QUEZON – Nasawi ang isang trabahador matapos na ito ay ma-suffocate sa loob ng kanilang nililinis na balon o deep well sa Sitio Pagatpat, Barangay Del Pilar sa bayan ng Quezon, sa lalawigan nitong Miyerkoles ng umaga. Batay sa salaysay ng isang saksi na kasamahan ng biktima, nangyari ang insidente dakong alas-9:00 ng umaga habang nililinis nila ang isang balon sa lugar. Nakita umano ng saksi ang biktimang si “Justin”, 31-anyos, na nagpupumilit na makaahon mula sa halos 7 metrong lalim ng balon gamit ang lubid. Ngunit bigla na lang…
Read MoreDay: August 7, 2025
HELPER NABAGSAKAN NG CRANE HOOK, PATAY
LAGUNA – Patay ang isang helper nang mabagsakan ito ng hook na nahulog mula sa kinakabitan nitong crane sa San Pedro City sa lalawigan. Nangyari ang insidente sa isang compound malapit sa national highway sa Barangay Nueva dakong alas-4:00 ng umaga noong Miyerkoles. Kinilala ng San Pedro City Police ang biktima sa pangalang “Billy Boy”, tubong Catanduanes. Batay sa ulat ng pulisya, nangyari ang trahedya habang inaayos ng biktima ang lifting belt ng crane. Ngunit biglang nahulog ang hook matapos maputol ang cable wire na nakakabit dito, at tumama ito…
Read MoreMINI DUMP TRUCK SHOOT SA BANGIN: 8 PATAY
SULTAN KUDARAT – Walo katao ang patay habang 15 ang sugatan makaraang mawalan ng preno ang isang mini dump truck noong Miyerkoles ng hapon sa nasabing lalawigan. Ayon sa Police Regional Office 12, dakong alas-5:20 ng hapon nang mangyari ang insidente habang sakay ang mga biktima sa mini dump truck patungong Cotabato City. Habang tinatahak ng nasabing sasakyan ang Barangay Christianevo sa Bayan ng Lebak ay nagkaaberya ang preno sa pababang kurbada ng kalsada dahilan upang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver. Bunsod nito, bumangga ang kanilang sasakyan sa…
Read MoreDILG NAGBABALA SA PEKENG AYUDA
NAGBABALA ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko hinggil sa pekeng ayuda modus na ipinakakalat sa pamamagitan ng social media at text messages na nagsasabing maaaring makatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 na ayuda ang mga residente sa pamamagitan ng pag-fill out ng barangay form at pagtawag o pag-text sa isang unverified mobile numbers. Babala ng DILG, ang ipinakakalat na impormasyon ay mali at misleading. Tahasang inihayag ng kagawaran na walang ganoong direktiba na inilabas ang DILG. Ang mobile numbers na nakatala sa mga ipinapaskil ay hindi…
Read More725 PAMILYA HOMELESS SA SUNOG SA TONDO
UMABOT sa 725 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraan ang mahigit pitong oras na sunog na sumiklab sa Building 13 hanggang sa kumalat sa mga barong-barong sa Aroma Compound, Happy Land, Mel Lopez Boulevard, Barangay 105, Tondo, Manila noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog bandang alas-9:50 ng umaga at dakong alas-12:53 ng hapon nang ideklarang fire under control. Mabilis namang nagresponde ang mga bumbero upang maapula ang apoy, at ang mga tauhan ng Manila Police District, partikular ang mga tauhan ng Raxabago Police Station 1, upang…
Read MoreSa pagtugon sa chemical, biological radiological and nuclear attack PHIL. ARMY RESPONSE PINAIGTING
FORT BONIFACIO: Pinaigting ng Hukbong Katihan ang kapabilidad ng mga sundalo sa pagtugon sa mga pag-atakeng Chemical, Biological, Radiological at Nuclear (CBRN) sa isang Simulation Exercise na isinagawa sa Support Command sa Camp Servillano Aquino, Tarlac City, ika-6 ng Agosto, 2025. Pinangunahan ng Office of the Chief Ordnance and Chemical Service, Philippine Army at Installation Management Command at mga international stakeholder tulad ng International Police, Defense Threat Reduction Agency at United States Army, ang pagsasagawa ng nasabing Simulation Exercise. Layunin ng nasabing pagsasanay na suriin at patatagin ang kahandaan ng…
Read MoreSUPORTA NG LGUs SA 5-MINS RESPONSE GOAL NG PRO-3 PINURI NI TORRE
PINURI ni PNP chief General Nicolas Torre lll ang kooperasyon ng lokal na pamahalaan at pulisya sa Central Luzon sa kanyang pagbisita sa Bulacan Police Provincial Office. Bilang pagpapakita ng suporta sa 5-minute response time initiative ng PNP, nagbigay ng mga bagong kagamitan ang Pamahalaang Panlalawigan. Mismong ang Hepe ng Pambansang Pulisya ang nanguna sa ceremonial turnover ng mga equipment na mula sa donasyon ng Bulacan Government sa pangunguna ni Gov. Daniel Fernando. Kabilang sa mga equipment ang 24 motorcycles, 1 patrol vehicle, 100 handheld radios, 1 surveillance drone na…
Read MoreNOTICE OF LOCKOUT LABAN SA KANILANG RANK AND FILE UNION WORKERS INIHAIN NG KMPC
NAGHAIN ng Notice of Lockout ang Kawasaki Motors Philippines Corp. (KMPC) laban sa 289 rank-and-file union workers dahil sa unfair labor practice kabilang na ang pagsasagawa ng ilegal na welga at pagboykot sa mga aktibidad gaya ng sportsfest, anibersaryo, at mandatory overtime para makabawi sa pagkalugi ng kumpanya. Sa Notice of Lockout na inihain nitong Agosto 4, 2025 sa National Conciliation and Mediation Board (NCMB), iginiit ng Kawasaki Motors na nilabag ng 289 manggagawa ang probisyong “No Strike/No Lockout” sa kanilang Collective Bargaining Agreement (CBA) na nilagdaan noong 2022 ng…
Read MoreVIRAL K9 DOG KINUHA NG AKF SHELTER
NAGTUNGO sa Napolcom sa Quezon City ang viral K9 dog na si “Kobe” kasama ang kanyang handler at tinanggap ang sacks of dog food na donasyon ng ilang pribadong indibidwal na nag-alala sa kalagayan ng aso matapos kumalat sa social media ang larawan nito. (DANNY QUERUBIN) NASA pangangalaga na ng Animal Kingdom Foundation (AKF) ang aso o K9 dog na dineploy sa isang insidente ng pagsabog sa Tayuman, Tondo noong Sabado matapos mag-viral sa social media dahil sa kondisyon nito. Ayon sa post ng AKF na isang animal welfare organization,…
Read More