38 KATAO NASAGIP SA HUMAN TRAFFICKING

NASAGIP ng pinagsanib na puwersa ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang 38 katao, kabilang ang 22 babae, 12 lalaki at 4 menor de edad, sa isinagawang operasyon noong Agosto 8 sa Taha Wharf, Zamboanga City.

Nahuli ang grupo sakay ng wooden-hulled cargo vessel mula Taganak, Tawi-Tawi patungong Sabah.

Ayon sa apat na biktima, ni-recruit sila para magtrabaho bilang kasambahay sa China gamit ang tourist visa kapalit ng sahod na P70,000 pataas. Nabatid ding dati na silang na-offload sa Maynila.

Nasa pangangalaga na ng DSWD ang mga biktima habang iniimbestigahan ang mga recruiter.

Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, paiigtingin pa ang pagbabantay sa kilalang exit points at pinaalalahanan ang publiko na agad i-report sa 1343 Action Line ang mga kahina-hinalang alok na trabaho pa-abroad.

“Ang operasyong ito ay patunay na patuloy ang banta ng human trafficking sa Irregular Migration Corridors ng Pilipinas. Dahil dito, mananatiling nakahanda at nagkakaisa ang IACAT para puksain ito,” ani Remulla.

(JULIET PACOT)

95

Related posts

Leave a Comment