MILLENIUM ERECTORS COMPANY INIREKLAMO SA AMIN

RAPIDO ni PATRICK TULFO HINDI lahat ng reklamo na aming hawak ay may kinalaman sa mga abandonado o nawawalang balikbayan boxes. Isa na rito ay ang reklamo ng isang construction worker na si Mang Vicente Mamenta, 60-taong gulang, at tubong Misamis Oriental. Aksidente lang ang pagkakakilala namin ni Mang Vicente nang ipaayos namin ang pintuan ng aming bahay nito lang nakaraang buwan. Nagtanong si Mang Vicente sa inyong lingkod kung tama ba ang alok ng kanyang kumpanyang Millenium Erectors Company (MEC) na P50,000 na retirement pay sa mahigit na 22…

Read More

KATIWALIAN SA BI PINAGTATAKPAN NI REMULLA?

BISTADOR ni RUDY SIM BAKIT kung sino ang akusado sa reklamo ng concerned employees ng Bureau of Immigration, na si Commissioner Joel Anthony Viado sa isyu ng akusasyon ng katiwalian sa ahensya, ay tila nabaliktad ang sitwasyon dahil ang isa sa matapang na nagsiwalat ng katiwalian ay siya pa ang pilit na gustong alisin sa puwesto. Matatandaang naglabas si Department of Justice Secretary Boying Remulla ng isang department order number 435 noong June 19 upang ilipat ng puwesto ang chairman ng BI-Board of Special Inquiry na si Atty. Gilberto Repizo…

Read More

SUCCESS

HOPE ni GUILLER VALENCIA WE will discuss success in our lives today. Maraming self-help books, video, financial experts, motivators, testimonies ng mga successful individuals; artista, businessmen at iba pa na nagtuturo o nagbibigay ng gabay sa atin upang maging matagumpay. Those information can be of great help if we follow dahil sila ay testament ng pagtatagumpay sa kanilang experiences. Halimbawa, ang payo ni President Donald Trump na naging successful businessman at politician, sabi niya; “Don’t do it for the money, never give up, be into details, be totally focused, get…

Read More

TAOS-PUSONG SERBISYO NI MAYOR MARK ALCALA PARA SA LUCENA

TARGET ni KA REX CAYANONG SA mga panahon kung kailan maraming lokal na pamahalaan ang humaharap sa hamon ng modernisasyon, kahirapan, at pagbabago sa klima, may mga pinunong tunay na naglilingkod hindi para sa kapangyarihan kundi para sa bayan. Isa sa mga huwarang lingkod-bayan ngayon ay si Mayor Mark Alcala ng Lucena City, na tahimik ngunit tuluy-tuloy ang pagpapatupad ng mga programang makabuluhan at makatao para sa kanyang mga nasasakupan. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na nagmula si Mayor Alcala sa pamilyang may mahabang kasaysayan ng paglilingkod-publiko sa Quezon. Sa…

Read More

SEN. PIA CAYETANO NANUMPA SA IKAAPAT NA TERMINO SA SENADO

NANUMPA si Senator Pia S. Cayetano sa harap ni Chief Justice Alexander Gesmundo ngayong Huwebes, Hunyo 26, 2025, sa isang seremonya sa bagong Taguig City Hall para sa kanyang muling termino sa Senado. Kasama niya ang kanyang mga anak, sina Mayor Lani Cayetano, Senator Alan Peter Cayetano, Senate President Francis Chiz Escudero, at mga piling panauhin. Sa pagpasok ng Ika-20 Kongreso, muling pinagtibay ni Senator Cayetano ang kanyang paninindigan sa pagsusulong ng mga pangunahing adbokasiya gaya ng edukasyon, kalusugan, reporma sa enerhiya, at mga polisiyang makabubuti sa pamilyang Pilipino. Nanumpa…

Read More

MGA PULIS NA SANGKOT SA MISSING SABUNGEROS, ‘DI SASANTUHIN NG PNP

ITO ang pagtiyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng pahayag ng Department of Justice na may sangkot na mga tauhan ng gobyerno, kabilang ang ilang pulis, sa kaso ng nawawalang mga sabungero. Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, “Wala tayong sasantuhin—sibilyan man, opisyal, o kapwa pulis.” Pahayag ng tagapagsalita na wala silang palalampasin sa imbestigasyon sa pagkawala ng 34 na sabungero matapos ang pahayag ng isa sa mga akusado na umano’y may sangkot na mga pulis sa krimen. Kinumpirma naman ni Justice Secretary Jesus Crispin…

Read More

CHINESE TIMBOG SA PAGBEBENTA NG NAKAW NA SASAKYAN

KALABOSO ang isang Chinese national makaraang arestuhin ng mga tauhan ng Highway Patrol Group dahil sa pagbebenta nito ng nakaw na sasakyan. Ayon kay PLt. Dame Malang, spokesperson ng HPG, dakong alas-8:30 noong Miyerkoles ng gabi, inaresto ang suspek sa parking area ng isang gusali sa Paco, Manila. Ayon sa ulat, inaresto ang suspek dahil sa natanggap na reklamo na nagbebentang ito ng sasakyan na nasa hold order list. Kapag ang sasakyan ay nasa hold order list ay bawal itong ibenta dahil posibleng mayroon itong pending investigation o sangkot sa…

Read More

Sa unang BARMM Parliamentary election ARMY 6TH INFANTRY DIVISION AT JTFC FULL SUPPORT SA COMELEC

TINIYAK ng pamunuan ng Joint Task Force Central (JTFC) at ng Philippine Army 6th Infantry (Kampilan) Division, na nasa ilalim ng pamumuno ni Major General Donald M. Gumiran, sa Commission on Election na higit pa nilang paiigtingin ang security preparation para sa gaganaping kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary election. Tiniyak ng mga sundalo na ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na nila para masiguro na magiging mapayapa at matiwasay ang gaganaping parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa darating na Oktubre 13, 2025. Ipinarating…

Read More

DRIVER SINAKSAK NG BODEGERO DAHIL SA TSISMIS

CAVITE – Sugatan ang isang driver nang pagsasaksakin ng kasamahan nito sa trabaho dahil sa tsismis sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng hapon. Nilalapatan ng lunas sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si alyas “Odin”, driver ng Golden Noy Hardware sa Purok 4, Brgy. Langkaan 1, Dasmariñas City. Arestado naman ang suspek na si alyas “Armando”, 21, isang bodegero ng nasabing hardware. Ayon sa ulat, hinihinala ng suspek na ang biktima ang nagpapakalat ng umano’y tsismis hinggil sa kanya. Nang magkita ang dalawa sa parking area ng hardware bandang…

Read More