SA kabila ng mga panggigipit, mananatiling BUKAS ang tanggapan ni CONGRESSMAN FIDEL NOGRALES upang maghatid ng direktang serbisyo sa INYO. Ito ang nilalaman ng OPISYAL na ABISO na sagot ng kampo ni Rizal District IV Rep. Juan Fidel Felipe Nograles sa pag-padlock ng gate ng R & R Wet and Dry Market, sa Greenview, Barangay San Isidro sa Montalban, Rizal, na kung saan matatagpuan ang District Office ng kongresista. Nauna rito, noong Pebrero 28, 2025 nasa humigit-kumulang sa dalawampung katao (20) mula sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng…
Read MoreMonth: March 2025
PAGKAKAPANTAY-PANTAY SA LIPUNAN
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NGAYONG buwan ng Marso ipinagdiriwang ang International Women’s Month kung kailan mas napagtutuunan ng pansin ang mga kampanya at programa na nagbibigay ng natatanging pagpapahalaga sa lakas, tapang at galing ng kababaihan, at nagsusulong ng totoong pagkakapantay-pantay ng mga kasarian. Isa sa United Nations Sustainable Development Goals o UN SDGs ang pagkamit ng gender equality at pag-empower sa kababaihan. Sa ilalim nito, mayroon pang siyam na target at 14 na mga indicator na nakatutok sa pagtanggal ng gender disparity, pagmamalupit sa mga kababaihan, at sa…
Read MoreINAABUSO NA PARTY-LIST SYSTEM
CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA pagsusuri ng election watchdog na Kontra Daya, lagpas sa kalahati ng mga party-list organization na tumatakbo sa darating na May 12 election ang hindi kumakatawan sa mahihirap na sektor ng lipunan. Ayon sa pag-aaral, nasa 55.13% o 86 ng 156 party-list groups na tumatakbo sa 2025 election ang hindi kumakatawan sa mahihirap. Kwarentang party-list groups ay may kaugnayan sa political clans, 25 sa malalaking negosyo, 18 ang may koneksyon sa police o militar. Heto pa kagimbal-gimbal, may pito na may kasong korupsyon, may military connections,…
Read MorePROFESSIONAL FEES NG MGA DOKTOR, DAPAT SAGUTIN NG PHILHEALTH – CONG. ERWIN TULFO
TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG ISANG mahalagang panukalang batas ang isusulong ni ACT-CIS Congressman at ngayo’y senatorial candidate Erwin Tulfo – ang pagsagot ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa professional fees ng mga doktor. Sa unang tingin, ito ay isang malaking hakbang upang matugunan ang matagal nang hinaing ng maraming Pilipino na nahihirapang makalabas ng ospital dahil sa kakulangan sa pambayad sa mga espesyalista. Tama ang punto ni Tulfo na kasalukuyang limitado lamang ang sinasagot ng PhilHealth sa mga bayaring gaya ng gamot at room charge ng pasyente.…
Read MoreHIGIT 3K TSUPER MAWAWALAN NG HANAPBUHAY SA LPTRP REVISION
DILIMAN, Lungsod Quezon — Aminado ang Department of Transportation (DoTr) na hihigit sa 3,000 tsuper sa Cebu ang posibleng mawawalan ng hanapbuhay sanhi ng gagawin mga pagbabago sa ipapatupad na Local Public Transport Route Plan (LPTRP). Ito ang napagalaman mula kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region VII director Eduardo Montealto sa pakikipagpulong kay Cebu governor Gwendolyn Garcia nitong nakaraang Sabado, Marso 8, 2025. Nakasama sa pulong nina Montealto at Garcia sina DoTr secretary Vivencio ‘Vince’ Dizon, mga kinatawan ng World Bank (WB), Land Transportation Office (LTO), pamahalaang…
Read MorePAG-ANGKIN NG TSINA SA PALAWAN KINONDENA NI GOITIA
UMANI ng batikos ang Tsina matapos kondenahin ni Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia, chairman Emeritus ng Filipinos Do Not Yield Movement, ang pahayag nito na bahagi umano ng kanilang teritoryo ang Palawan. Sa isang matapang na pahayag, tinawag ni Goitia ang pag-aangkin ng Tsina bilang “katawa-tawa” at isang “tahasang paglabag sa pandaigdigang batas,” binigyang-diin niyang ito ay hindi lamang walang batayan kundi isa ring “pang-iinsulto sa kaalaman ng mga Pilipino tungkol sa kanilang sariling kasaysayan at kultura.” Kinatawan ni Goitia, ang iba’t ibang makabayang organisasyon, kabilang ang People’s Alliance for…
Read MoreBRGY. CHAIRMAN INIREKLAMO KAY MAYOR VICO SA ‘ILLEGAL’ MULTI-PURPOSE HALL
NAGHAIN ng reklamo sa tanggapan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang isang kompanya laban sa barangay chairman ng Barangay Rosario dahil sa ilegal na pagtatayo ng multi-purpose hall na sinakop ang bahagi ng pagmamay-ari nitong lupain. Batay sa liham ni Atty. Ramon Remollo, abogado ng Industrial Enterprises Inc. (IEI), kay Sotto na may petsang 20 Pebrero 2025, tumanggi si Aquilino dela Cruz Jr., chairman ng Barangay Rosario, na bigyan ng fencing permit ang kanilang kompanya bunsod umano ng pagkuwestiyon sa IEI bilang lehitimong may-ari ng lupang kinatitirikan ng dalawang…
Read MoreLIVE-IN PARTNERS TIMBOG SA P650K SHABU SA LUCENA
LUCENA CITY – Arestado ang live-in partners sa isinagawang sa buy-bust operation at nakumpiskahan ng tinatayang P650,000 halaga ng umano’y shabu sa Purok Baybayin 1, Barangay Ibabang Dupay sa lungsod noong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga natimbog na sina alyas “Vida”, 39, residente ng Purok 5, Barangay Dalahican, at “Aaron”, 38, residente ng Barangay Dap-Dap, Tayabas City. Ayon sa ulat ng PDEU-Quezon, bandang alas-8:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba at nakabili sa mga suspek ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu. Sa isinagawang preventive search,…
Read MoreBiktima buking na peke KASONG RAPE VS PANDI MAYOR IBINASURA
IBINASURA ng Regional Trial Court Branch 121 ng Caloocan City ang inihain na kasong rape laban kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque at sa dalawang kasama nito matapos mapatunayang walang basehan at walang katotohanan ang mga bintang laban sa kanila. Sa inilabas na desisyon ni Judge Rowena Violago Alejandria ng RTC Branch 121 noong February 25, 2025, inilahad dito na ang pangalan ng nag-akusa sa alkalde – isang Mikaela Buico Mariano – ay hindi umano tunay na pangalan at imbento lamang din ang address na ibinigay nito. Ayon pa sa…
Read More