PREVENTIVE MAINTENANCE NG NATURAL GAS PLANTS PINABABANTAYAN SA DOE

HINIMOK ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Energy na tiyaking nasusunod ang schedule ng maintenance at shutdown ng mga natural gas plants at dapat hindi na mapalawig pa. Ginawa ng vice chairman of the Senate Committee on Energy ang pahayag kasunod ng pag-anunsyo ng Department of Energy sa pag-shutdown ng pasilidad ng South Premiere Power Corp. at Excellent Energy Resources, Inc., na pag-aari ng Meralco PowerGen, San Miguel Global Power, at Aboitiz Power. Sinabi ni Gatchalian na kinikilala nila na mahalaga ang preventive maintenance upang maiwasan ang mga biglaang…

Read More

ANGKASANGGA AT ISKO PINAGTIBAY ANG ALYANSA SA MOTORCADE

PINAGTIBAY ng Angkasangga Party-list ang kanilang suporta kay Isko Moreno sa pamamagitan ng isang malawakang motorcade na umikot sa lungsod ng Maynila kamakalawa. Ang makabuluhang kaganapang ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng dalawang panig na isulong ang maayos na transportasyon, mabuting pamamahala, at mas inklusibong pag-unlad sa lungsod. Nanguna sa motorcade ang daan-daang volunteer bikers mula sa Angkasangga, na sinalubong ng masiglang suporta mula sa mga residente sa bawat kalyeng dinaanan. Ang kaganapan ay naging pagpapakita ng lakas ng alyansa ng Angkasangga at Isko Moreno, na parehong may…

Read More

SINAGTALA: DRAMANG MAY KABULUHAN

TRAILER pa lang pero all-praises na ang netizens sa bagong pelikulang ‘Sinagtala,’ starring Glaiza De Castro, Rayver Cruz, Rhian Ramos, Matt Lozano, at RC Muñoz. “‘Di ko pa napapanuod, naiiyak na ko!” comment ng isang netizen sa higit isang minutong trailer ng pelikula na naka-upload sa Youtube channel ng GMA Pictures. Paano ba naman, mula istorya, acting, at soundtrack, madadala ka talaga. Tungkol ang kwento sa mga miyembro ng bandang ‘Sinagtala’ na matapos magkawatak-watak ay nasadlak sa kani-kanyang matinding problema sa buhay. Sa trailer, makikitang nakulong si Rayver, nabuntis nang…

Read More

PAGHAHAIN NG WARRANT NAUWI SA ENGKWENTRO, 4 PULIS SUGATAN

QUEZON – Apat na pulis ang nasugatan matapos magkaroon ng engkwentro habang naghahain ng warrant of arrest ang mga awtoridad sa tatlong wanted persons sa Brgy. Manggagawa, sa bayan ng Guinayangan, sa lalawigan noong Biyernes ng umaga. Kinilala ang mga nasugatan na sina PCMS Crisologo Castillo, 44, miyembro ng Guinayangan Police; PEMS Alex Maigue, 44; at PSSg John James Red, kapwa miyembro ng Regional Intelligence Unit ng Calabarzon PNP, at PCMS Domingo Jalmasco Enraca Jr., 42, miyembro ng Regional Intel Unit ng PRO5-Bicol PNP. Ayon sa ulat ng Guinayangan Police,…

Read More

MANAGER NG QUARRY TIKLO SA 3 HINDI LISENSYADONG BARIL

KALABOSO ang manager ng isang quarry sa Taysan, Batangas makaraang makumpiska sa kanya ang tatlong hindi lisensyadong baril sa isinagawang search warrant operation ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) kahapon ng umaga. Nakilala ang inarestong suspek sa kanyang alyas na Chester, na manager ng Golden Mountain Aggregates Corporation na operator ng isang quarry sa Barangay San Marcelino sa Taysan, Batangas. Sa inisyal na ulat, nakumpiska mula sa suspek ang tig-isang kalibre .45 na 5.56 rifle at isang 40 caliber na pistola…

Read More

CAMILLE INENDORSO NG ILOILO LOCAL EXECUTIVES

NAGPASALAMAT si Camille Villar sa mga lokal na opisyal ng Iloilo City sa pag-endorso sa kanyang senatorial bid, kasunod ng pagsisimula ng kampanya para sa mga lokal na kandidato noong Biyernes. Sa pagsasalita sa harap ng malaking crowd sa kick-of rally ng Team Uswag sa Iloilo Freedom Grandstand, pinasalamatan din ni Villar ang political kingpin na si Mayor Jerry Treñas, at mga lokal na opisyal sa mainit na pagtanggap. Naglalaman ng diwa ng pagkapanalo, sumama si Villar sa Uswag Team — sa pangunguna ni mayoral candidate Inday Raisa Treñas at…

Read More

₱11.18 BILLION EXPIRED DOH MEDICAL SUPPLIES PAIIMBESTIGAHAN NI VILLANUEVA

NAIS paimbestigahan sa Senado ni Senator Joel Villanueva ang Department of Health (DOH) kaugnay ng mahigit P11-B halaga ng gamot at medical supplies na nasira noong 2023. Matatandaang sinita ng Commission on Audit (COA) ang pagkasayang ng mga gamot at kagamitan ng DOH. Nitong Marso 27 ay pinangunahan ni Villanueva ang financial assistance payout sa may 1,000 residente ng Iloilo City. Inihain ni Villanueva ang Senate Resolution No. 1326 nito lang March 18 na layong “to determine accountability for the massive loss of government resources due to inadequate procurement planning,…

Read More

‘TEAM GROCERY’ NAMAN LUMUTANG SA CIF NI VP SARA

ISA pang grupo na tinawag na ‘Team Grocery’ ang kasama sa mga tumanggap umano ng confidential and intelligence funds (CIF) ni Vice President Sara Duterte-Carpio na umabot sa kalahating bilyong piso ang halaga. Ito ang isiniwalat kahapon ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ukol sa mga pangalang isinumite ng Office of the Vice President (OVP) sa Commission on Audit (CoA) na nabigyan umano ng CIF noong 2023 na nagkakahalaga ng P500 million. Kabilang sa mga pangalang ay ‘Beverly Claire Pampano’, na pangalan ng isang isda; ‘Mico Harina’, ‘Patty…

Read More