INKLUSIBONG PAG-UNLAD TARGET NG PCUP MINDANAO

Zamboanga City — Sa layuning mapalawak ang suporta sa mga maralitang tagalungsod at isulong ang inklusibong kaunlaran, opisyal na lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Presidential Commission for the Urban Poor – Field Operations Division for Mindanao (PCUP-FODM), kasama ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Region 9, Social Housing Finance Corporation (SHFC), Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Region 9, at ang Confederation of Zamboanga City Homeowners Association Inc. Ginanap ang MOA signing noong ika-28 ng Marso, 2025 sa Philippine Red Cross Conference Room,…

Read More

TATLO PATAY SA KARAMBOLA SA MARIKINA

PATAY ang tatlo katao habang hindi bababa sa 10 katao ang sugatan makaraang mawalan ng preno ang isang trailer truck at naatrasan ang mga sasakyan sa Marikina, Miyerkoles ng alas-11:00 ng gabi. Hawak na ng Marikina City Police Station ang driver ng SHACMAN Trailer Truck na may plakang AIA-4084 na si Gabriel Almeda, 54-anyos, tubong Kalinga, Apayao. Batay sa salaysay ni Almeda, habang papaahon siya sa bahagi ng eastbound ng Fortune Avenue ay nawalan ng preno ang truck dahilan upang maatrasan niya ang mga sasakyan na sumusunod sa kanya. Sa…

Read More

Sa kasagsagan ng RP-US Joint Balikatan 2025 CHINA AIRCRAFT CARRIER, 1 PA NASA DAGAT NG PINAS

HABANG nasa kasagsagan ng mga paghahanda para sa isasagawang joint RP-US Balikatan war exercises sa karagatang sakop ng Pilipinas, na-monitor ng Philippine Navy ang presensya ng dalawang China Warship kabilang dito ang kanilang pinakamalaking Aircraft carrier, sa hilagang Luzon. Ayon kay Navy spokesman Captain John Percie Alcos, gamit ang kanilang Intelligence, Surveillance, and Reconnaissance (ISR) capabilities, na-monitor nila ang presensya ng dalawang People’s Liberation Army Navy (PLA-N) vessels na naglalayag sa magkahiwalay na lokasyon sa northern coast ng Luzon noong Miyerkoles. Nabatid na patuloy tinitiktikan ng NAVAL Forces Northern Luzon…

Read More

ISKO MORENO, IBA PA PAGPAPALIWANAGIN NG COMELEC SA REKLAMONG VOTE BUYING

PADADALHAN ng Commission on Elections (Comelec) ng show cause order ang ilang lokal na kandidato dahil sa alegasyong vote buying. Ayon sa Comelec, sina Manila Mayoral candidates Isko Moreno at Sam Versoza, Caloocan City Mayor reelectionist Along Malapitan, at anim na iba ay inaakusahan ng “vote-buying,” isang uri ng paglabag na maaring maging batayan ng disqualification. Ang reklamo kay Moreno ay kaugnay sa pamamahagi umano nito ng P3,000 sa public school teachers. Nauna nang binalaan ng Comelec ang mga kandidato sa paggawa ng election offenses gaya ng vote buying dahil…

Read More

TULONG SA NASUNUGAN INUNA NG ATEACHER, KAMPANYA PATULOY

PATULOY na umaarangkada campaign sorties ng ATEACHER Party-list sa Bulacan na pansamatalang nagbigay ng oras upang mag-abot ng tulong sa libo-libong biktima ng sunog sa Tondo, Manila. Personal na nagtungo sa lugar si Virginia Rodriguez at ang kanyang grupo matapos magsagawa ng motorcade sa Sta. Maria, Bulacan para magbigay ng tulong sa mga biktima na nawalan ng tahanan dahil sa sunog. Nagpasya si Rodriguez na bigyan pansin ang mga nasunugan sa Pas Compound, Port Area, Tondo, Manila noong April 23. Pinangunahan ni Rodriguez, nominado ng ATeacher Party-list, ang pamamahagi ng…

Read More

PANGHAHARAS NG ONLINE LENDING COMPANIES IKINABAHALA

NABAHALA si Senador Sherwin Gatchalian sa patuloy na pamamayagpag ng online lending companies at panghaharas na ginagawa sa mga nagkakautang sa kanila. Kaya muling iginiit ni Gatchalian ang pangangailangan ng batas na magbabawal sa mga hindi makatarungang paraan ng paniningil ng utang ng mga online lending companies. Nagbabala si Gatchalian sa istilo ng mga lending companies kung saan ginagawa nilang mas madali para makautang ang mga tao. Lumilitaw sa mga reklamo na natatanggap ni Gatchalian isang araw lang na hindi makabayad, puro pananakot na ang ginagawa ng mga tauhan ng…

Read More

PAKIKIDALAMHATI SA MGA KATOLIKO, PAG-AALALA SA MGA OBRERO IPINAABOT NG TRABAHO Party-list

NAGPAABOT ng pakikidalamhati sa mga Katoliko ang TRABAHO party-list kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis. “We mourn the passing of Pope Francis”, mababasa sa Facebook page ng 106 TRABAHO Party-List nitong Lunes. Kalakip ng nasabing mensahe ang larawan ng Santo Papa at sipi mula sa kanyang homily patungkol sa kabanalan ng trabaho bilang pinakaunang bokasyon ng tao. Sa mga salita ni Papa Francisco, “Ito ang pinakaunang bokasyon ng tao: magtrabaho. At ito rin ang nagbibigay ng dignidad sa tao- siyang dignidad na naghahalintulad sa kanya sa Panginoon. Ang dignidad ng…

Read More

MANGGAGAWA, KABATAAN SUPORTADO MGA TEODORO

NAGPAHAYAG ng buong suporta ang ilang labor groups at isang youth organization sa kandidatura nina Marcy Teodoro at Maan Teodoro bilang 1st District Representative at Mayor, ayon sa pagkakasunod. Sa isang pahayag, sinabi ng Manggagawa Para sa Kapakanan at Pagkakaisa sa Armscor (MAKAPA-ARMSCOR), Samahan ng Manggagawa sa Sunlight Food Corporation (SMSFC), Samahang Manggagawa ng Ponderosa Leather Goods Company, Inc. (SMPLGC), Kapatirang Samahan ng Manggagawang (KASAMA) Labor Federation, at National Confederation of Labor (NCL) na napatunayan ng mga Teodoro na sila’y maaasahan, lalo na tuwing panahon ng krisis tulad ng pandemya…

Read More

HEIDI BINATIKOS SA PAGBABAGO NG POSISYON KAY QUIMBO

BINATIKOS si senatorial candidate Heidi Mendoza sa kanyang pagbaligtad sa nauna niyang paninindigan kay Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo. Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Mendoza na hindi siya sang-ayon sa ilang mga posisyon ni Quimbo ukol sa iba’t ibang polisiya, ngunit handa siyang isantabi ito alang-alang sa Marikina. “I may not have agreed with Stella’s policy positions 100 percent in the past, but I set those differences aside for the sake of my love for my city. Hindi naman pwedeng hindi buksan ang puso at isipan dahil…

Read More