REMULLA PINASISIBAK PNP GENERAL NA SABIT SA SABUNGERO CASE

PINARE-RELIEVE ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang isang one-star general kaugnay ng kontrobersyal na kaso ng mga nawawalang sabungero.

Sa isang programa sa radyo, inamin ni Remulla na may nakikitang problema sa kilos ng opisyal kaya irerekomenda niyang alisin ito sa puwesto.

“Meron kaming ire-recommend kay PNP chief (Nicolas) Torre na ma-relieve na pulis sa duty… May nakikita kaming hindi tama sa kanyang kinikilos,” aniya sa isang radio program.

“One star. May one star kami na irerecommend na alisin sa posisyon,” dagdag pa niya.

Pansamantalang itinigil ang operasyon ng paghahanap at pagkuha sa mga labi ng 34 nawawalang sabungero na sinasabing itinapon sa Taal Lake, dahil sa masamang panahon.

Limang sako na may lamang hinihinalang buto ng tao ang narekober mula sa lawa. Isinailalim na sa pagsusuri ng mga imbestigador ng crime scene ang mga laman nito para sa forensic examination. (JULIET PACOT)

119

Related posts

Leave a Comment