Bersamin sa nakaalarmang pahayag ni Brawner: “WE ARE NOT GOING TO WAR”

BINIGYANG-DIIN ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi papasok sa giyera ang bansa kasunod ng sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na ang tropa ng militar ay dapat maghanda kaugnay sa posibleng pagsalakay ng China sa Taiwan.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Bersamin na walang dahilan para maalarma ang taumbayan sa naging kautusan ni Brawner sa tropa ng militar na maghanda dahil lamang sa nagsagawa ng military exercises ang China sa paligid ng Taiwan na nilahukan ng kanilang army, navy, air at rocket personnel.

”Hindi bago ito kasi matagal na naming pinag-uusapan ‘yan ano. Because of the great possibility of mainland China crossing the channel between it and Taiwan to recover Taiwan. This is just part of the preparedness that we as a country should be put into. ‘Yung context noong kay Gen. Brawner making that statement, there should not be any alarm on the part of the Filipinos to look or see that interview. Because the Philippines has been preparing for the eventuality of an invasion,” ang sinabi ni Bersamin.

At kung sakali man aniya na may atas si Brawner sa tropa ng militar na maghanda, malinaw na nais lamang nitong ipakita sa taumbayan na hindi natutulog sa pansitan ang pamahalaan.

”We’re not saying when that invasion will take place, whether it will take place at all. Ang importante sa atin, hindi tayo natutulog sa pansitan. Kaya ‘yung context nung pagsasalita ni Gen. Brawner is just to announce something that we are prepared, whole of nation, whole of government approach ‘yan,” dagdag na wika nito.

Tiniyak pa rin ni Bersamin na walang ‘main agency’ ang sangkot sa preparasyon, idagdag pa na ang prayoridad, kung mayroon ay ang pagpapauwi sa mga Pilipino.

Siniguro naman ni Bersamin na ang Pilipinas ay mangangailangan ng assets para sa kaganapang ito.

(CHRISTIAN DALE)

47

Related posts

Leave a Comment