HOPE ni GUILLER VALENCIA ANG Sierra Madre ay laging nababanggit sa news at ng mga tao sa nakaraang mga bagyo kabilang ang Typhoon Uwan. Ito ang longest mountain range sa Philippines na may habang 500 kilometro from Cagayan Valley hanggang Quezon. Tinagurian ding Shield of the Cagayan Valley ang Sierra Madre. Malaki ang ginampanan ng bundok na ito sa nakaraang Typhoon Uwan. Ang bundok na ito ay lubos na pinapupurihan dahil naging kalasag sa mabangis na hangin at ulan. At ito rin ay naging matibay na kalasag sa mga bagyo…
Read MoreDay: November 20, 2025
VISA FOR SALE SA BI LEGAL DIVISION, BUHAY NA NAMAN?
BISTADOR ni RUDY SIM DAHIL sa naging sunud-sunuran ang ilang opisyales ng Bureau of Immigration-Legal Division kay Kume na kasing bilis ng kidlat bigyan ng pabor ang bawat mga dokumento ng mga dayuhang may kinahaharap na kaso sa ahensya, ay tila nasuklian ito ng malaking pabuya. Matatandaang noong taong 2023 ay kinasuhan at tinanggal sa naturang departamento ang ilang mga hawak nitong Visa’s kagaya ng commercial visa na nabistong may katiwalian. Ilan sa mga opisyal na abogado rito ay kinasuhan noon ni dating DOJ Secretary Boying Remulla at nagbantang masisibak…
Read MoreICI PINABABAGAL NG DAGDAG-BAWAS NA SALAYSAY NI BERNARDO
CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAKATUTOK ngayon ang bayan sa gumugulong na imbestigasyon sa flood control scandal kaya naman hindi maiwasan na mapansin ng ilan nating kababayan ang tila pabago-bagong alaala at salaysay ni dating DPWH Usec Roberto Bernardo. Parang teleserye na kada linggo ay may bagong plot twist—mas mahaba, mas mabigat, at mas maraming pangalan ang biglang “naaalala.” Sabi nga, hindi pa natutuyo ang tinta ng una niyang affidavit, may panibago na naman siyang bersyon. May dagdag, may bawas, at may tila ini-edit depende sa kung sinong kaharap. Kaya’t hindi…
Read MorePH ALIPIN NG ISIPANG KOLONYAL
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA BAKIT mas gusto ng Pinoy ang ‘branded o stateside products’ kaysa gawang atin? Bunga ng kaisipang kolonyal, maraming produkto natin ang pinatay ng importasyon na mas mura kaysa gawang atin. Pinatay ng stateside products at ng importasyon ang matitibay na mga sapatos sa Marikina; hinagod sa hirap ang magsasaka na mura ang bili ng palay, mura ang bili ng traders sa mga alagaing manok, baboy at iba pang negosyong atin. Kahit ano’ng yabang at pagmamalaki ng operasyon laban sa ismagling, umaapaw ang mga tindahan…
Read MoreHATOL KAY ALICE GUO BABALA SA LAHAT NG SINDIKATO
UMAASA ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magsilbing aral sa lahat ng sindikato, lokal man o dayuhan, ang habambuhay na pagkakakulong kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Kahapon, hinatulan ng Pasig Regional Trial Court Branch 167 si Guo at pito pang iba sa kasong human trafficking na kaugnay ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban, Tarlac. Bukod sa reclusion perpetua, pinagbabayad din sina Guo at tatlo pang akusado ng tig-P2 million multa at kinumpiska ang buong Baofu compound na ginamit sa POGO operations.…
Read MorePAGHAHANAP SA MGA LABI NG MISSING SABUNGEROS SA TAAL LAKE PATULOY – DOJ
KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na patuloy ang pagsisid at paghahanap ng mga labi ng missing sabungeros sa Taal Lake, Batangas. Apat na buwan mula nang simulan ang operasyon, iniulat ng DOJ na 57 bagong buto ng tao ang nadiskubre sa lawa. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, hanggang Martes, November 18, may panibagong kalansay na narekober, kasama na rin ang mga damit, underwear, at bahagi ng sako. Bukod sa operasyon ngayong linggo, may iba pang narekober ang mga tauhan ng PNP-CIDG sa mga hiwalay na araw. Sinabi…
Read MoreSa usapin ng klima, katarungan, transparency BAGSAK NA GRADO IBINIGAY NG CSOs SA ADB
BAGSAK na grado ang ibinigay ng Civil Society Organizations sa Asian Development Bank (ADB) sa isinagawa nitong 2025 Policy Review, kasabay ng paggunita sa ika-sampung taon mula nang lagdaan ang Paris Climate Agreement. Nabatid sa ginanap na press conference nitong Huwebes, Nobyembre 20, 2025, naglabas ng scorecard ang NGO Forum at ang mga kaalyado nitong CSOs. Sinabi ng Forum na “bagsak” ang ADB sa climate leadership, pagprotekta sa karapatang pantao, at pagbibigay makabuluhang partisipasyon sa publiko. Sinabi ni Marjorie Pamintuan ng Recourse, ikinalulungkot din nito na sa usapin ng ADB…
Read MoreALLOWANCES NG MGA PISKAL AT HUKOM INILABAS NA
MAHIGIT P22.3 milyon na allowances para sa mga piskal at hukom na nakatalaga sa Maynila, ang inilabas ng pamahalaang Lungsod ng Maynila, inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso. Kasunod ito ng pagpapalabas naman ng P317 milyong year-end benefits para sa mga empleyado ng City Hall. Ginawa ng alkalde ang anunsyo matapos ang kanyang pulong noong Miyerkoles, Nobyembre 19, kasama ang mga opisyal ng Office of the City Prosecutors at mga kinatawan ng trial courts ng Maynila. Dumalo sa pagpupulong sina Senior Assistant City Prosecutor Jolas Brutas, Assistant City Prosecutor Jasyrr…
Read More‘GOV’T EMPLOYEE’ NAMBUDOL SA INUMAN, TIMBOG
CAVITE – Inaresto ang isang nagpakilalang empleyado sa gobyerno na tumangging magbayad matapos uminom at nanutok ng baril sa bayan ng Silang sa lalawigan nitong Huwebes ng madaling araw. Nakapiit na sa Silang Municipal Police Station ang suspek na si alyas “Michael”, 35, isang personal bodyguard, ng Barangay Gregoria De Jesus, GMA, Cavite. Ayon sa reklamo ni alyas “Archie”, 30, doorman ng Highway Star Bar sa Brgy. Banaba, Silang, Cavite, pumasok ang suspek at nag-order ng isang bucket ng beer, pero nang natapos uminom bandang alas-12:45 ng madaling araw at…
Read More