KAILANGAN din bigyan ng ayuda ang mga mangingisda tuwing may bagyo o masama ang panahon, kahit hindi sila binaha. Ito ang panawagan ni Senador Erwin Tulfo sa pamahalaan matapos dumalaw sa lalawigan ng Palawan kamakailan. “‘Pag may bagyo o masama ang panahon, hindi nakapaghahanapbuhay ang mga mangingisda natin at wala silang makain at pamilya nila sa buong panahon na may bagyo o masama ang panahon,” ayon sa mambabatas. Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) Station sa Palawan kay Sen. Tulfo, July 19 pa hindi nakapagpalaot ang may 11,000 fishermen…
Read MoreDay: July 28, 2025
OCD CENTRAL OFFICE NAGHATID NG NON-FOOD ITEMS SA REGION 1
BAHAGI ng patuloy na relief operations bunsod ng pinagsama-samang epekto ng bagyong Crising, Dante at Emong na pinalala ng nararanasang Habagat na naging sanhi ng mga pagbaha, landslide, ipinadala ng Office of Civil Defense (OCD) Central Office ang limang 10-wheeler trucks na may lulan na essential non-food items (NFIs) sa OCD Regional Office I. Inihatid ang non-food items sa mga bodega ng OCD Region I sa Pagdalagan, San Fernando City, La Union. Ayon sa Office of the Civil Defense, tatlo sa mga ito ay naglalaman ng mahigit 2,500 kitchen sets…
Read MoreCONSTITUTIONAL CRISIS NAMUMURO
NAMUMURONG mauwi sa constitutional crisis ang pagdedeklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte dahil pinakialaman ng Korte Suprema ang trabaho ng Kongreso. Ito ang babala ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno kaugnay ng desisyon ng SC noong Biyernes kung saan 13 mahistrado ang sumang-ayon sa sinulat na desisyon ni Senior Associate Justice Marvic Leonen habang isa ay nag-inhibit at on-leave naman ang isa pa. “Never sa history natin, sa jurisprudence natin na nangyari na nag-clash ang dalawang power na ‘yan (Kongreso at…
Read MoreSa hamong drug test BASTE, MAUNA KA – SOLON
KUNG may unang dapat sumailalim sa drug test ay si Davao City acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte kasama ang lahat ng mga empleyado ng city hall bago ito maghamon ng hair follicle drug testing sa lahat ng halal na opisyales ng gobyerno, ayon sa isang mambabatas sa Kamara. “You want to talk about accountability? Then lead by example. Drug testing should begin in Davao City, and the results should be made public. That includes the mayor himself,” hamon ni Manila Rep. Joel Chua kay Duterte. Ginawa ng mambabatas ang pahayag…
Read MoreTULOY ANG SONA
UMULAN man o bumagyo ay tuloy ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ngayong hapon, July 28, 2025 na gaganapin sa Batasan Pambansa, Quezon City. Mula noong Huwebes ay pinaigting ang seguridad sa loob at labas ng Batasan Pambansa Complex ng pinagsanib na pwersa ng Presidential Security Group (PSG) katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). Inanunsyo ng pamunuan ng Kamara na hindi papasukin ngayong araw ang mga walang SONA ID kung saan dadaan sa mahigpit na security…
Read MoreIkaapat na termino sa Kamara pinalagan PAG-UPO NG MISIS NI ROMUALDEZ PWEDENG KWESTYUNIN NG VOTER, TAXPAYER – MACALINTAL
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MAAARING kwestyunin ng sinomang registered voter o taxpayer sa Korte Suprema o sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) ang kontrobersiyal na pag-upo ni Tingog party-list Rep. Yedda Romualdez sa Kamara sa ikaapat na termino. Ayon kay Election Lawyer Romulo Macalintal, hindi lamang kasi political opponents ang maaaring kumontra sa pag-upo ng maybahay ni Speaker Martin Romualdez. Aniya, mahalagang mabigyan ng resolusyon ang pag-upo ni Yedda sa ikaapat na termino bilang miyembro ng House of Representatives dahil magiging “precedent” na ito. “Kung walang kukuwestiyon dito at…
Read MoreREMULLA PINASISIBAK PNP GENERAL NA SABIT SA SABUNGERO CASE
PINARE-RELIEVE ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang isang one-star general kaugnay ng kontrobersyal na kaso ng mga nawawalang sabungero. Sa isang programa sa radyo, inamin ni Remulla na may nakikitang problema sa kilos ng opisyal kaya irerekomenda niyang alisin ito sa puwesto. “Meron kaming ire-recommend kay PNP chief (Nicolas) Torre na ma-relieve na pulis sa duty… May nakikita kaming hindi tama sa kanyang kinikilos,” aniya sa isang radio program. “One star. May one star kami na irerecommend na alisin sa posisyon,” dagdag pa niya. Pansamantalang itinigil ang operasyon ng…
Read More