TEXT SCAMS

THINKING ALOUD ni CLARIE FELICIANO Hindi pa rin natitigil ang mga scam at para bang mas dumarami ito. Kasabay ng pag-advance ng teknolohiya, talaga namang hindi pa rin natitinag ang mga manloloko para makakuha ng pera sa hindi magandang paraan. Ayon sa National Telecommunications Commission at telecommunications providers, napakarami nang text scam messages ang na-block pero kahit ganito, tila hindi pa rin ito nauubos. Araw-araw, marami pa ring nabibiktima ng mga mapanlinlang na mensahe dahil nage-evolve o nagbabago na ang mga ito. Ito pa lang paggamit ng mga opisyal na…

Read More

BAGONG KASO NG PANG-AABUSO SA OFW, ISINIWALAT SA OFW JUAN

OFW JUAN ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP DUMULOG sa OFW JUAN sa Saksi Ngayon, ang ating kabayani mula sa Riyadh, Saudi Arabia na nagtatrabaho bilang kasambahay, upang humihingi ng agarang tulong matapos makaranas ng matinding pagmamalupit sa kamay ng kanyang employer. Kinilala ang biktima na si Robelyn Salvador, naninilbihan bilang household worker sa Riyadh. Subalit sa halip na maayos na kalagayan, kalbaryo raw ang dinanas niya. Ayon kay Robelyn, sa tuwing siya ay nagkakamali — o kahit kasalanan ng kanyang mga kasamahan sa bahay — sa kanya pa rin ibinubunton…

Read More

SERBISYONG TAPAT PARA SA BAWAT BISAYA MULA KAY AKO BISAYA REP. SONNY LAGON!

TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng mabilis na pagbabago sa ating lipunan, mahalaga ang mga lider na hindi lamang nakaupo sa pwesto kundi aktibong kumikilos upang maghatid ng makabuluhang pagbabago. Isa sa mga halimbawa nito ay si Cong. Sonny “SL” Lagon ng Ako Bisaya Partylist, na patuloy na nagsusulong ng mga batas at programang makatutulong sa pag-unlad ng komunidad, ekonomiya, at kapakanan ng bawat Bisaya. Sa kanyang mga tungkulin bilang Vice Chairman ng tatlong mahahalagang komite sa Kongreso—Government Enterprises & Privatization, Games & Amusements, at Legislative Franchises—maingat niyang tinitiyak…

Read More

MGA SENADOR NAMUMULITIKA SA IMPEACHMENT NI VP SARA – SOLON

KUNG mayroong namumulitika sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte ay hindi ang mga congressman na nag-endorso sa reklamo kundi ang mga senador. Reaksyon ito ni House deputy minority leader at ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio matapos pasaringan ng ilang senador ang Kamara ng “pamumulitika” matapos i-archive ang impeachment complaint laban sa Pangalawang Pangulo. “Yan ang nakakagalit nga mga pahayag ng mga senador lalo na ang Senate president at saka yung mga susing tao sa debateng ito na pumusisyon para i-archive ang impeachment….sila ang malinaw na namumulitika,” ani…

Read More

MERALCO SINUPALPAL MALING PAGHAHAMBING NG SINGIL NITO SA ECs

NAGBIGAY linaw ang Manila Electric Company (Meralco) sa mga lumalabas na paghahambing sa singil nito sa kuryente kumpara sa mga electric cooperative (EC) sa bansa. Ayon sa opisyal na pahayag ng kumpanya, malinaw ang malaking pagkakaiba sa operasyon, pinagmumulan ng kuryente, at kalidad ng serbisyong inihahatid kaya hindi puwedeng balewalain ang mga ito kung ikukumpara ang Meralco at mga EC. Binigyang-diin ng Meralco na ang lahat ng singil nito ay dumaraan sa masusing pagsusuri, pag-apruba, at kumpirmasyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) para matiyak na makatarungan at makatwiran ang presyo…

Read More

3 TERORISTA PATAY SA LAW ENFORCEMENT OPS

TATLONG lawless element na sinasabing kasapi ng Daulah Islamiyah terror group, ang napatay sa inilunsad na joint law enforcement operation ng pulisya at militar sa bayan ng Lumbayanague, Lanao del Sur nitong nakalipas na linggo. Ayon sa ulat, patay ang tatlong hinihinalang kasapi ng teroristang grupong Dawlah Islamiya-Lanao nang makipagbarilan sila sa mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group at 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army na planong maghain ng warrant of arrest. Nabatid na sa kasagsagan ng putukan ay nadakip din ng mga awtoridad ang tatlong iba…

Read More

SANGGOL, INA PATAY SA RATRAT; LOLA SUGATAN

IPINAG-UTOS ng pamunuan ng Philippine National Police na alamin ang motibo sa likod ng pagpatay sa isang ginang at pitong buwan na sanggol nito na ilang ulit na pinagbabaril habang naghahapunan sa kanilang bahay sa Barangay San Gregorio, San Pablo City sa Laguna. Inutos sa Laguna PNP na magsagawa ng malalimang imbestigasyon at kilalanin ang suspek na walang awang bumaril sa sanggol ng tatlong ulit habang anim na tama naman ng punglo ang kumitil sa ina nito. Lumitaw sa imbestigasyon, bandang alas-8:00 ng gabi, karga ni Rhea Lunar, 30-anyos, ang…

Read More

38 KATAO NASAGIP SA HUMAN TRAFFICKING

NASAGIP ng pinagsanib na puwersa ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang 38 katao, kabilang ang 22 babae, 12 lalaki at 4 menor de edad, sa isinagawang operasyon noong Agosto 8 sa Taha Wharf, Zamboanga City. Nahuli ang grupo sakay ng wooden-hulled cargo vessel mula Taganak, Tawi-Tawi patungong Sabah. Ayon sa apat na biktima, ni-recruit sila para magtrabaho bilang kasambahay sa China gamit ang tourist visa kapalit ng sahod na P70,000 pataas. Nabatid ding dati na silang na-offload sa Maynila. Nasa pangangalaga na ng…

Read More

REMULLA KUMPIYANSANG MABABASURA KASO SA OMB

KUMPIYANSA si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na “hinog” na ang kanyang kaso kaya dapat nang ibasura sa Office of the Ombudsman. Nauna rito, si Remulla ay isa sa mga naghain ng aplikasyon para maging susunod na Ombudsman kapalit ng nagretirong si Samuel Martires. Pero lumabas kamakailan ang ulat na disqualified o laglag ang kalihim dahil sa kinakaharap nitong reklamo na may kaugnayan sa pagpapaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at pag-turnover sa International Criminal Court (ICC). Sa isang press statement, muling sinabi ni Remulla na hindi siya susuko sa…

Read More