1 PANG BIKTIMA NG HULIDAP NG MPD COPS DUMULOG SA NAPOLCOM

DUMULOG sa tanggapan ng National Police Commission ang isa pang delivery rider na biktima ng hulidap ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD). Nakilala ang bagong complainant na si Nicole Owen Solleza, na sinuportahan ng naunang delivery rider na si alyas “Chester” na hinuli rin ng kaparehong grupo ng mga pulis noong Setyembre 9. Nauna nang naghain ng reklamo sa Napolcom si alyas “Chester” noong Setyembre 12 laban sa mga pulis na nanghuli sa kanila. Batay sa salaysay ng bagong complainant na si Solleza, ilegal umano ang pagdakip sa…

Read More

SOUTH AFRICAN HULI SA BITBIT NA P27.2-M DROGA SA AIRPORT

ISANG high value target na South African national ang nadakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency kasunod ng isinagawang joint airport interdiction operation ng mga operatiba ng (PDEA) Regional Office 7, Bureau of Customs, at iba pang law enforcement agencies sa Mactan-Cebu International Airport, Terminal 2, noong Setyembre 18, 2025. Tinatayang may street value na aabot sa P27.2 milyon ang halaga ng shabu na bitbit ng inarestong foreign high-value target (HVT) na kinilalang si Keith Charles Moore Koeremoer, 33, South African national, isang I.T. technician. Nasa Mactan Airport…

Read More

LALAKI TIMBOG SA BOMB THREAT SA PNP-ACG HEADQUARTERS

KALABOSO ang isang lalaki nang arestuhin ng mga operatiba ng Cyber Response Unit ng PNP Anti-Cybercrime Group makaraang nagbanta online na pasasabugin ang kanilang tanggapan sa Camp Crame. Ayon kay ACG acting director BGen. Bernard Yang, nitong Setyembre 10 ay inaresto ang suspek sa Batangas City makaraang maglabas ng warrant of arrest ang Regional Trial Court ng Batangas. Inihain ang reklamo ng social media handler ng opisyal na Facebook page ng ACG matapos itong makatanggap ng sunod-sunod na pagbabanta at pagmumura mula sa suspek sa pamamagitan ng comments at messenger.…

Read More

FREE DIALYSIS TREATMENT, BIGAS KALOOB NG MALOLOS LGU

PORMAL na pinasinayahan ng Pamahalang Lungsod ng Malolos at ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Regional Officer III ang kauna-unahang Hemodialysis Center sa nasabing lungsod noong Setyembre 16, 2025. Pinangunahan ni City Mayor Christian Natividad kasama sina Arlan Granali, Acting Branch Manager NG PhilHealth Region 3 Office, at Philip Lim, President and CEO ng Premier 101 Healthcare Management, ang nasabing pagpapasinaya ng 2-storey Malolos City Hemodialysis Center facility. Mayroon itong kapasidad na 36 Japan made unit ng dialysis machines na kayang mag-cater ng nasa 100 pasyente araw-araw o hanggang 2,800…

Read More

UNIFIED 911 HOTLINES, 94.42 PERCENT EFFICIENT

IPINAGMAMALAKI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nasa 94.42 percent efficient na ang bagong Unified 911 emergency hotlines sa unang araw ng paglulunsad noong ika-11 ng Setyembre 2025. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, malaking hakbang ito tungo sa modernisasyon ng emergency response system sa Pilipinas. Sa inilabas na estadistika ng kagawaran, may kabuuang 60,323 emergency call ang naitalang tawag at nasa 57,786 ang matagumpay na nirespondehan, habang 3,537 ang tinukoy na test, abandoned, o prank calls. Sinasabing malaki ang agwat nito kung ikukumpara sa naging…

Read More

BLUE ALERT SA MAYNILA SA SEPT 21 RALLY, MASAMANG PANAHON

ITINAAS na ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Council sa Blue Alert Status ang lungsod. Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, ito ay bilang paghahanda sa paglapit ng Bagyong Nando, at epekto ng habagat. Bukod dito, pinaghahandaan din ng Manila LGU ang malawakang kilos protesta na inaasahang daragsa sa Luneta sa Linggo para kondenahin at labanan ang talamak na korupsyon sa gobyerno. Sa ngayon, nakaantabay na ang mga kawani ng Manila DRRMO alinsunod na rin sa utos nina Manila Mayor Isko Moreno at Director Arnel…

Read More

CHAVIT: MARCOS DAPAT NANG MAGBITIW

TAHASANG nanawagan si dating Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson na magbitiw na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maiwasan umano ang posibilidad ng kaguluhan gaya ng mga nagaganap ngayon sa Nepal at Indonesia kung saan sinugod ng mga nagpo-protesta ang tahanan ng mga politiko. Sa isang press conference sa Club Filipino sa San Juan City, sinabi ni Singson na dapat unahin ang imbestigasyon sa mga flood control projects sa Region 1, partikular sa Ilocos Norte, na mismong lalawigan ng Pangulo. Ayon sa kanya, imposibleng hindi alam ni Marcos ang…

Read More

BUDGET NG ARTS AT CULTURE SUPORTADO SA SENADO

TODO ang suporta ni Senador Win Gatchalian sa 2026 budget ng mga ahensiyang may kinalaman sa sining at kultura. Sa budget hearing na pinamunuan ni Senador Loren Legarda nitong Biyernes, Setyembre 19, iginiit ni Gatchalian na dapat lang bigyang pansin ang pagpapaunlad ng kultura at sining sa bansa. “Alam nating lahat na ikaw (Legarda) ang pinaka-mahilig sa arts and culture. Kaya noong ako pa ang chair ng basic education committee, ginawa nating special committee ang arts and culture para mas mabigyan ng focus,” ani Gatchalian. Kabilang sa mga nakatakdang pondohan…

Read More

TAAS-PRESYO SA PETROLYO, IKALIMA NA – DOE

SA ikalimang sunod na linggo, muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa. Batay sa apat na araw na trading ng Mean of Platts Singapore (MOPS), tinatayang tataas ng P1 hanggang P1.20 kada litro ang gasolina, P0.60 hanggang P0.80 kada litro ang diesel, at nasa P0.65 kada litro naman ang kerosene. Ayon kay Department of Energy (DoE) Oil Industry Management Bureau director Rodela Romero, malaking salik sa paggalaw ng presyo ang mga parusang ipinatutupad ng Estados Unidos laban sa Russian oil, gayundin ang patuloy na tensyon sa pagitan…

Read More