CSC: Dapat kagalang-galang GOV’T EMPLOYEES BAWAL MAGPA-SEXY

HINDI na makapagsusuot ng mga seksing damit ang kababaihang empleyado sa lahat ng ahensya ng gobyerno kasama na ang local government units (LGUs) at Government Owned and Controlled Corporation (GOCCs). Bukod dito, hindi na rin papayagan ang mga empleyado ng gobyerno na magpakulay o magpahaba ng buhok lalo na sa kalalakihan upang magkaroon umano ng respeto ang mga tao sa kanila. Base sa Revised Dress Code na inisyu ng Civil Service Commission (CSC), ipagbabawal ang pagsusuot ng collarless t-shirts, plunging necklines, sleeveless tops, sando/tank tops, tube tops, halters, strapless or…

Read More

‘Di na ikinagulat ng Kamara BENEFICIARIES NG OVP CONFI FUNDS ‘GAWANG RECTO’

WALA nang element of surprise. Tila ganito ang nangyari nang sabihin ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na hindi na sila nagulat na mayorya sa beneficiaries ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) ay mga hindi totoong tao. “Parang hindi naman na po kami nagulat doon,” ayon kay La Union Rep. Paolo Ortega matapos ireport ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 1,322 sa 1,992 indibidwal na lumagda sa Acknowledgement Receipt (AR) ay walang record ng kapanganakan. Ipinaberipika ng House committee on good government and public…

Read More

“PHISHING” SA MAYA, NETIZENS NAALARMA

MAYNILA—Inamin ng digital bank na Maya sa isang pahayag na inulan ito ng serye ng mga phishing scam nitong mga nakaraang buwan, matapos dumagsa ang reklamo ng mga netizen sa social media na nalimas umano ang kanilang pera na nakalagak sa application. Ayon sa mga netizen, nanakaw umano ang pera nila sa application sa pamamagitan ng “auto cash-in” feature ng Maya, na hindi pinahintulutan o alam ng mga gumagamit ng app. Dagdag pa nila, inabisuhan umano sila ng mga kinatawan ng Maya na hindi na nila makukuha ang mga nawawalang…

Read More

DUSA ANG PAG-UWI SA PROBINSYA

DPA ni BERNARD TAGUINOD TUWING holiday season ay nag-uuwian ang karamihan sa mga tao sa Metro Manila sa kanilang probinsya at kasama ang mga taga-Norte riyan tulad ng mga taga-Cagayan Valley region o Region 2. Matindi rin ang galawan ng mga produkto na dinadala sa Metro Manila at inuuwi naman sa mga probinsya ng Nueva Vizcaya, Isabela, Quirino at Cagayan kapag holiday season at may mga nagro-road trip para mamasyal sa mga probinsyang ito. Pero marami ang nasisiraan ng loob dahil patindi nang patindi ang trapik sa Nueva Vizcaya dahil…

Read More

TALENTADONG PINOY

At Your Service ni Ka Francis MARAMI sa ating mga Pilipino ay talaga nga namang pinagpala ng talento at galing. Tulad halimbawa ni Sofronio Parojinog Vasquez III na itinanghal na kampeon sa katatapos na Season 26 ng American talent competition “The Voice.” Si Sofronio ay ipinanganak noong Nobyembre 9, 1992, sa kanyang mga magulang na sina Aida Parojinog at Oniol Vasquez ng Misamis Occidental. Siya ay residente ng Utica, New York at ang kanyang propesyon ay bilang isang dentista simula noong 2022. Naging team coach ni Sofronio ang kilalang magaling…

Read More

BANGAYANG PULITIKA SA MARIKINA LUMALALA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO LALO pang umiinit ang bangayan ng mga politiko sa Marikina City sa pagitan ng kampo nina Mayor Marcy Teodoro, Sen. Koko Pimentel at 2nd District Rep. Stella Quimbo. Bakit sinabi natin ‘yan? Nitong nakaraan, nakatanggap tayo ng impormasyon na ang nagsampa raw ng kaso sa Commission on Election (Comelec) laban kay Mayor Teodoro ay tao ni Rep. Quimbo. Sa record ng Comelec, si Leighrich James Estanislao ang unang nagsampa ng kaso laban kay Teodoro sa Comelec, sinundan nina Sen. Koko Pimentel, Katrina Marco, Angelu Estanislao…

Read More

5 PATAY SA SUNOG SA NAVOTAS

PATULOY ang masusing imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) hinggil sa nangyaring sunog sa Navotas City na ikinamatay ng lima katao noong Sabado ng umaga. Ayon sa ulat ng Navotas City Public Information Office, dakong alas-7:02 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa hindi pa batid na dahilan sa isang bahay sa Gov. Pascual St., malapit sa San Roque Barangay Hall, Brgy. San Roque ng nasabing lungsod. Kaagad itinaas sa unang alarma bandang alas-7:14 ng umaga ang sunog na idineklarang under control dakong alas-7:42 ng umaga at tuluyang naapula…

Read More

SAN RAFAEL, BULACAN NASUNGKIT WORLD RECORD SA GUINNESS!

KABILANG na ang bayan ng San Rafael, Bulacan sa Guinness Book of World Records matapos itanghal bilang bagong “Largest Gathering of People Dressed as Angels” sa isinagawang “Guinness World Records Attempt” sa Victory Coliseum, San Rafael, Bulacan Municipal Compound noong Sabado, Disyembre 14. Ang mithiing makamit ang inaasam na world record, ayon kay Mayor Cholo Violago, ay limang buwang pinaghandaan ng Pamahalaang Lokal ng San Rafael kung kaya’t lubos ang pasasalamat nito sa lahat ng sumuporta at nakiisa sa nasabing record attempt. Base sa opisyal na talaan, nakapag-record ang Guinness…

Read More

PAALALA SA OFWs: BALIKBAYAN BOXES MAAGANG IPADALA

NAG-ABISO ang pamunuan ng Philippine Ports Authority (PPA) sa publiko lalo sa Overseas Filipino Workers, na planuhin nang maaga ang pagpapadala ng balikbayan boxes lalo na ngayong Christmas season. Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, mas mabuting ipadala nang maaga ang mga balikbayan box para masigurong matatanggap agad ng kanilang mga mahal sa buhay ang kanilang mga regalo o ipinadalang gamit sa kanilang mga kaanak sa Pilipinas. Paalala ni Santiago, inaasahan ang mataas na volume o rami ng mga ipinadadala ngayong holiday season kaya mahalagang ipadala ito nang maaga…

Read More