BAHAY NG KAPITAN SA QUEZON, NAKUMPISKAHAN NG MGA BARIL

QUEZON – Inaresto ang isang incumbent barangay captain sa bayan ng Sariaya sa lalawigan noong Martes ng hapon, Hunyo 24, makaraang makumpiskahan ng walang lisensyang mga baril nang salakayin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanyang bahay. Ayon sa report ng NBI, ang kapitan ay nasakote matapos ang maikling habulan at kalaunan ay nakitang nagtatago sa ilalim ng kanyang kama. Isinagawa ang raid dahil sa umano’y pag-iingat nito ng mga baril na walang lisensya. Nakumpiska ng mga awtoridad ang iba’t ibang uri ng baril kabilang ang…

Read More

BANGKAY NG NA-TRAP NA 3 MINERO NAREKOBER, 1 RESCUER PATAY

NUEVA VIZCAYA – Tuluyan nang nailabas ng mga volunteer rescuer ang bangkay ng tatlong illegal miners na na-trap sa loob ng tunnel matapos nila itong pasukin noong Lunes (Hunyo 23) ng gabi sa Sitio Balcony, Barangay Runruno, sa bayan ng Quezon sa lalawigan. Subalit isang rescuer din ang nagbuwis ng buhay bago tuluyang nailabas ang tatlong small scale miners. Kinilala ang nasawing mga minero na sina Daniel Segundo, 47; Florencio Indopia, 63, at Lapihon Ayudan, 56-anyos, pawang mga residente ng Barangay Runruno sa nasabing bayan. Sinasabing lubhang nahirapan ang rescue…

Read More

Kaya ginigipit ng Marcos admin VP SARA FRONTRUNNER SA 2028 ELECTIONS

(CHRISTIAN DALE) IDINEKLARA ni Vice President Sara Duterte ang sarili na frontrunner sa susunod na pampanguluhang eleksyon sa 2028. Binanggit ito ng Bise Presidente sa panayam sa kanya ng isang Russian media kamakailan na inilabas ng Office of the Vice President (OVP) noong Miyerkoles, Hunyo 25. Ito aniya ang dahilan kaya tinatangkang ‘walisin’ silang mga Duterte ng kanilang mga kalaban. “The survey shows that. And I think they want to eliminate the frontrunner…They think if they take out former President [Rodrigo] Duterte, they will weaken me because of it’s one…

Read More

CHIZ MAY SARILING KONSTITUSYON – SOLON

WALANG kapangyarihan ang Impeachment court na idismiss ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte na walang isinasagawang paglilitis. Reaksyon ito ni Manila Rep. Joel Chua, isa sa 11 miyembro ng House prosecution panel dahil labag umano sa Saligang Batas. “Not within the power of impeachment court,” ani Chua. Una rito, sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na lahat ng posibilidad ay puwedeng mangyari tulad ng pag-dismiss sa kaso ni Duterte kahit hindi ito dumaan sa paglilitis. Maaari umano itong magawa kapag may isang Senator-Judge ang nagmosyon na idismiss…

Read More

GOV’T AGENCIES PINAKILOS SA PROBLEMA SA HIV/AIDS

KASUNOD ng paglobo ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) sa bansa, pinakilos ng Civil Service Commission (CSC) ang lahat ng ahensya ng gobyerno para makontrol ang nasabing problema. Kasabay nito, inilabas kahapon ng CSC ang panuntunan kung papaano ipatutupad ang Workplace Policy and Education Program on HIV and AIDS sa pamamagitan ng CSC Resolution No. 2500398 na pinagtibay noong Mayo 23, 2025. Base sa direktiba ng ahensya sa CSC, lahat ng ahensya ng gobyerno kasama na ang mga Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs), Local…

Read More

BANSANG NAG-AALALA SA PAG-WATER CANNON NG CCG SA PINOY VESSEL NADAGDAGAN PA

MAS maraming foreign missions sa Pilipinas ang nagpahayag ng kanilang pag-aalala hinggil sa kamakailan lamang na paggamit ng China Coast Guard (CCG) ng water cannon sa Filipino vessels sa labas lang ng territorial sea ng Bajo de Masinloc. Sa isang post sa X, araw ng Martes, muling ipinaalala ni Australian Ambassador HK Yu na ang 2016 Arbitral Ruling ay umiiral sa lahat ng partido at ang pagtatalo sa South China Sea ay dapat lamang na mapayapang lutasin. “Australia shares the Philippines’ concerns at China Coast Guard’s use of water cannons…

Read More

KOKO: PAGPROKLAMA KAY TEODORO PAMBABASTOS SA KONSTITUSYON

KINONDENA ni outgoing Senator Aquilino “Koko” Pimentel III ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na binabaligtad ang naunang ruling na nagdi-disqualify kay Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro bilang congressional candidate para sa District 1 ng lungsod. Tinawag ni Pimentel ang desisyon na pambabastos sa konstitusyon at nagbabala na binubuksan nito ang tinawag niyang ‘gates of electoral hell’. Maituturing din anya itong mapanganib na precedent sa mga susunod na kaso sa Comelec. Tanong pa ni Pimentel na kung maaaring mabalewala ang residency requirements na minamandato ng konstitusyon sa pamamagitan ng…

Read More

VP SARA NAKALINYA SA CHINA – SOLONS

KAHIT ano pang sabihin ni Vice President Sara Duterte ay hindi mabubura ang katotohanan na siya ay Pro-China dahil maraming pruweba na magpapatunay nito. Ginawa nina La Union Rep. Paolo Ortega V at Zambales Rep. Jay Khonghun ang pahayag matapos batikusin ni Duterte ang pagkampi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa United States (US) na kalaban ng China, lalo na ang pagpayag nito na mag-deploy ng missile sa bansa. Unang sinabi ng Malacañang na hindi na ikinagulat ni Marcos ang pahayag na ito ng Bise Presidente sa Melbourne, Australia…

Read More

ILO PROJECT PARA SA GREEN AT DIGITAL SKILLS NG KABATAANG PINOY INILUNSAD

INILUNSAD kahapon sa Maynila ang bagong proyekto ng International Labour Organization o ILO na “Advancing Digital and Green Skills for Youth in ASEAN” na layong sanayin ang kabataan sa Pilipinas at Thailand para sa makabagong konstruksyon na mas ligtas sa kalikasan at mas epektibo. Sa keynote speech ni Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Carmela Torres, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsasanay sa kabataan para sa isang makatarungan at mas sustainable na hinaharap sa sektor ng konstruksyon. Sa tulong ng ILO/Korea Partnership Programme, bubuo ng mga industry-led training at…

Read More