KONTRATA NG PRIMEWATER PINABABASURA NG CONSUMERS

NAGHAIN ng reklamo ang Bayan Muna Party-list at mga consumer ng PrimeWater Infrastructure Corp. sa Malakanyang na nananawagan ng kanselasyon ng lahat ng joint venture agreements (JVAs) sa pagitan ng Villar family-owned private water utility firm at local water districts sa buong bansa.

Tinukoy ang malaganap na ‘service failures at legal violations.’

Sa reklamo na naka-address kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi ng grupo na ang JVAs ay nagresulta ng madalas na pagkaantala ng suplay ng tubig, mahinang kalidad ng tubig, mataas na rates, at hindi tumutugon na serbisyo sa customer sa mga lugar kabilang na ang San Jose del Monte sa Bulacan, Bacolod City, Quezon, Cavite, at Bukidnon provinces.

Sinabi ng Bayan Muna na ang JVAs, karamihan ay pumasok sa administrasyong Duterte ay ‘disadvantageous’ sa publiko at lumabag sa probisyon ng Presidential Decree 198, na nagkakaloob ng operational control ng water districts sa kani-kanilang boards.

Binalaan din ito ng potensyal na paglabag sa Saligang Batas at public-private partnership regulations.

Sinasabing isang malaking pasanin ng mga consumers ang mataas na halaga sa kabila ng masamang serbisyo, sinasabing ang rates sa San Jose del Monte ay tumaas mula P280 sa P499.53 para sa unang 10 cubic meters ng pagkonsumo mula nang mag-takeover ang PrimeWater noong 2018.

Tinukoy din sa reklamo ang displacement ng water district employees at kinuwestiyon kung ang PrimeWater ay nagtsa-charge ng corporate income taxes sa consumers, isang isyu na dati ng ipinarating sa Supreme Court.

Ang apela pa rin ng Bayan Muna kay Pangulo ay magpalabas ng isang executive order na nagpapawalang-bisa sa JVAs, atasan ang Local Water Utilities Administration na kuning muli ang kontrol ng apektadong distrito at pag-utos ang ‘full investigation’ sa kasunduan.

(CHRISTIAN DALE)

57

Related posts

Leave a Comment