PATULOY na umaarangkada campaign sorties ng ATEACHER Party-list sa Bulacan na pansamatalang nagbigay ng oras upang mag-abot ng tulong sa libo-libong biktima ng sunog sa Tondo, Manila.
Personal na nagtungo sa lugar si Virginia Rodriguez at ang kanyang grupo matapos magsagawa ng motorcade sa Sta. Maria, Bulacan para magbigay ng tulong sa mga biktima na nawalan ng tahanan dahil sa sunog.
Nagpasya si Rodriguez na bigyan pansin ang mga nasunugan sa Pas Compound, Port Area, Tondo, Manila noong April 23.
Pinangunahan ni Rodriguez, nominado ng ATeacher Party-list, ang pamamahagi ng mga tulong tulad ng bigas, de-latang pagkain, mineral water, hygiene kits at damit para sa evacuees.
“Matagal na rin namin ginagawa ang pamamahagi ng tulong sa mga nasunugan nating kababayan kaya noong tumawag po sa akin ang mga nasunugan sa Tondo agad kaming tumugon.
Namahagi po kami agad ng mga importateng bagay- hygiene kits, kitchen essentials, sleeping kits, grocery items, mga damit, bigas, at mineral water. Isa itong tulong para sa ating mga kababayan lalo na ngayon panahon ng krisis,” sabi ni Rodriguez. Si Rodriguez, kilala bilang isang philanthropist, ay nagpahayag ng taos-pusong dalangin para sa kaligtasan ng bawat biktima ng sunog at nangako siyang ipagpatuloy ang pagtulong sa mga biktima sa abot ng kanyang makakaya at patuloy ang kanyang dedikasyon sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Nagbigay rin ng libreng pagkain ang ATeacher party-list sa libu-libong biktima ng sunog, bukod pa sa pamamahagi ng mahahalagang pangangailangan.
Patuloy na nangunguna ang Ateacher party-list sa halos lahat ng poll survey dahil sa programa nito na iangat ang buhay ng mahihirap.
Nagpasalamat naman ang mga biktima ng sunog kay Rodriguez dahil sa walang sawang pagtulong at tunay na pag-aalaga nito sa bawat nangangailangan ng tulong. Samantala, pinasalamatan ni Rodriguez ang mga lokal na lider at iba pang pribadong organisasyon para sa kanilang pagsisikap at pagkakaisa sa pagtulong na pagtagumpayan ang mga hamon sa buhay.
