napag-alaman, bandang alas-2:00 ng madaling araw noong Nobyembre 6 nang agawin umano ng isa sa mga suspek ang baril ng…
Read MoreARMADONG NAGHAMON NG AWAY, TIMBOG SA PULIS
HINDI nakapalag ang isang 23-anyos na lalaki nang dis-armahan ng mga tauhan ng Intelligence Section ng Manila Police District-Sta Mesa Police Station 8, makaraang magsisisigaw sa gitna ng kalye at naghahamon ng away habang iwinawasiwas ang dagger knife noong Miyerkoles ng gabi sa panulukan ng Old Sta. Mesa at Albina Streets sa Sta. Mesa, Manila. Kinilala ang suspek na si alyas “John Rafael”, residente ng ng nasabing lugar. Base sa report ni Police Master Sergeant Joey Ygaña, kasama sina Police Staff Sergeant Mark Anthony Buan at Police Staff Sergeant Arnold…
Read MoreP4.7-M SHABU NASABAT SA CAVITE BUY-BUST
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P4.7 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong tatlong hinihinalang tulak sa parking area ng isang kilalang mall sa Bacoor City noong Huwebes ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5, Sec. 26 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang narestong mga suspek na sina Faisal Amil y Salim, 31, security guard; Gringgo Guiamalon y Bulod, 33, at Esmail Abbas y Majid, 42, isang driver. Ayon sa ulat, bandang ala-1:40 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng…
Read MoreLALAKI PATAY SA SAKSAK NG KARIBAL SA BATANGAS
BATANGAS – Patay ang isang 25-anyos na lalaki matapos saksakin ng lalaking karelasyon din umano ng kanyang live-in partner na babae sa Brgy. Halang, sa bayan ng Taal sa lalawigan noong Huwebes ng gabi. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Jimuel Soriano, tubong Angeles, Pampanga at residente ng Brgy. Cawit, Taal. Ayon sa report ng Taal Police, dakong alas-7:00 ng gabi, kasabay ng biktima na naglalakad ang kanyang 20-anyos na live-in partner nang harangin sila ng suspek na si alyas “Rodel”, 36, na umano’y karelasyon din ng…
Read More2 MOTOR SINALPOK NG TRUCK, 1 PATAY
ANTIPOLO CITY – Patay ang isang managing director matapos na ang minamanehong bigbike motorcycle at isa pang motorsiklo ay banggain ng kasunod na Elf drop side truck sa Marcos Highway sa Brgy. Mayamot sa lungsod noong Huwebes ng umaga. Binawian ng buhay bago mairating sa Antipolo Annex Mambugan Hospital ang biktimang si Lesley Tuazon, 47-anyos, residente ng Pasig City. Ayon sa report, dakong alas-11:30 ng umaga, magkasabay na tumatakbo sa inner lane ang motorsiklong bigbike Ducati 1000cc ng biktima at ang isang Yamaha Sniper na minamaneho ni Chel Jone Merino,…
Read MoreTRANSPORT GROUPS, UMALMA SA OVERSUPPLY NG MC TAXI
NAGPAPASAKLOLO na sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang iba’t ibang transport groups sa epekto sa kanila ng oversupply ng motorcycle taxi sa bansa. Ayon kay Melencio ‘Boy’ Vargas, national president ng ALTODAP labis na silang nasasaktan sa naglipanang mga MC taxi na halos 50 porsyento ng kabuuang kita sa transportasyon ay kinakain na ng mga ito. Sinabi ni Vargas na halos lahat ng grupo ng transportasyon ay apektado ng oversupply ng MC taxi kabilang na ang mga pampasaherong jeep, bus, taxi, at…
Read MoreRABIYA BONGGANG BAHAY BIRTHDAY GIFT SA SARILI
EXCITED na sinilip ni Kapuso star at dating Miss Universe beauty queen Rabiya Mateo ang kanyang bahay, kasama ang kanyang ina sa isang exclusive subdivision sa Laguna noong Huwebes. Birthday ni Rabiya ng araw na yun nang silipin nila ang kanyang brand new home kasama ang kanyang ina na lumuwas pa mula sa Iloilo City. “Super excited kami ni Mama nang i-tour ko siya sa house kasi malaki siya at tahimik yung surrounding”, anang beauty queen. Aminado ang kapuso talent na hulog-hulugan ang kinuhang bahay na mala-mansion naman ang laki.…
Read More