NANINIWALA ang pamahalaan na malaking bagay para sa pagpapalakas ng defense posture ng bansa ang bibilhing 20 F-16 fighter jets ng Pilipinas sa Amerika at ang paparating na guided missile armed ships ng Philippine Navy. Kasunod ng pagdalaw sa Pilipinas ni U.S. Department of Defense Secretary Pete Hegseth at pakikipagpulong nito kay Pangulong Ferdinand Marcos at Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro, inihayag naman ng U.S. State Department na inaprubahan ng US Congress ang $5.58 billion sale ng F-16 fighter jets para sa Pilipinas. Una nang kinumpirma ng US State Department…
Read MoreDay: April 3, 2025
Bersamin sa nakaalarmang pahayag ni Brawner: “WE ARE NOT GOING TO WAR”
BINIGYANG-DIIN ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi papasok sa giyera ang bansa kasunod ng sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na ang tropa ng militar ay dapat maghanda kaugnay sa posibleng pagsalakay ng China sa Taiwan. Sa isang ambush interview, sinabi ni Bersamin na walang dahilan para maalarma ang taumbayan sa naging kautusan ni Brawner sa tropa ng militar na maghanda dahil lamang sa nagsagawa ng military exercises ang China sa paligid ng Taiwan na nilahukan ng kanilang army, navy,…
Read MoreJyra Lapitan nakakuha ng mataas na voter preference; ‘TRIPLE E’ PROGRAM ISUSULONG SA MINGLANILLA, CEBU CITY
NAKAKUHA ng mataas na rating sa idinaos na independent poll survey ang kandidato sa pagka-konsehal sa Minglanilla, Cebu City na si Jyra Mantalaba Lapitan. Sa kick off campaign ng Team Unity, si Lapitan ay nakakuha ng suporta sa mga residente ng Minglanilla kasunod ng isinagawang motorcades at pag-iikot sa mga lansangan sa nasabing bayan. Galing sa kilala at iginagalang na pamilya sa lalawigan ng Cebu, ipinangako ni Lapitan sa mga taga-Minglanilla ang kontribusyon nito para mas mapaunlad pa ang bayan at mapangalagaan ang mga residente nito sa pamamagitan ng pag-endorso…
Read More4.7 KM EDSA ELEVATED WALKWAY SISIMULAN NA NG DOTr
Ni Tracy Cabrera DILIMAN, Lungsod Quezon — Naghahanap na lamang ang Department of Transportation (DoTr) ng isang general consultant sa pamamagitan ng bidding process para masimulan na ang planong Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) Greenways Project, na 4.7-kilometrong (km) elevated walkway sa kahabaan ng pangunahing highway ng bansa. Ayon sa DoTr, bukod sa pakikipagtulungan sa kagawaran na pangasiwaan ang proyekto at pagpapatayo nito, magiging tungkulin din ng general consultant na magbigay ng transaction advisory service para sa mapipiling mga partner na mag-o-operate at magmamantine ng footbridge system. Nilinaw din na…
Read MoreCAMILLE NAGPASALAMAT SA SUPORTA NG PANGASINENSE
NAGPASALAMAT si Camille Villar kay Pangasinan Gov. Ramon Guico III at sa buong slate ng Team Aguila sa pag-endorso sa kanyang senatorial bid sa proclamation rally sa Bolinao, Miyerkoles ng gabi. Pinasalamatan din niya ang suporta at mainit na pagtanggap nina Gov. Juico, Vice Gov. Mark Lambino, Pangasinan First District Rep. Arthur Celeste, Abono Partylist Rep. Bobby Estrella. Nangako si Camille na patuloy na susuportahan ang mga proyektong pang-imprastraktura at tutulong sa agrikultura sa Pangasinan. Bilang pasasalamat, sinabi niya na patuloy niyang uunahin ang pagtulong sa lalawigan tulad ng ginagawa…
Read MoreSa paggunita ng Semana Santa 40K PULIS IKAKALAT NATIONWIDE
INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Brigadier General Jean Fajardo na nakataas sa ‘heightened alert’ ang buong puwersa ng pulisya sa paggunita ng Semana Santa kasabay na rin ng pagbibigay ng seguridad sa panahon ng pangangampanya ng mga kandidato sa nalalapit na halalan. Kaugnay nito, ay magpapakalat ng aabot sa 40,151 pulis ang pambansang pulisya sa buong bansa para sa pagsisimula ng summer vacation at paggunita ng Mahal na Araw. Ito ay bilang bahagi ng kautusan ni PNP chief Lieutenant General Rommel Francisco Marbil na magpakalat ng sapat na…
Read MoreKAMPO NI MAYOR VICO BINANATAN SA ‘BLACK OPS’
BINATIKOS ng mga residente ang anila ay paggamit ng kampo ni Pasig City Mayor Vico Sotto ng “Black Propaganda” laban sa katunggali sa pagka-mayor na si Sarah Discaya. Kasunod ito ng insidente sa idinaos na peace covenant event kung saan ginawang biro umano ni Sotto ang hindi pagdalo ni Discaya sa aktibidad. Ayon sa ilang residente, pinalabas ng alkalde na hindi dumalo sa peace covenant si Discaya gayong pinilit naman nitong makahabol sa aktibidad kahit masama ang kanyang pakiramdam. Una nang binatikos ni Pasig City congressional candidate Atty. Christian “Ian”…
Read MoreSa paglaya ng ilang Pinoy dahil sa ‘illegal gathering’ AKO-OFW PARTY-LIST NAGPASALAMAT SA PHL AT QATAR GOVERNMENT
LUBOS ang pasasalamat ng AKO-OFW party-list matapos makalaya ang nominee nito na si Dr. Joseph Rivera at iba pang Pinoy sa Qatar at makasamang muli ang kanilang pamilya. Ito’y kasunod ng pagkakakulong ng mga ito dahil sa ilang paglabag o ang pagsasagawa ng ‘illegal gathering’ nang walang permit mula sa gobyerno ng naturang bansa. Sa ilalim kasi ng Qatar’s Law No. 18 of 2004, ang anomang pagtitipon na walang pahintulot ay mahigpit na ipinagbabawal. Ayon kay AKO-OFW nominee Dr. Joseph Rivera, nagpapasalamat siya sa pamahalaan partikular na sa Department of…
Read MoreCitizen Crime Watch Internationale inendorso si Benhur Abalos sa Senado
PASAY CITY — Opisyal nang inendorso ng Citizen Crime Watch Internationale (CCWI) ang dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na si Benhur Abalos para sa pagka-senador sa darating na halalan sa Mayo 2025. Ang pormal na anunsiyo ay ginawa ni CCWI Founder at National Chairperson Mitch Botor sa Membership Meeting ng CCWI Pasay Chapter na ginanap sa Kalayaan Village, Pasay City, na dinaluhan ng mahigit 2,000 miyembro. “Si Benhur Abalos ay isang lider na tumutupad sa kanyang mga pangako,” ani Botor. “Ang kanyang pamumuno sa…
Read More