PAGSUSULONG NG TOTAL BAN SA ONLINE GAMBLING, MATINDING LABAN SA SENADO

AMINADO si Senador Juan Miguel Migz Zubiri na matindi ang magiging laban nila sa pagsusulong na i-ban ang online gambling sa bansa. Binigyang-diin ni Zubiri na mayayaman at maiimpluwensyang indibidwal ang nasa likod ng ilang mga kilalang online gambling na kinahuhumalingan na rin ng maraming Pilipino. Sinabi ni Zubiri na batay sa datos sa unang tatlong buwan pa lamang ng taon, umaabot na sa P47 bilyon ang nakolektang buwis mula sa online gambling. Nangangahulugan anya ito na maraming Pilipino ang tumataya kaya’t hindi siya naniniwalang nasa lima hanggang 10 milyong…

Read More

P749-M NASABAT NG PDEA, BOC

NASABAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) noong Lunes ang mahigit 110 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P749 milyon, na nakalagay sa apat na “balikbayan” box sa Manila International Container Port sa Tondo, Maynila. Nasamsam ang ilegal na droga sa isinagawang interdiction operation dakong alas-11:30 ng umaga sa loob ng Container Facility Station 3, kung saan ininspeksyon ang mga kahon mula sa California at naka-address sa mga recipient sa Mandaluyong City at Quezon City, ayon sa PDEA. Nadiskubre ang 106 vacuum-sealed plastic…

Read More

Para hanapin ang missing sabungeros PHIL. NAVY HANDANG GALUGARIN ANG TAAL LAKE

INIHAYAG ng pamunuan ng Philippine Navy na nakahanda ang kanilang Naval Special Operation Group anomang oras, para sisirin at galugarin ang lalim ng Taal Lake para hanapin ang nawawalang mga sabungero na sinasabing karamihan ay inilubog sa nasabing lawa. Ito ay kasunod ng naging pahayag ng Department of Justice na posibleng ngayong linggo ay pasimulan ang pagsisid sa Taal Lake subalit hindi muna umano makasasama ang mga technical diver ng Japan na plano nilang hingian ng tulong. Ayon kay DOJ Secretary Crispin Remulla, hindi pa makasasama sa search and retrieval…

Read More