CLICKBAIT ni JO BARLIZO BUMAGAL pa ang inflation nitong Abril sa 1.4 porsyento, ayon sa Philippine Statistics Authority. Bahagyang mas mababa ito kumpara sa 1.8 porsyento noong Marso. Ang mabagal na implasyon ay bunsod ng mabagal na paglobo ng presyo ng pagkain at pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo. Bumaba na raw ang presyo ng bigas, gayundin ang mga gulay, isda, ibang seafood at iba pa. Bumaba rin ang inflation ng transport, na ang isa sa mga pangunahing nag-ambag ay ang mas mabilis na pagbaba sa presyo ng gasolina. Ngunit…
Read MoreDay: May 8, 2025
MGA PULIS, BUMBERO AT POLITIKO NALOKO?
RAPIDO ni PATRICK TULFO NASA balita ngayon lang ang pagkakaaresto sa isang 30-taong gulang na babae na suspek sa panloloko ng mga pulis, bumbero at ilang politiko, isa rito ay natangayan pa raw ng dalawampung milyong piso! Nahikayat daw ng suspek ang mga biktima na mag-invest ng pera sa kanyang “Fuel Investment trading” kung saan kikita ng piso kada litro ang mga investor sa mabibiling fuel. Sa Southern Tagalog daw nagsimula ang operasyon ng hindi pa pinangangalanang suspek, hanggang umabot na sa Metro Manila ang modus nito. At katulad ng…
Read MoreTRUST GOD
HOPE ni GUILLER VALENCIA PROVERBS 3:5, “Trust in the Lord with all your heart, and lean not on your own understanding; In all your ways acknowledge Him, And He shall direct your paths.” Nowadays, we can’t deny that many are striving to earn money, some are really trying hard to acquire fame and gain honor, as well as attaining great education. Nothing wrong with them; however, if we are earning money by crook or by hook to the extent that we are stepping on people’s dignity and rights. Therefore, that…
Read MoreMALINAW ANG BOSES NG BAYAN—SUPORTA PARA KAY CONG. BRIAN YAMSUAN
TARGET ni KA REX CAYANONG NAGSISILBING malinaw na mensahe ang pinakahuling resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey mula sa mamamayan ng Ikalawang Distrito ng Parañaque: gusto nila ng bago, ng progresibo, at ng tapat—at ito ay sa katauhan ni Congressman Brian Yamsuan. Ayon sa datos mula sa survey na isinagawa noong Abril 10 hanggang 14, 2025, nakakuha si Yamsuan ng 54% na suporta mula sa mga botante—malayo sa 31% lamang na nakuha ni incumbent Congressman Gus Tambunting. Ang 23% na lamang ni Yamsuan ay katumbas ng halos 50,000 boto—isang malinaw…
Read MoreIMPEACHMENT CASE VS BBM NAISAMPA NA
PORMAL nang naisampa ang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Eksaktong alas-singko ng hapon ng Huwebes nang personal na tanggapin ni House Secretary General Reginald Velasco ang verified complaint nina dating National Youth Commission (NYC) chairman Ronald Cardema at dating Duterte Youth party-list Rep. Marie Cardema. Tulad ng inaasahan, inendorso ni Duterte Youth party-list Rep. Drixie Mae Cardema ang impeachment complaint na kauna-unahan mula nang maging Pangulo si Marcos. May kaugnayan ang kasong betrayal of public trust na nilalaman ng impeachment complaint sa pagpayag umano ni Marcos…
Read MorePAG-DQ NG COMELEC KAY SIA WAKE UP CALL SA MGA ‘BASTOS’
IKINAGALAK ng grupong Gabriela ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na idiskwalipika si Pasig City congressional candidate Atty. Christian Sia na maituturing umanong inisyal na tagumpay ng kababaihan. “This ruling must serve as a wake-up call to the entire political establishment: misogyny is not just unbecoming of public servants—it is despicable and dangerous, and must be treated as such,” ayon sa grupong pinamumunuan ni Representative Arlene Brosas. Magugunita na kinuyog ng mga netizen si Sia matapos nitong sabihin sa isa sa kanyang sortie na puwedeng sumiping sa kanya ang…
Read MoreTarget: Zero violence FULL DEPLOYMENT NG PNP ARANGKADA NA
UMARANGKADA na ang full deployment ng mga tauhan ng Philippine National Police sa buong bansa bilang bahagi ng paghahanda para sa ligtas, tapat, at mapayapang halalan. Target ng PNP, base na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang “zero violence”. Ayon kay PNP chief, General Rommel Francisco Marbil, aabot sa 163,000 na mga pulis ang ipakakalat upang bantayan ang mga polling precinct, mahalagang pasilidad, at iba pang lugar na may kaugnayan sa eleksyon. Una rito, inilagay ng PNP sa full alert status ang buong pwersa ng pulisya…
Read MoreHIGH SCHOOL AT SENIOR HIGH SCHOOL GRADS PWEDENG MAGTRABAHO SA GOBYERNO
MAAARI nang magtrabaho sa gobyerno ang mga high school at senior high school graduate matapos amyendahan ng Civil Service Commission (CSC) ang educational requirements para sa mga first level position sa government services. Sa ilalim ng CSC Resolution No. 2500229 na pinagtibay noong Marso 5, 2025 at kahapon lamang isinapubliko, maaari nang magtrabaho sa anumang ahensya ng gobyerno ang mga high school at senior high school student na nagtapos noong 2026. “The revisions now formally recognize Junior High School (Grade 10) and Senior High School (Grade 12) graduates under the…
Read More12K PULIS SA CENTRAL LUZON IKAKALAT SA ELEKSYON
MAHIGIT 12,000 pulis mula sa Police Regional Office 3 (PRO3) ang kasalukuyang naka-deploy na sa iba’t ibang polling precincts sa Gitnang Luzon simula pa noong Linggo, Mayo 4, bilang bahagi ng pinaigting na seguridad at kahandaan para sa nalalapit na halalan sa Mayo 12, 2025. Kabilang sa mga ipinakalat ay hindi lamang ang mga tauhan mula sa iba’t ibang police stations, kundi maging ang personnel mula sa regional at provincial headquarters, upang tiyakin ang maayos, mapayapa, at ligtas na pagdaraos ng eleksyon sa buong rehiyon. Ayon kay Police Brigadier General…
Read More