UNIFIED PWD IDs PAIIRALIN SA PAGTATAPOS NG 2025

IPATUTUPAD ang unified persons with disability identification system sa pagtatapos ng taon. “By the end of this year, meron na tayo[ng] unified ID system,” ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) kesperson Assistant Secretary Irene Dumlao. Ang unified PWD ID system ay hakbang ng departamento para tugunan ang malaganap na pekeng PWD IDs. Tinuligsa naman ng Restaurant Owners of the Philippines (RESTO PH) ang malaganap na pang-aabuso ng PWD IDs para sa discounts sa restaurant at iba pang establisimyento na nagdudulot ng pagkalugi. Sa ulat, sinalakay ng mga…

Read More

IMPEACHMENT TRIAL VS VP SARA TATAWID SA 20TH CONGRESS?

POSIBLENG umabot sa 20th Congress ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kapag hindi natapos ang paglilitis sa natitirang panahon ng kasalukuyang 19th Congress. Ito ang paniniwala ni Manila Rep. Joel Chua, isa sa 11 House prosecutors kaya hindi malayong kasama sa pagdedesisyon kung guilty of hindi ang Bise Presidente ang 12 senador na mahahalal sa May 12, 2025. “Ako po kasi, dalawa po kasi ang school of thoughts diyan pero kami po ang paniniwala ko po, ang Senate is a continuing body. Kaya po kahit po simulan…

Read More

Mga deboto ni Sta. Marta umalma LINO AT FILLE CAYETANO GINAMIT PAGODA SA PULITIKA?

INULAN ng batikos sina dating Taguig Mayor Lino Cayetano at kanyang asawang si Fille Cainglet-Cayetano, matapos umanong gawing entablado ng pulitika ang sagradong tradisyon ng Pagoda sa Daan para kay Santa Marta. Sa isang pahayag sa kanilang Facebook page, isang grupo ng mga deboto ang mariing kinondena ang tahasang paggamit ng relihiyosong okasyon upang isulong ang kandidatura ni Lino Cayetano. “Kami, bilang mga nagkakaisang mamamayan at deboto ni Santa Marta, ay mariing kinokondena ang ginawang paggamit sa Pagoda sa Daan ng Pateros bilang kampanya para kay Lino Cayetano.” Dismayado ang…

Read More

PAGKAKAIBA NG AKO-OFW PARTYLIST AT OFW PARTYLIST, NABIGYANG LINAW SA PUBLIKO

AKO-OFW ni CHIE UMANDAP LUBOS na nalinawan ang ating mga kababayan hinggil sa pagkakaiba ng AKO-OFW partylist sa OFW Partylist. Ayon sa mga OFW, sadyang nakakalito ang halos pagkapareho ng pangalan ng dalawang partido. Sa aking panig, dapat malaman ng publiko na hindi pa naman nakaupo sa Kongreso ang AKO-OFW Partylist at wala pang kakayahan na bumoto sa kahit anong isyung kinahaharap ng mga politiko sa ngayon. Akin ding binibigyang-diin na hindi kami pumapanig sa kahit anong nangyayari sa Mababang Kapulungan bagkus mas hiling namin ang maayos na pagkakaisa ng…

Read More

MANGANGAKO NA NAMAN PO SILA

NANINIKTIK GREGORIO SAMAT NGAYONG araw ang simula ng 90 days campaign period ng national candidates na kinabibilangan ng senatorial wannabes at party-list organizations na gustong magkaroon ng upuan sa Kamara. Sa Marso 28, naman magsisimula ang pangangampanya ng local candidates mula sa Congressional District Representatives, Governors, Vice Governors, Provincial Board Members, Mayors, Vice Mayors at mga konsehal ng mga bayan at lungsod. Muli na naman tayong makaririnig ng mga pangako ng mga politiko na kesyo bibigyan nila kayo ng trabaho, iaangat ang antas ng pamumuhay, aalisin kayo sa tanikala ng…

Read More

BAKIT NGAYON LANG?

AT YOUR SERVICE ni Ka Francis BUTI naman napag-isipan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi patas na ang napakaraming mga sasakyan ay nagsisiksikan sa pangunahing mga kalsada, habang sa EDSA Bus Lane ay pili lamang ang nakadaraan. Kung hindi tayo nagkakamali, ang maaaring dumaan lamang sa Bus Lane ay mga Public Utility Bus (PUB), ambulansya at iba pang pang-emergency na sasakyan. Ang planong pag-alis sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) Bus Lane ay para lumuwag ang espasyo sa mga pangunahing kalsada. Kinumpirma ni MMDA Chairperson Romando Artes,…

Read More

KAMARA BUMAHA NG PERA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO MAY mga bulong-bulungan na bumaha raw ng pera sa House of Representatives o Kamara noong huling sesyon nila kung saan tinalakay ang impeachment complaint laban kay Vice President Inday Sara Duterte. Limpak-limpak na salapi raw ang kumalat sa Kamara para lang makabuo ng 215 pirma mula sa mga kongresista pabor sa pagpapatalsik sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa Bayan ni Juan dela Cruz? Dahil sa umugong na bulong-bulungang ito ay nananaginip tuloy ako na may pera raw akong natanggap dahil isa rin daw akong kongresista…

Read More