TANDEM KUMANA NG GADGETS, CASH SA RESTO

CAVITE – Nilimas ng riding in tandem na nagpanggap na mga customer, ang mga cellphone, wallet at cash ng mga empleyado ng isang restaurant sa Dasmariñas City noong Lunes ng madaling araw. Inilarawan ang mga suspek na nakasuot ng itim na jacket, puting helmet at sakay ng isang blue NMAX na motorsiklo. Ayon sa salaysay ng mga biktimang sina alyas “Gemma”, 23, isang barista, at “Gerald”, 25, cashier, ng Kanin Bawang Restaurant sa Molino-Paliparan Road, Salawag, Dasmariñas City, pumasok ang mga suspek bandang alas-4:00 ng madaling araw at nagkunwaring mga…

Read More

2 PATAY, 1 SUGATAN SA RIOT SA CONSTRUCTION SITE

BATANGAS – Dalawang construction worker ang namatay habang isa pa ang sugatan matapos mauwi sa rambulan at pananaksak ang alitan ng dalawang grupo ng mga manggagawa sa Amorosa Subdivision sa Barangay Sta. Teresita, Sto. Tomas City sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-5:40 ng hapon nang magresponde ang mga opisyal ng barangay sa nasabing kaguluhan at natagpuan sa lugar ang tatlong lalaki, kung saan dalawa ang wala nang buhay habang ang isa ay sugatan. Agad isinugod sa Metro Lipa Medical Center ang nakaligtas na biktima para…

Read More

SC TINABLA MOSYON NI BATO; DOJ, DFA PINAGKOKOMENTO SA ICC WARRANT

TINABLA ng Korte Suprema ang petisyon ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na naglalayong utusan si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na isumite ang opisyal na kopya ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC). Ito ay kasunod ng pagbabasura ng SC En Banc sa very urgent motion na isinampa ng kampo ng senador para makuha ang orihinal na warrant. Matapos hindi paboran ang mosyon, inatasan naman ng Kataas-taasang Hukuman ang Department of Justice, Department of Foreign Affairs, at iba pang respondent na magsumite ng komento sa loob ng 10…

Read More

AFP DUMISTANSYA SA ALITAN NG PAMILYA MARCOS

“WALA kaming pakialam sa alitang pampamilya. We do not engage in political disputes or allegations.” Ito ang tugon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng alegasyon ni Senador Imee Marcos na gumagamit ng droga ang First Family sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa isang pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Navy Spokesman on West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na, “These matters should be resolved through appropriate legal and institutional mechanisms and not public confrontation.” Aniya, mananatiling propesyonal, disiplinado, at…

Read More

EDSA RALLY MAY FOREIGN FUNDING?

SINISILIP ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung may foreign funding ang kilos protesta na isinagawa sa People Power Monument sa EDSA, Quezon City. Ayon kay Acting AFP Spokesperson Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, bunsod ito ng umano’y “unusual” na logistical at financial support sa likod ng rally na pinangunahan ng United People’s Initiative (UPI) noong nakalipas na linggo. “Sa monitoring ng AFP para sa iba’t ibang aktibidad upang masiguro ang kaligtasan ng lahat, napansin namin na kakaiba ang support system sa administrative requirements at iba pang pangangailangan ng…

Read More

AWAY NG PAMILYANG MARCOS BUNGA NG POLITICAL DYNASTY

LALONG lumutang ang pangangailangan na ipagbawal na ang political dynasties sa bansa kasunod ng bangayan ng pamilya Marcos na malinaw na nag-aagawan sa kapangyarihan at walang pakialam sa kapakanan ng mamamayan. Pahayag ito ni Kabataan party-list Rep. Renee Co matapos ang pasabog ni Sen. Imee Marcos na bata pa lamang sila ay alam na umano ng kanilang pamilya na gumagamit ng ilegal na droga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “The Marcos sibling meltdown is a prime example of why public office should not be a family business. Ang sumisira…

Read More

Imee kay Sandro: DNA SA AKIN, HAIR FOLLICLE TEST SA INYO

SINAGOT ni Senador Imee Marcos ang pahayag ni Cong. Sandro Marcos matapos ang pasabog ng senadora kamakalawa ng gabi hinggil sa paggamit umano ng droga ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. Sinabi ng kongresista na hindi asal ng isang tunay na kapatid ang ginawa ng senadora. Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Sen. Imee na gustong paingayin ni Sandro ang usap-usapang hindi siya tunay na kapatid. Kaya naman, isa lamang anya ang solusyon at ito ay ang pagpapa-DNA test niya. Kasabay nito ay ang kanyang hamon sa kapatid at mga…

Read More

Sa ‘insertion’ ni PBBM BERSAMIN, PANGANDAMAN IGINIIT IMBESTIGAHAN

HINDI sapat na nag-resign sina dating Executive Secretary Lucas Bersamin, dating Budget Secretary Amenah Pangandaman at Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Undersecretary Adrian Bersamin bagkus ay kailangang imbestigahan ang mga ito sa anomalya sa flood control projects, giit ni House committee on public accounts chairman at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon at ng Makabayan bloc. “The ICI and the Ombudsman must continue investigating the alleged involvement of the two resigned officials in flood-control corruption, as well as the other executive officials mentioned in the affidavit and testimony of former…

Read More

ZALDY CO KASAMA SA 1ST BATCH NA KINASUHAN NG KATIWALIAN SA SANDIGANBAYAN

GUMANA na ang resbak ng pamahalaan laban kay dating congressman Ako-Bicol Partylist Elizaldy “Zaldy” Co matapos isampa ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang patung-patong na kaso kaugnay ng flood control scam sa Oriental Mindoro. Makaraan ang dalawang buwang imbestigasyon, pagkalap ng ebidensya at testimonya, inanunsyo ng Ombudsman ang resolusyong nagpapahintulot na magsampa ng kasong kriminal laban kay Co at iba pang sangkot sa kontrobersya. Ayon kay Assistant Ombudsman Mico F. Clavano, sinampahan nila ng kasong kriminal sina Co, ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways Region IV-B, at pati…

Read More