INARESTO ang dalawang lalaki habang nakikipag-inuman makaraang makumpiskahan ng baril sa isinagawang anti-criminality operation ng mga tauhan ng Manila Police District – Baseco Police Station 13 sa Block 5, Aplaya, Baseco Compound, Port Area, Manila noong Miyerkoles ng madaling araw Kinilala ang mga inaresto na sina alyas “Bumbay”, 31, at alyas “Robin”, 36, sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 in relation to BP881 (Omnibus Election Code), BP 6, at Sec. 11, Art. 2 ng Republic Act 9165. Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Voltaire Yap kay Police…
Read MoreDay: January 17, 2025
3 TOP MWPs SA QC, TIMBOG
INIHAYAG ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni PCol. Melecio M. Buslig, Jr., ang pag-aresto sa tatlong station level-most wanted persons sa bisa ng warrants of arrest noong Enero 14, 2025. Ayon sa ulat, inaresto ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa ilalim ng PMAJ Don Don M. LLapitan, kasama ng mga tauhan ng Holy Spirit Police Station (PS 14), ang No. 7 MWP ng PS 14 na kinilalang si Rommel Francisco, 47, bandang alas-5:30 ng hapon sa kanyang tirahan. Nabatid na si Francisco ay may nakabinbing…
Read More30 BAHAY NATUPOK SA KANDILA SA MAYNILA
NAWALAN ng tirahan ang tinatayang 500 pamilya makaraang matupok sa sunog ang 30 kabahayan dahil sa napabayaang may sinding kandila sa Sampaloc, Manila nitong Huwebes ng madaling araw. Umabot sa ika-4 na alarma ang sunog sa Sulucan St., Barangay 458 sa Sampaloc, Manila, ayon sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection. Ayon sa isang barangay kagawad, isang bata ang nakitang dala-dala ang isang nakasinding kandila bago sumiklab ang sunog. Isang residente ang nasugatan sa insidente habang walang naisalbang mga gamit ang karamihan sa kanila. Nabatid sa…
Read More18 PAMILYA NAWALAN NG TIRAHAN SA SUNOG
CAVITE – Umabot sa 18 pamilya ang nawalan ng tirahan nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa nangyaring sunog sa Dasmariñas City, noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat ng Dasmariñas Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas-8:30 ng umaga nang nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Blk. 209, Excess Lot, Pasalay Phase V, Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City. Mabilis na naglagablab ang apoy hanggang sa madamay ang katabing mga bahay na halos pawang yari sa light materials, at tuluyang naabo ang 13 pang kabahayan.…
Read MoreSEKYU PATAY SA PINAGLARUANG BARIL NG KA-BUDDY
LAGUNA – Patay ang isang 18-anyos na security guard matapos tamaan ng bala sa noo nang aksidenteng pumutok ang baril na kanilang pinaglaruan sa guard house ng kanilang binabantayang subdivision sa Barangay Banay-Banay, Cabuyao City noong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa imbestigasyon ng Cabuyao City Police, bandang ala-1:00 ng hapon, magkasamang naka-duty ang biktimang si Elmer Calvadorez at ang suspek na si alyas “Christian”, 24, sa gate ng Grand Acacia Grove Subdivision, nang laruin umano ng mga ito ang isang caliber .38 revolver. Sa hindi inaasahang pagkakataon, pumutok ang baril…
Read MoreSENIOR PATAY SA PALO NG TUBO DAHIL SA BASURA
RIZAL – Patay ang isang 75-anyos na lalaki matapos umanong hampasin ng tubo sa ulo ng kanyang kapitbahay noong Miyerkoles ng umaga sa Brgy. Sta. Ana, sa bayan ng Taytay, sa lalawigan. Kinilala ni PCol. Felipe Maraggun, Provincial Director ng Rizal PNP, ang biktimang si alyas “Domingo,” habang ang suspek ay kinilala namang si alyas “Romy,” 50-anyos. Nabatid sa imbestigasyon, bandang alas-4:00 ng umaga, nakita ng isang testigo ang suspek na armado ng metal pipe at walang habas na pinagpapalo sa ulo ang biktima dahilan upang humandusay ito at namatay.…
Read MoreMAHIGIT P3-M CELLPHONES NILIMAS SA GADGET STORE
CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang anim na kalalakihang tumangay ng tinatayang mahigit sa P3 milyong halaga ng cellphones at gadgets mula sa isang tindahan sa Bacoor City noong Miyerkoles ng umaga. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek na tumakas matapos looban ang isang gadget store, lulan ng isang puting motorsiklong Bukyo. Ayon sa ulat, bandang alas-7:25 ng umaga, nang dumating ang isa sa staff ng tindahan na General Merchandise sa Molino Road, Brgy. Molino 3, Bacoor City, napansin nito ang isang speaker na nasa labas ng tindahan. Kasunod…
Read MorePARING RIDER PATAY SA SALPOK NG SUV
EASTERN SAMAR – Nasawi ang isang pari nang ang kanyang minamanehong motorsiklo ay masalpok ng kasalubong na SUV sa kurbadang kalsada sa Barangay Naubay, sa bayan ng Llorente sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Father “Alex”, 66-anyos, ng Parish of St. Roch the Healer, sa Maydolong, Eastern Samar, sakop ng Dioceses ng Borongan. Ayon sa report, dakong alas-8:45 ng umaga, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo patungo sa bayan ng Quinapondan ngunit pagsapit sa matalim na kurbada ay nasalpok ito ng…
Read MoreTERMINO NI MARBIL SA PNP POSIBLENG PALAWIGIN
POSIBLENG palawigin ang termino ni Philippine National Police chief General Rommel Francisco Marbil dahil sa magaganap na May 12, 2025 midterm election. Ipinahihiwatig ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na posibleng pahabain pa ang termino ni Marbil bilang PNP chief ng hanggang apat na buwan. Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, may mga indikasyon na mapalawig pa ang termino ni Marbil, bagaman wala pang inilalabas na pahayag mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “From all indications ma-extend siya but there is no official…
Read More