POLICE VLOGGER TULUYAN NANG SINIBAK NG NAPOLCOM

KINUMPIRMA kahapon ng National Police Commission (Napolcom) na tuluyan na nilang sinibak sa serbisyo ang vlogger-cop na tumuligsa sa administrasyong Marcos Jr. kasunod ng pagdakip kay dating presidente Rodrigo Duterte at hindi na rin ito makakapasok sa anumang public service.

Inihayag ng Napolcom na dismissed na sa serbisyo si Patrolman Steve Francis Fontillas matapos na nag-viral siya sa mga social media platform dahil sa pagpapakita niya ng suporta kay dating pangulong Duterte ng arestuhin ito at dalhin sa The Hague sa Netherlands kaugnay sa kasong crime against humanity na nakahain sa International Criminal Court (ICC).

Si Fontillas ay sinasabing napatunayang guilty of grave misconduct, unbecoming of a police officer and disloyalty to the government, ayon sa Napolcom, ang ahensiyang naatasan magsiyasat sa mga irregularidad sa hanay ng pulisya.

Maliban sa pagkasibak sa serbisyo, pinatawan din si Fontillas ng accessory penalty na perpetual disqualification sa public service.

Ayon kay Napolcom vice chairman at executive officer Rafael Vicente Calinisan, unanimous ang ibinabang desisyon ng kanilang en banc.

(JESSE KABEL RUIZ)

76

Related posts

Leave a Comment