6M PRINTED BALLOTS SISIRAIN – COMELEC

SISIRAIN ng Commission on Elections (Comelec) ang anim na milyong balota na inisyal na naimprenta para sa midterm elections upang maalis ang pagdududa na maari itong magamit sa darating na halalan. Sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia nitong Miyerkoles na ang mga balotang ito ay iimbentaryuhin, iuulat sa Commission on Audit (COA), at saka sisirain. Ayon kay Garcia, ang mga naimprentang balota ay para sa local absentee voting, overseas voting, test ballots, Bangsamoro at Caraga region. Ito ay matapos maglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining Order (TROs) na pumipigil…

Read More

NBI PINAKILOS; SABWATAN NG RICE TRADERS SUGPUIN

(BERNARD TAGUINOD) PINAKILOS na ng Quinta Committee ang National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang sabwatan ng mga rice trader kaya hindi bumababa ang presyo ng bigas sa bansa kahit sobra ang supply at bumaba na ang halaga nito sa world market. Kasabay nito, pinatitigil ni Iloilo Rep. Janette Garin ang P58/k maximum suggested retail price (MSRP) sa imported na bigas dahil maaaring samantalahin ito ng rice traders para pagkakitaan pa nila nang husto. “Apparently, there’s a flow of at least five traders before the rice reaches the actual…

Read More

2 DAVAO RICE TRADERS PINASISILIP SA BIR, PCC

INATASAN ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Philippine Competition Commission (PCC) na imbestigahan ang rice importer na nakabase sa Davao. Ginawa ni Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing Jr., ang kautusan sa pagdinig ng Quinta Committee ukol sa problema ng mataas na presyo ng bigas at iba pang pagkain sa bansa na nagpapahirap sa mamamayan. Ang tinutukoy ni Suansing ang Nance II AgriTraders at Davao Solar Best Corporation na pag-aari ni Stuart Santiago at may hawak umano sa halos 10% sa buong…

Read More

SWS: RATING NI MARCOS SUMADSAD PA SA MINDANAO

(CHRISTIAN DALE) PAREHONG bumaba ang net satisfaction ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa panahon ng ikaapat na quarter ng 2024 sa non-commissioned survey ng Social Weather Stations (SWS). Sa katunayan, makikita sa survey na nabawasan ng 13 puntos ang satisfaction rating ni Pangulong Marcos mula sa “good” na +32 noong September 2024 ay naging “moderate” na +19. Sinasabing ang bilang ng mga nasa hustong gulang na Pilipino na nasiyahan sa trabaho ni Pangulong Marcos bilang Pangulo ay bumaba mula sa 58% patungong 51% habang…

Read More

Sorry for the inconvenience OVP WALA NANG PONDO PARA SA MEDICAL, BURIAL AID

INAASAHAN na ng Office of the Vice President (OVP) na matitigil na nito ang pagbibigay ng medical at burial assistance ngayong taon dahil hindi ito napondohan sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA). Sinasabing mula January hanggang December 2024, nakapagbigay ang programa ng mahigit sa P822 milyong halaga ng financial assistance para sa kabuuang 187,028 benepisaryo. “Since there’s no line item under 2025 General Appropriations Act for Financial Assistance / Subsidy, the Office of the Vice President has no fund to implement the medical and burial assistance program,” ang…

Read More

PHILHEALTH IBINIDA P271-B LAAN SA EXPANDED HEALTH BENEFIT PACKAGES

PINANGUNAHAN ni Senator Christopher ‘Bong’ Go, chairman ng Senate committee on health and demography ang pagtalakay sa sumobrang pondo ng PhilHealth at ang pag-update sa mga bayarin nito sa pagkakautang katulad ng health emergency allowance at implementasyon ng Malasakit Center Act. Nagpaliwanag naman si PhilHealht President at CEO Emmanuel Ledesma Jr. tungkol sa mga pagbabago sa kanilang ahensya. (DANNY BACOLOD) TINIYAK ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na may sapat silang budget para pondohan ang kanilang bagong expanded health benefit packages. Sa…

Read More