NAGPASALAMAT si Camille Villar sa mga lokal na opisyal ng Iloilo City sa pag-endorso sa kanyang senatorial bid, kasunod ng pagsisimula ng kampanya para sa mga lokal na kandidato noong Biyernes.
Sa pagsasalita sa harap ng malaking crowd sa kick-of rally ng Team Uswag sa Iloilo Freedom Grandstand, pinasalamatan din ni Villar ang political kingpin na si Mayor Jerry Treñas, at mga lokal na opisyal sa mainit na pagtanggap.
Naglalaman ng diwa ng pagkapanalo, sumama si Villar sa Uswag Team — sa pangunguna ni mayoral candidate Inday Raisa Treñas at re-electionist Vice Mayor Jeffrey Ganzon — sa proclamation rally, kung saan nangako ang mga lokal na opisyal na ipagpatuloy ang pag-arangkada ng progreso sa katimugang lungsod.
“Suportahan naton sang todo todo para sa Senado Camille Villar, #66!, Sama-sama, we can create positive change! Let’s support Camille Villar for Senator #66 sa ballota. Your vote matters!,” ani Raisa Treñas.
“Buligan naton kang botohon sa mayo 12 para sa senador, Camille Villar,” aniya pa.
Ginantihan din ni Villar ang kabaitan ng Uswag Ilonggo party-list, sa pamumuno ni Rep. James “Jojo” Ang, na nag-rally para sa suporta ng kanilang kapwa Kasimanwas sa Mayo 2025 na botohan.
Para sa kanyang bahagi, nangako si Villar na hindi bibiguin, at higit pang pagbubutihin ang mga pagsisikap na magbigay ng kabuhayan, lumikha ng mga trabaho, at isulong ang empowerment ng kababaihan, itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng kasarian at pagbutihin ang edukasyon.
“Noon pa man, isinusulong ko na po — mga batas na magtataguyod ng kabuhayan, magbibigay ng trabaho, magpapaabot ng pangarap na bahay para sa mga Filipino, ipagpapatuloy ko po yan,” aniya.
Dahil sa 15-taong karanasan sa serbisyo publiko at pribadong sektor, umaasa si Villar na magdadala ng bagong pananaw sa pagharap sa mga kasalukuyang hamon gayundin sa paggawa ng batas.
“Ako po ang magiging bagong boses ninyo sa Senado ng gayon matugunan natin ang pangangailangan ng bawat pamilyang Pilipino,” she said.
“Kaya po, asahan niyo pong nandito lamang ako, si Camille Villar, hayaan ninyo ang inyong boses para sa sama-samang maitaguyod ang pag-asenso ng buhay ng ating mga kababayan,” said Villar, who is the youngest among the senatorial candidates for the May 2025 midterm elections.
(Danny Bacolod)
