BINATIKOS ng isang grupo ang motorcycle taxi na Move It dahil sa umano’y patuloy nitong pag-o-onboard ng mga rider kahit walang maayos na training na naglalagay sa panganib sa publiko at posibleng magdulot ng mas maraming aksidente sa kalsada. “Ang problema diyan, napakaraming motorsiklo ang nasasangkot sa aksidente. Marami na sa kanila ang naaksidente, at meron pang mga namatay,” ayon kay Ronald Gustilo, national campaigner ng Digital Pinoys, sa isang panayam sa radyo. Nanawagan si Gustilo kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Transportation Secretary Vince Dizon na agarang ipatupad ang…
Read MoreDay: May 8, 2025
ANGKASANGGA PARTYLIST UMAKYAT SA SURVEY
UMAKYAT ang Angkasangga Partylist sa pinakabagong Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, kung saan nakatitiyak na sila ng hindi bababa sa dalawang upuan sa Kongreso. Sa survey na ginawa mula Abril 20 hanggang 24, nakakuha ang Angkasangga Partylist ng 2.51 porsyento ng boto, sapat para makamit ang ika-13 puwesto at dalawang upuan sa Kamara. Ito’y malaking pag-angat mula sa resulta ng survey noong Abril 10 hanggang 16, kung saan nakakuha lamang sila ng 1.98 porsyento at tinatayang makakakuha ng isang upuan. “Lubos po ang aming pasasalamat sa lumalawak na…
Read MoreAQUINO NAGPASALAMAT SA ENDORSEMENT NG JIL
LUBOS ang pasasalamat ni dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino sa endorsement ng Jesus is Lord Church sa kanyang kandidatura na nagpalakas sa kanyang tsansang manalo. Nagpasalamat si Aquino sa JIL sa kanilang suporta at tiwala, at kay Sen. Joel Villanueva sa pagtatakda ng pulong sa JIL National Executive Committee. “Maraming salamat sa endorsement ng Jesus is Lord Church sa posisyon ng Senador. Maraming salamat sa tiwala at suporta,” wika ni Aquino, na pang-11 sa pinakabagong Pulse Asia survey na ginawa mula Abril 20 hanggang 24. Nagpahayag din…
Read MoreNATIONAL LAND USE BILL ISUSULONG NG ‘ALYANSA’
PANAHON na upang maisabatas ang panukalang National Land Use Act (NLUA). Nangako ang mga administration-backed senatorial bets ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na tutuldukan ang ilang dekada nang pagkatengga ng NLUA, anila, ang pagpasa nito ay kinakailangan ng matibay na political will at ng committee chairs na seryoso sa land use planning at sustainability. Sinabi ni dating Senador Panfilo “Ping” Lacson na ang patuloy na pagkatenga ng panukala – umabot na sa 30 taon – ay dahil sa mahinang liderato at lack of urgency sa mababa at mataas na…
Read MorePOLICE VLOGGER TULUYAN NANG SINIBAK NG NAPOLCOM
KINUMPIRMA kahapon ng National Police Commission (Napolcom) na tuluyan na nilang sinibak sa serbisyo ang vlogger-cop na tumuligsa sa administrasyong Marcos Jr. kasunod ng pagdakip kay dating presidente Rodrigo Duterte at hindi na rin ito makakapasok sa anumang public service. Inihayag ng Napolcom na dismissed na sa serbisyo si Patrolman Steve Francis Fontillas matapos na nag-viral siya sa mga social media platform dahil sa pagpapakita niya ng suporta kay dating pangulong Duterte ng arestuhin ito at dalhin sa The Hague sa Netherlands kaugnay sa kasong crime against humanity na nakahain…
Read MoreKONTRATA NG PRIMEWATER PINABABASURA NG CONSUMERS
NAGHAIN ng reklamo ang Bayan Muna Party-list at mga consumer ng PrimeWater Infrastructure Corp. sa Malakanyang na nananawagan ng kanselasyon ng lahat ng joint venture agreements (JVAs) sa pagitan ng Villar family-owned private water utility firm at local water districts sa buong bansa. Tinukoy ang malaganap na ‘service failures at legal violations.’ Sa reklamo na naka-address kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi ng grupo na ang JVAs ay nagresulta ng madalas na pagkaantala ng suplay ng tubig, mahinang kalidad ng tubig, mataas na rates, at hindi tumutugon na serbisyo…
Read MoreROSE LIN NG QC DISTRICT 5 BITBIT NG IGLESIA NI CRISTO
INENDORSO ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang kandidatura ni Rose Nono Lin bilang kinatawan ng Quezon City’s Fifth Legislative District. While there is no official proclamation by the INC, sources close to the religious group and Lin’s camp both confirmed the endorsement. In a statement, Lin thanked the INC for their support in her fight to “raise the quality of public service for the residents of District 5., and address the problems that they have shared with us.” “Malalim po ang pasasalamat natin sa tiwala at suporta na ibinigay sa…
Read More2 PANG SEKYU NI PULONG MIYEMBRO NG AFP
KINUMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na miyembro nila ang security detail na nakatalaga kay Davao City Rep. Paolo Duterte. Subalit tiniyak at nilinaw ni AFP Public Affairs Office (PAO) Chief, Col. Xerxes Trinidad, ang security detail ng mambabatas ay aprubado ng Commission on Elections (Comelec) alinsunod sa umiiral na mga panuntunan sa panahon ng halalan. Ayon kay Col. Trinidad, gumagawa na sila ng hakbang para imbestigahan at beripikahin ang pagkakakilanlan ng mga tauhan nitong nakatalaga sa mambabatas. Makikipag-ugnayan din ang AFP sa Philippine National Police (PNP) at…
Read More15 PULIS NG VALENZUELA SIBAK SA ROBBERY-EXTORTION
SINIBAK sa pwesto ni NPD Chief Police Brigadier General Josefino Ligan ang labinlimang miyembro ng Valenzuela City Police makaraang masangkot diumano sa kasong robbery extortion. Sinabi ni Ligan, na kanya rin irerekomenda ang pagsasampa ng kaukulang administrative charges laban sa mga pulis na sangkot sa kaso. Kabilang sa mga ito ang hepe ng Special Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) at ng Special Intelligence Unit (SIU), habang 13 ay Police Non-Commissioned Officers (PNCOs). Tiniyak naman ng pamunuan ng NPD na ang kanilang hanay ay mananatiling tapat sa tungkulin para sa…
Read More