NAGPASAKLOLO kahapon sa Supreme Court ang grupo ng mga mangingisda at environmentalist para hilingin sa high tribunal na pigilan ang mapaminsalang dredging at reclamation sa Manila Bay. Dumulog sa pamamagitan ng inihaing Petitions for Writ of Kalikasan and Continuing Mandamus ang grupo ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) upang kwestiyunin ang umano’y malawakang pagkasira sa kapaligiran at kabuhayan ng mga mangingisda sa Manila Bay. Pinapipigilan nito sa Korte Suprema ang pinsalang dulot ng reclamation at dredging sa Manila Bay. Nais din nilang mapanagot ang Department of Environment…
Read MoreDay: December 11, 2024
TOURISM STAKEHOLDERS APEKTADO NG PAGPUTOK NG BULKANG KANLAON
APEKTADO na rin ang turismo sa ilang mga munisipalidad kasunod ng pagputok ng Mt. Kanlaon noong Disyembre 9, 2024. Ayon sa Department of Tourism (DOT), nakatanggap ang kanilang Regional Offices ng ulat na apektado ang tourism stakeholders dahil sa nararanasang matinding ashfall. Kabilang dito ang mga munisipalidad at bayan ng Negros Occidental, katulad ng La Castellana, La Carlota City, Bago City, at Murcia. Sa Negros Oriental, ang apektadong lugar ay kabilang ang Canlaon City. Bilang precautionary measure, ang tourist activities sa apektadong mga lugar ay sinuspinde gaya ng trekking, swimming,…
Read MoreDAGDAG P2K INSENTIBO PARA SA HIGIT 1M DEPED PERSONNEL APRUB KAY BBM
MULA sa kasalukuyang P18,000, inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang karagdagang P2,000 insentibo para sa 1,011,800 pampublikong mga guro at non-teaching personnel. Ito ang ipinahayag ni Secretary Sonny Angara ng Department of Education (DepEd) na nagpaabot ng pasasalamat sa pangulo dahil magiging P20,000 na ang kabuuang Service Recognition Incentive (SRI). “Pinasasalamatan namin si Pangulong Marcos, Jr. sa kanyang walang katulad na dedikasyon upang iangat ang kapakanan ng ating mga guro at iba pang personnel,” sabi ni Angara. Sinabi pa ni Angara, makikipag-ugnayan siya kay Secretary Amenah Pangandaman ng…
Read MoreEO 62 NI BBM DAPAT NANG BAWIIN
DPA ni BERNARD TAGUINOD WALA nang dahilan para ipagpatuloy ang Executive Order (EO) 62 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil kung meron mang nakinabang dito ay ang rice importers hanggang sa retailers, at hindi ang mga magsasaka at consumers. Dahil sa EO na ito, namakyaw ang rice importers ng bigas dahil sinasamantala nila ang pagkakataon na 15 percent na lamang ang taripa imbes na 35% na dati nilang binabayaran, bago inilabas ni Junior ang kautusang ito. Ang laki ng natipid ng rice importers sa buwis pero hindi pa rin…
Read MoreKONTROBERSIYA TUNGKOL KINA MARIS RACAL AT ANTHONY JENNINGS
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ANG kamakailang isyu ng cheating na kinasasangkutan nina Maris Racal at Anthony Jennings ay pumukaw sa mga usapan online at sa showbiz circles. Parehong humingi ng paumanhin, ngunit ang kanilang mga aksyon ay nagpapakita ng malalaking problema sa kung paano hinahawakan ang mga relasyon. Ang pagloloko ay hindi dapat basta-basta tinatrato. Sinabi ni Maris na nahulog siya kay Anthony pagkatapos ng kanyang break-up dahil nakaramdam siya ng kalungkutan. Naniwala siya noong sinabi nitong single siya. Nang maglaon, nalaman niyang may kaugnayan pa rin si…
Read MoreTRAVEL AUTHORITY SA BOC, PINAGKAKAKITAAN NG ISANG OPISYAL?
PUNA ni JOEL O. AMONGO IBANG level na ang Bureau of Customs (BOC), pati ba naman ang kanilang mga empleyado ay pinagbabayad sa travel authority (TA) nila? Ayon sa natanggap nating impormasyon, isang opisyal ng Internal Administration Group ng Bureau of Customs (BOC), ang nasa likod ng paniningil ng bayad ng travel authority (TA) na hinihingi ng mga empleyado ng opisinang ito. Ibang klase ang opisyal na ito, pati ba naman ang mga empleyado nila ay ginagawa nitong palabigasan. Isang sulat ang ipinarating ng rank and file ng Bureau of…
Read MoreKalakaran sa Kongreso ATTY. RODRIGUEZ KONTRA SA LIQUIDATION BY CERTIFICATION
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TATRABAHUHIN ni dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez na mawalan ng bisa ang Concurrent Resolution No. 10 na nagbibigay pahintulot sa Senado at House of Representatives na mag-liquidate ng kanilang gastos sa pamamagitan lang ng certifications na nilagdaan ng mga mambabatas sa halip magsumite ng official receipts. Isa ito sa mga plano ni Atty. Rodriguez sakaling palarin na maluklok sa Senado sa 2025 midterm election. Sa isang pagtitipon kamakailan sa Brgy. Hall ng Barangay Balibago, Angeles City, kasama ang mga dumalong kinatawan mula sa Bataan, Aurora,…
Read MoreTEVES MULING AAPELA SA TIMOR LESTE
BALAK maghain ng apela ang kampo ni dating Negros Oriental Congressman Arnulfo Teves Jr. sa korte sa Timor Leste. Sa isang press conference sa Malate, Manila, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng dating kongresista na inaasikaso na ng kanyang legal team sa East Timor ang hakbang para sa usapin ng pagpapabalik sa bansa ng dating mambabatas. Umaasa si Atty. Topacio na masisilip ng appellate court ang merito ng kanilang argumento. Sa ngayon aniya, malaya naman nakagagalaw si Teves sa naturang bansa at hindi naman ito nakakulong. Pero, hindi ito…
Read MoreEO 62 NI MARCOS SA IMPORTED RICE SINASAMANTALA NG IMPORTERS
SINASAMANTALA ng mga rice importer ang Executive (EO) 62 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nagpababa sa binabayaran nilang taripa kaya namamakyaw ang mga ito ng bigas sa ibang bansa. Ito ang lumabas sa ikalawang pagdinig ng House Quinta Comm na tinawag ding Murang Pagkain Super Committee dahil inaasahan aabot umano sa 5 million metric tons ng imported rice ang inangkat ng mga rice importer ngayong taon na mas mataas sa 4.7 million MT na report ng United States Department of Agriculture (DA). Dahil dito, umabot umano sa 2.5…
Read More