ISKO MORENO, IBA PA PAGPAPALIWANAGIN NG COMELEC SA REKLAMONG VOTE BUYING

PADADALHAN ng Commission on Elections (Comelec) ng show cause order ang ilang lokal na kandidato dahil sa alegasyong vote buying.

Ayon sa Comelec, sina Manila Mayoral candidates Isko Moreno at Sam Versoza, Caloocan City Mayor reelectionist Along Malapitan, at anim na iba ay inaakusahan ng “vote-buying,” isang uri ng paglabag na maaring maging batayan ng disqualification.

Ang reklamo kay Moreno ay kaugnay sa pamamahagi umano nito ng P3,000 sa public school teachers.

Nauna nang binalaan ng Comelec ang mga kandidato sa paggawa ng election offenses gaya ng vote buying dahil maaari silang maharap sa disqualification.

Sa katunayan ay bumuo pa si Comelec Chair George Erwin Garcia ng committee on Kontra Bigay sa pamamagitan ng Resolution 11104 upang ipatupad ang batas laban sa pamimili ng boto at pagbebenta nito.

Upang palakasin ang pagbabantay at pagpapatupad nito, nagtatag din ng regional, provincial at city-level “Kontra Bigay” committees na siyang magbabantay at magre-report ng mga paglabag.

(JESSE KABEL RUIZ)

64

Related posts

Leave a Comment