NABULABOG ang mga estudyante, guro, at kawani ng Jose Abad Santos High School (JASHS) sa Maynila matapos makatanggap ng ‘bomb threat’ ang isang estudyante mula sa group chat ng mga alumni. Batay sa imbestigasyon ng District Explosive and Canine Unit ng Manila Police District (MPD), natanggap ng estudyanteng si Glenmore Rodrigoy Dubongco ang mensahe sa kanilang “Rover Circle 14” Facebook group chat bandang alas-10:55 ng umaga. Ayon sa ulat, nagmula ang mensahe sa Facebook account na John Ballon, umano’y isang JASHS alumnus, na nagsabing: “May bomb threat sa Abad. Coordinate…
Read MoreDay: October 20, 2025
CHAVIT SINGSON SINAMPAHAN NG PLUNDER AT GRAFT NG MGA MAGSASAKA SA NARVACAN
SINAMPAHAN ng plunder at graft sa Office of the Ombudsman si dating Narvacan, Ilocos Sur mayor Luis “Chavit” Singson at ilang opisyal ng lokal na pamahalaan, kaugnay ng umano’y maanomalyang bentahan ng lupa at ilegal na pagpapatayo ng resthouse sa baybayin. Batay sa tatlong pahinang reklamo ng Warriors Ti Narvacan, Inc., sa pangunguna ni Atty. Estelita Cordero, inakusahan si Singson at ang mga kasamahan nito ng pagkakasangkot sa pagbili ng halos 10 ektaryang overpriced na lupa mula sa Western Textile Mills, Inc. Ayon sa reklamo, binili umano ang naturang lupa…
Read MoreHigit 4,000 pasahero stranded; 58 PANTALAN NAGKANSELA NG OPERASYON SA PAGTAMA NG BAGYONG RAMIL
KANSELADO ang operasyon ng hindi bababa sa 58 pantalan sa buong bansa matapos ang pananalasa ng Bagyong Ramil sa bahagi ng Luzon at Visayas. Batay sa situational report ng Philippine Ports Authority (PPA) at Philippine Coast Guard (PCG) na isinumite sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamaraming kanselasyon ng biyahe ang naitala sa Bicol Region na may 26 cancelled trips. Sinundan ito ng Calabarzon na may 18 kanseladong biyahe, habang 11 trips naman ang kanselado sa MIMAROPA Region. Samantala, dalawang pantalan sa Eastern Visayas ang muling naging…
Read More133K residente apektado ‘RAMIL’ DEATH TOLL UMAKYAT SA 10
SAMPU katao ang inisyal na bilang na iniwang patay ng Tropical Storm Ramil (International name: Fengshen) bago tuluyang lumabas sa area of responsibility ng Pilipinas, matapos na manalasa sa northern at central Philippines nitong nakalipas na linggo. Bukod sa naitalang pagkamatay ng isang social media vlogger, may apat pang nadagdag sanhi ng flashflood sa lalawigan ng Capiz. kaya umabot na sa 10 ang bilang ng mga nasawi dahil sa malakas na pag-ulan na dulot ng Tropical Storm Ramil na nagpabaha sa maraming lugar sa Western Visayas, Eastern Visayas at bahagi…
Read MorePara sa apat na palapag – LGU PONDO PARA SA SUPER HEALTH CENTER SA MARIKINA HINDI SAPAT
UMAASA ang Department of Health (DOH) na mapakikinabangan sa lalong madaling panahon ang Super Health Center ng Marikina City na matagal na natengga. Ang naturang proyekto ay nasilip ng DOH noong Oktubre 15, at lumabas sa dokumento na P21.5 milyon ang kinakailangang pondo ng LGU para maisakatuparan ang orihinal na dalawang palapag na Super Health Center para sa mga residente ng Concepcion Dos ng nasabing lungsod. Gayunman, nang matapos ang inspeksyon, napag-alaman ng LGU ng Marikina na hindi sapat o kulang ang pondo kung gagawing apat na palapag ang gusali.…
Read More2026 BSKE VOTERS REGISTRATION UMARANGKADA NA
UMARANGKADA nitong Lunes, Oktubre 20, ang unang araw ng voters registration para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataang Elections. Alas-8 pa lamang ng umaga ay maagang pumila ang mga magpaparehistrong bagong botante sa Luneta Park na isa sa registration sites ng Commission on Elections (Comelec). Mahaba ang pila na nangangahulugang marami ang nagnanais na makalahok sa darating na halalang pang-barangay sa susunod na taon. Inaasahan naman ng Comelec na aabot sa 1.4 milyon ang mga bagong registrants para sa BSKE elections. Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi lamang…
Read More2 SUSPEK SA SMS PHISHING SCAM, TIMBOG SA ACG
KALABOSO ang dalawang suspek na sangkot sa SMS phishing scam matapos ang magkahiwalay na operasyon ng Cyber Financial Crime Unit at Cyber Security Unit ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG). Ayon kay PNP-ACG Chief PBGen Bernard Yang, inaresto ang mga suspek sa magkahiwalay na lugar sa Mandaluyong City at Makati City sa bisa ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD). Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang ACG hinggil sa paggamit ng mga suspek ng International Mobile Subscriber Identity (IMSI) Catcher, isang device na ginagamit para magpadala ng…
Read MoreDAGDAG-BAWAS SA PRESYO NG LANGIS NGAYONG MARTES
MAGPAPATUPAD ng dagdag-bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis simula Martes, Oktubre 22. Ayon sa abiso ng Shell, SeaOil, PetroGazz, at Cleanfuel, tataas ng ₱0.10 kada litro ang presyo ng gasolina, habang may bawas na ₱0.70 kada litro sa diesel at ₱0.60 naman sa kerosene. Karamihan sa mga kumpanya ng langis ay magpapatupad ng price adjustment alas-6:00 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na karaniwang sumusunod bandang alas-12:01 ng hatinggabi. Noong nakaraang linggo, nagpatupad ang mga oil companies ng mixed fuel price adjustment kung saan gasolina lamang…
Read More‘LANDMARK PROJECTS’ KASADO SA MAYNILA — PBBM
INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mas marami pang proyekto ang ilulunsad ng pamahalaan upang maibalik ang ganda at buhay ng mga ‘landmarks’ ng Maynila, kasabay ng pagpapatuloy ng rehabilitasyon ng Pasig River. Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa paglulunsad ng “Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM)” Pasig River Urban Development Project Phase 4 sa Metropolitan Theater, kung saan kanyang ibinahagi ang mga planong magpapabago sa mukha ng kabisera. Ayon kay Marcos, nagkaroon siya ng produktibong pag-uusap kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso hinggil sa mga key projects…
Read More