40 MATATAAS NA KALIBRE NG BARIL ISINUKO SA 601ST BRIGADE

UMABOT 40 matataas na kalibre ng baril ang isinuko sa pamunuan ng 601st Infantry (Unifier) Brigade sa Brgy. Kamasi, Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Linggo. Mismong si Brig. Gen. Edgar L. Catu, commander ng 601st Brigade, ang nagpresinta ng nasabing mga kagamitang pandigma kina Lt. Gen. Antonio G. Nafarrete, commander ng Western Mindanao Command at Maj. Gen. Donald M. Gumiran, commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division. Kabilang sa isinukong mga armas ang mga sumusunod: pitong M14 7.62mm rifle, anim na M16 5.56mm rifle, limang Garand Cal. 30 rifle, dalawang Ultimax…

Read More

5 NPA PATAY SA NEGROS OCCIDENTAL ENCOUNTER

LIMANG kasapi ng isang dismantled guerilla front, ang napatay ng mga tauhan ng Philippine Army 3rd Infantry Division nitong Linggo ng umaga, Abril 27, 2025, sa lalawigan ng Negros Occidental matapos ang serye ng habulan at sagupaan, ayon kay Col. Erwin Rommel Lamzon, 3ID spokesman. Kabilang sa mga napaslang si Pungkol o alyas “Putol”, ang kilabot na lider ng remnant ng Southern West Front, Komiteng Rehiyon, NCBS (Negros, Cebu, Bohol and Siquijor) sa Barangay Tapi, Kabankalan City, Negros Occidental. Ayon sa report na isinumite ng Army 302 Infantry Brigade, bukod…

Read More

LUCENA GENERAL HOSPITAL SA QUEZON NAKATIWANGWANG

PINUNA ng netizens ang nakatiwangwang na malalaking gusali ng isang panukalang ospital sa lalawigan ng Quezon. Sa post sa social media ng Quezon Province News and Updates, nakasaad na sana ay inayos muna at pinaganda ang serbisyo ng Quezon Memorial Center o QMC noong 2021 na nanlilimahid sa dumi, kulang sa mga doktor, nurses at espesyalista, maraming kulang na pasilidad, kulang sa bed capacity at ginawa pang tambakan ng basura ang basement. Puna pa ng netizens, illegal na pinagawa ni Quezon 2nd District Congressman David “JayJay” Suarez ang mga gusali…

Read More

PAGPRAYORIDAD SA BAGONG CITY HALL KAYSA OSPITAL IKINADISMAYA SA PASIG

KINONDENA ng mga residente sa Pasig City ang pasya ng pamahalaang lungsod na mas gawing prayoridad ang konstruksyon ng bagong City Hall kaysa sa pagpapatayo ng modernong ospital. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng budget ng LGU na aabot sa P118 billion sa nakalipas na 6 na taon. Ayon kay Rodel Torres mula sa Maybunga, sapat na ang nasabing halaga para mapondohan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga residente sa lungsod. Aniya, mas ginawang prayoridad ni Mayor Vico Sotto ang pagpapatayo ng bagong City Hall at pinaglaanan ng budget na…

Read More

SANDOVAL INISYUHAN NG SCO SA VOTE BUYING

MAAARING maging dahilan ng diskwalipikasyon ni Malabon re-electionist Mayor Jeannie Sandoval kung mabibigo itong magpaliwanag sa Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng pagkakasangkot sa vote buying. Si Sandoval ay kabilang sa listahan na pinadalhan ng show cause order ng komisyon na may kaugnayan sa umano’y vote buying. Batay sa inilabas na dokumento ng Comelec, si Sandoval ay inakusahan ng vote buying matapos gamitin ang social media pages ng lungsod sa kanyang pangangampanya. Sa social media page ng lungsod, lumalabas na ginamit ito sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Malabon…

Read More

TIWALA NI FPRRD IBINIDA NI IMEE

IBINAHAGI ni Senator Imee R. Marcos ang isang litrato kasama si dating pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Sabado, Abril 26. Makikita sa larawan na itinaas ng dating pangulo ang kamay ng senadora, pahiwatig ng tiwala at suporta sa kandidatura ng huli. Kuha ang larawan noong Oktubre 2024, ilang araw matapos pormal na maghain ng kandidatura si Marcos para senador sa eleksyon ngayong Mayo 2025. (Danny Bacolod) 10

Read More

BIRTUD NG MASONRY PINURI NI CAMILLE

PINASALAMATAN ni Senatorial millennial candidate Camille Villar ang Most Worshipful Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines sa mainit na pagtanggap sa kanya bilang kanilang panauhing pandangal sa kanilang taunang pagtitipon sa Pasay City. Sa kanyang mensahe, pinuri ni Camille Villar ang mga Masonic virtues ng tibay ng loob, prudence, pagpipigil, at katarungan —mga pagpapahalaga na aniya ay mahalaga sa pagbuo ng isang matatag at makatarungang lipunan. Nagbahagi rin siya ng isang personal na koneksyon sa kapatiran, na naalala na ang kanyang lolo, si Dr. Filemon C.…

Read More

NETIZENS KINILIG SA DUET NG MELASON

KILIG at good vibes ang naramdaman ng mga netizen sa in-upload na karaoke duet ng MELASON o real-life couple na sina Melai Cantiveros-Francisco at Jason Francisco nitong Huwebes sa kanilang Facebook fan page. “This song is brought to you by TRABAHO Party-list,” bungad ni Melai. “Dahil ang pagmamahal mo sa isang tao ay tinatrabaho,” dagdag pa niya sabay lingon kay Jason upang magsabi ng “I love you!” “God bless po. Good luck TRABAHO Party-list!,” tugon naman ni Jason, bilang suporta sa pro-labor reform na adbokasiya ng kanyang kabiyak kasama ang…

Read More

PAGLIKHA NG TRABAHO PRAYORIDAD NG FPJ PANDAY BAYANIHAN – POE

SEN. Grace Poe said creating employment for Filipinos will be a priority of the FPJ Panday Bayanihan Partylist if it gets elected in Congress in the May polls. Speaking at a grand rally in San Carlos City, Pangasinan, Poe said FPJ Panday Bayanihan will lead the way to a sustained and accelerated campaign to create jobs and uplift lives. “Masisipag at talentado ang mga Pilipino, kailangan lang nila ng oportunidad para ipakita ito at maging produktibo,” she told the crowd in the city, where her father, the late National Artist…

Read More