4 PATAY SA TUMAOB NA FISHING BOAT

CAGAYAN – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na apat na mangingisda ang nasawi habang apat na iba pa ang nanatiling ‘missing’ matapos tumaob ang kanilang bangka sa baybayin ng San Vicente, sa bayan ng Sta. Ana sa lalawigan sa kasagsagan ng bagyong Nando.

Sinabi ni Lt. Junior Grade Anabel Paet, commander ng Coast Guard District North Eastern Luzon, hindi tumitigil ang search and rescue operation simula nang mangyari ang insidente.

Kabilang sa mga natagpuang biktima ay residente ng Casambalangan, Sta. Ana habang mula naman sa Quezon Province at Camarines Norte ang iba pa.

Nailigtas din ang anim na indibidwal ngunit mayroon pa ring apat na hinahanap.

Natagpuan ang ikatlo at ikaapat na bangkay malapit sa tumaob na bangka, ayon kay Ensign Mahilum, CGDNEL information officer.

Sa naunang imbestigasyon, pabalik na ng pampang ang 14 mangingisda upang sumilong bunsod ng sama ng panahon nang hampasin sila ng malakas na alon dahilan para tumaob ang bangka.

Ayon sa isang nakaligtas na si Ronaldo Roldan, na-trap sila sa loob ng engine room ng ilang oras nang walang pagkain at naghintay ng tulong na kalaunan ay natulungan ng mga tauhan ng PCG.

(JOCELYN DOMENDEN)

91

Related posts

Leave a Comment