DOH NAGKALOOB NG GAMOT, TULONG MEDIKAL SA NASALANTA NI NANDO

NAGHATID ng libreng gamot at serbisyo ang Department of Health (DOH) sa mga nasalanta ng nakalipas na bagyong Nando sa Cagayan Valley.

Ayon sa report ng DOH, nakatanggap ang halos 17,000 evacuees ng libreng gamot at konsultasyon mula sa ahensya sa evacuation centers sa naturang lalawigan.

Tiniyak na ang nasabing serbisyo, base sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay maasistehan at mabigyan ng tulong ang mga biktima ng bagyo.

Samantala, aabot sa 286 evacuation centers sa Cagayan Region ang nahatiran ng tulong ng nasabing ahensya.

Kabilang sa mga isinagawang serbisyo rin ng DOH sa mga evacuation center ang tuluy-tuloy na pagsuri sa nutrisyon ng mga bata, pagsasagawa ng blood pressure monitoring, at first aid sa mga taong naapektuhan ng bagyo.

Matatandaan na ang rehiyon ng Cagayan ay isa mga lugar na naapektuhan ng pagsalanta ng bagyong Nando.

(JULIET PACOT)

80

Related posts

Leave a Comment