UMAKYAT na sa apat (4) ang kumpirmadong patay dahil sa hagupit ng habagat at ng magkakasunod na bagyong Mirasol at Nando, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Hindi pa kasama rito ang apat na mangingisdang nalunod sa kasagsagan ng bagyong Nando sa Hilagang Luzon, base sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG). Sa tala ng NDRRMC, dalawa ang nasawi sa Central Luzon, isa sa Cagayan Valley, at isa sa Cordillera Administrative Region (CAR) — pero bineberipika pa ang mga detalye. Samantala, nasa 11 sugatan at isa…
Read MoreMonth: September 2025
DOH NAGKALOOB NG GAMOT, TULONG MEDIKAL SA NASALANTA NI NANDO
NAGHATID ng libreng gamot at serbisyo ang Department of Health (DOH) sa mga nasalanta ng nakalipas na bagyong Nando sa Cagayan Valley. Ayon sa report ng DOH, nakatanggap ang halos 17,000 evacuees ng libreng gamot at konsultasyon mula sa ahensya sa evacuation centers sa naturang lalawigan. Tiniyak na ang nasabing serbisyo, base sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay maasistehan at mabigyan ng tulong ang mga biktima ng bagyo. Samantala, aabot sa 286 evacuation centers sa Cagayan Region ang nahatiran ng tulong ng nasabing ahensya. Kabilang sa mga…
Read More4 PATAY SA TUMAOB NA FISHING BOAT
CAGAYAN – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na apat na mangingisda ang nasawi habang apat na iba pa ang nanatiling ‘missing’ matapos tumaob ang kanilang bangka sa baybayin ng San Vicente, sa bayan ng Sta. Ana sa lalawigan sa kasagsagan ng bagyong Nando. Sinabi ni Lt. Junior Grade Anabel Paet, commander ng Coast Guard District North Eastern Luzon, hindi tumitigil ang search and rescue operation simula nang mangyari ang insidente. Kabilang sa mga natagpuang biktima ay residente ng Casambalangan, Sta. Ana habang mula naman sa Quezon Province at Camarines…
Read MorePULIS HULI SA PAGPATAY SA MAGSASAKA
LEYTE – Isang pulis ang dinakip ng kanyang mga kabaro dahil sa umano’y pagkamatay ng isang magsasaka matapos nitong barilin sa kasagsagan ng kanilang inuman sa Barangay Balire sa bayan ng Tunga sa lalawigan. Ayon kay Leyte Police Provincial Office chief, Police Colonel Dionisio DC Apas Jr., kinilala ang biktimang si alyas “Jonar,” 56, mula sa Barangay Parag-um, Carigara, Leyte. Habang kinilala naman ang suspek na pulis na si alyas “Nonoy,” 53-anyos, ng Barangay Abango, Barugo, Leyte. Base sa paunang imbestigasyon, masayang nag-iinuman ang dalawa sa bahay ng tiyahin ng…
Read MoreZALDY CO PWEDENG IPA-EXTRADITE KUNG AYAW UMUWI
POSIBLENG gamitan ng extradition treaties si Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co para mapabalik sa bansa kung patuloy itong hindi uuwi lalo na kapag may kasong naisampa na laban sa kanya kaugnay ng P35-B flood control projects anomaly. Ito ang binunyag ni House public accounts chairman at Bicol Saro Rep. Terry Ridon, kasunod ng pormal na anunsyo na ihihinto na ng Infra Committee ang imbestigasyon. “The measures of the executives to compel him go back ay pwede nilang iimplement… like extradition,” giit ni Ridon. Noong Setyembre 19, kinansela ni House…
Read MoreNAPATAY NA RIOTER SA ANTI-CORRUPTION RALLY KINUMPIRMA NI ISKO
KINUMPIRMA ni Manila Mayor isko Moreno-Domagoso ang ulat ng Department of Health (DOH) na ang isang lalaking namatay sa saksak na isinugod sa ospital, ay sangkot sa marahas na anti-corruption rally noong Setyembre 21. Ginawa ni Mayor Isko ang kumpirmasyon kasabay ng pagprisenta sa suspek na kinilalang si Richard Francisco, 52, isang repairman ng relo. Nangyari aniya ang insidente sa intersection ng CM Recto at Quezon Blvd. kung saan doon tumakbo ang ilang kabataang sangkot sa panggugulo. Boluntaryo naman aniyang sumuko ang suspek na si Richard Francisco. Ayon sa suspek,…
Read MorePNP MAGTATAYO NG TASK GROUP PARA SA VALIDATION NG FLOOD CONTROL PROBE
INIHAYAG ni Acting PNP Chief Lt. Gen. Melencio Nartatez Jr. na magtatatag sila ng top-level task group para tumulong sa imbestigasyon sa mga flood control projects sa bansa. Ayon kay Nartatez, hakbang ito bilang tugon sa liham ni DPWH Secretary Vince Dizon na humihingi ng police assistance para sa validation ng mga proyekto. Dagdag pa ng opisyal, pangunahing tungkulin ng PNP ang pagbibigay ng seguridad at pagpapanatili ng kaayusan upang hindi maharang ang proseso ng imbestigasyon. Tiniyak din ni Nartatez na hindi maaapektuhan ng karagdagang deployment ang regular na operasyon…
Read MoreP1.9-M SMUGGLED GOODS BUKING SA TRAFFIC VIOLATION
ISANG simpleng traffic violation lang, pero umeksena ang malas para sa mga driver ng truck at van matapos mabulgar ang kargang smuggled goods na halos P1.9 milyon ang halaga sa Quiapo, Maynila. Ayon kay PNP-Highway Patrol Group (HPG) spokesperson Lt. Nodame Malang, dalawang truck ng puting sibuyas ang sinita sa Carlos Palanca Street dahil sa seatbelt at plate number violation. Pero nang inspeksyunin, lumitaw na walang lisensya ang driver at 200 sako ng imported onions mula China na nagkakahalaga ng P1.35 milyon ang laman ng truck. Samantala, isang van naman…
Read MoreDSWD OBLIGATION RATE TUMAAS
BINIGYANG-DIIN ni Sen. Pia Cayetano sa pagdinig ng P223.2B 2026 budget ng DSWD, NCSC, at NCIP noong Setyembre 24, 2025, na ang tunay na pagsubok ng pambansang pag-unlad ay kung paano naaalagaan ang pinakamahihirap at pinaka-bulnerableng sektor. Iniulat ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na nasa 82.67% ang obligation rate ng ahensya nitong Agosto at kumpiyansang malalampasan pa ang nakaraang taon. Nakakuha rin ng “very satisfactory” rating ang DSWD at mga attached agencies, na target pang lampasan bago matapos ang 2025. (DANNY BACOLOD) 64
Read More