REMULLA KUMPIYANSANG MABABASURA KASO SA OMB

KUMPIYANSA si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na “hinog” na ang kanyang kaso kaya dapat nang ibasura sa Office of the Ombudsman.

Nauna rito, si Remulla ay isa sa mga naghain ng aplikasyon para maging susunod na Ombudsman kapalit ng nagretirong si Samuel Martires.

Pero lumabas kamakailan ang ulat na disqualified o laglag ang kalihim dahil sa kinakaharap nitong reklamo na may kaugnayan sa pagpapaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at pag-turnover sa International Criminal Court (ICC).

Sa isang press statement, muling sinabi ni Remulla na hindi siya susuko sa aplikasyon kasabay ng paggiit na hinog na para maibasura ang kaso niya sa Ombudsman.

Ito ay dahil na rin sa kaso na nakahain sa Korte Suprema na may kaugnayan dito.

Una na ring nilinaw ng Supreme Court na hindi pa nagsisimula ang Judicial and Bar Council (JBC) sa official betting process para sa naturang aplikasyon.

(JULIET PACOT)

89

Related posts

Leave a Comment