3 TERORISTA PATAY SA LAW ENFORCEMENT OPS

TATLONG lawless element na sinasabing kasapi ng Daulah Islamiyah terror group, ang napatay sa inilunsad na joint law enforcement operation ng pulisya at militar sa bayan ng Lumbayanague, Lanao del Sur nitong nakalipas na linggo.

Ayon sa ulat, patay ang tatlong hinihinalang kasapi ng teroristang grupong Dawlah Islamiya-Lanao nang makipagbarilan sila sa mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group at 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army na planong maghain ng warrant of arrest.

Nabatid na sa kasagsagan ng putukan ay nadakip din ng mga awtoridad ang tatlong iba pa na kasamahan ng mga suspek.

Ayon sa 103rd Infantry Brigade, matagal nang tinutugis ang mga suspek na sangkot umano sa iba’t ibang karahasan at sa pagiging kaalyado ng Islamic State of Iraq and Syria.

Ayon kay Brigadier General Billy de la Rosa, commander ng Army’s 103rd Infantry Brigade, tinangkang isilbi ng mga sundalo at pulis ang bitbit nilang warrant of arrest para sa limang key leaders ng militant group subalit nanlaban ang mga ito kaya nauwi sa palitan ng putok.

Nakumpiska sa operasyon ang dalawang M16A1 rifle, isang M79 grenade launcher, isang pistol, dalawang granada, RPG ammunition, at iba’t ibang bala.

Kinilala ni Dela Rosa ang tatlong naaresto na sina Farhan Desumimba, alias “Al-Wala”; Fahd Sarip Marahom, alias “Zacariya”; at Asnawi Abdullah.

Walang sibilyang nadamay sa insidente at agad na na-secure ang lugar. Tiniyak ng militar at pulisya na patuloy ang kampanya laban sa terorismo para sa kapayapaan sa Lanao del Sur.

(JESSE RUIZ)

103

Related posts

Leave a Comment